Endless~[16]

3.5K 100 0
                                    


◇EXPLANATION◇

Hazelle's POV,

Matapos ang usapan namin nila Ate Delaney at Dylan, napagdesisyonan ko muna silang iwan at mina buti na intindihin silang dalawa. Alam kong mas magkaka usap sila ng maayos kapag wala ako.

Hindi ko pa man alam ang dahilan ni Ate Delaney, alam kong ginawa nya lang yun para sa alam nyang ikabubuti ni Lincoln. Kung ako man ang nasa sitwasyon nya, siguradong gagawin ko rin ang lahat, wag lang mapahamak ang mga taong mahal ko.

May bigla namang kumatok sa pinto at bumungad sakin si Ate Delaney. Malamya nya kong nginitian at pumasok sa loob ng kwarto ko. Tinabihan nya ko at umupo rin sa gilid ng kama ko.

"Umalis na sya. Pinapa sabi nya na susunduin ka nya dito bukas" aniya kaya tumango nalang ako.

"Hazelle, alam kong ilang araw pa lang tayo nagkakasama. Pero bilang ate mo, sana hayaan mo kong alagaan at protektahan ka. Oo magkapatid lang tayo sa ama, pero kadugo parin kita. Maniwala ka Hazelle, para sa kaligtasan mo rin ang ginagawa namin. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari ngayon, pero sana maintindihan mo na mas makakabuti kung wala kang alam. Ayokong maramdaman mo ang sakit na dinanas ko" aniya.

Nakita ko sa mga mata nya ang sinseridad at lungkot na nararamdaman nya.

Bumuntong hininga nalang ako at hinawakan ang kamay nya.

"Kung ano man ang gagawin mo, alam kong yun ang alam nyong dapat gawin. Nandito lang ako para suportahan ka, Ate" ani ko at ngumiti. Ngumiti rin sya at yinakap ako.

"Salamat, kapatid ko" aniya

***

Gumising na ko ng makita ang maliwanag na araw sa aking bintana. Bumangon ako at nagsimula ng mag ayos ng sarili at agad lumabas ng kwarto para mag agahan.

Pagkababa ko ay bumungad agad sakin sila mama at papa kasama si Ate Delaney.

Nginitian ko silang lahat at umupo na sa upuan ko.

"Alam mo ba Hazelle, ang Ate mo ang nagluto ng lahat ng yan. Mabilis syang matuto kagaya mo" komento ni papa kaya napatingin ako kay Ate Delaney. Ngumiti naman sya sakin.

"Ayos naman po ba ang luto ko pa? Baka naman napipilitan lang kayong kainin ang niluto ko? Ayos lang naman po sakin kung sa-" pinutol ko na ang sinasabi ni Ate Delaney.

"Masarap sya Ate. Gusto mo tayong dalawa naman ang magluto ng hapunan mamaya?" Alok ko kaya ngumiti sya at tumango.

Narinig ko ang busina ng isang kotse mula sa labas kaya agad na kong tumayo at kinuha ang bag ko.

"Ikaw Ate, sasabay ka ba samin ni Dylan?" Tanong ko sakanya habang kinukuha nya narin ang bag nya.

Umiling naman sya.

"May motor ako diba? Tsaka ayokong mag mukhang third wheel sa inyo" aniya kaya medyo natawa ako.

Nagpaalam na kami kela mama at papa at lumabas na ng bahay. Bumungad agad sakin ang sasakyan ni Dylan habang sya naman ay nakasandal sa gilid nito habang nakasukbit pa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

"Good morning hon" nagulat ako ng tawagin ni Ate Delaney si Dylan. Tumingin naman sakanya si Dylan at ngingiti sana pero agad sumimangot ang mukha ng agad akong tinignan.

"Hindi mo ko maloloko. Kahit magkahawig kayo, mas mukha ka parin matanda" sagot sakanya ni Dylan at ngumisi. Nanlaki naman agad ang mata ni Ate Delaney.

"FYI Mr. Chua, napagkakamalan pa kong 4th year high school because of my baby face" sagot ni Ate Delaney at umangkas na sa motor nya.

Umiling nalang si Dylan at nagulat naman ako ng hatakin na nya ko papasok ng kotse nya.

Binaba ko naman ang side window nya para mag paalam kay Ate Delaney.

Ngumiti naman sakin si Ate Delaney at sinuot na ang kanyang helmet bago mabilis na pinaharurot ang motor nya.

***

Dylan's POV,

[FLASHBACK]

"Saan ka nagtago nitong mga nakaraang taon?" Tanong ko kay Delaney.

"Tumira ako sa Amerika kasama ang mom ko. Maayos na sana ang pamumuhay namin, pero pinapatay din sya ng lalaking yun. Para makuha nya ang lahat ng ari arian ng mom ko. Akala ko titigilan na nya ko kapag ginawa ko ang gusto nya, na layuan si Lincoln. Pero pina ikot nya pala ako, kaya nya ko pinapalayo kay Lincoln, para hindi ko sya mapigilan sa lahat ng mga masasamang plano nya kay Lincoln, at sa buong grupo ng RV5" paliwanag nya.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa panloloko ng lalaking yun sa RV5?" Tanong nya.

"Ginagantihan nya ang grupo namin, dahil sa pagpapakulong namin sakanya. Pero nakatakas sya, at tinangka nyang ipapatay ang isa sa mga kaibigan ko at ang mag ina nya. Pero sa huli hindi sya nagtagumpay. Sa lumang pabrika kung saan nya dinala ang fiance ng kaibigan ko, may napasok kaming isang kwarto don na naglalaman ng lahat ng dokumento na nagpapatunay na pinagnanakawan nya ang kompanya ng mga magulang ng RV5. Pero hindi namin nakuha ang mga dokumentong yon dahil may nakita kaming isang bomba sa pinaglalagyan nito na kapag tinangkang ilabas ang mga dokumento ay agad nitong pasasabugin ang buong kwarto" paliwanag ko.

"May isa pa kong naiisip na ebidensya" aniya at agad naman kumunot ang noo ko.

"Hindi ko alam kung magagawa nya, at ayoko rin mapahamak ang buhay nya pag nahuli sya. Pero kung susubukan nya, baka may mas matibay syang ebidensya na makita" aniya.

"Sino ba ang tinutukoy mo? Private investigator?" Tanong ko. Umiling naman sya at ngumisi.

"Mas magaling pa sa isang private investigator" aniya.

"Ang asawa nya. Ang pinsan ko. Sya ang kaisa isang tao na makakatuklas ng lahat ng sikreto ng lalaking yun" aniya.

[END OF FLASHBACK]

"Lincoln, mag usap tayo" seryoso kong sabi sakanya. Narinig ko naman ang nakaka irita nyang tawa at tinignan ako.

"Ano namang dapat nating pag usapan Chua? Oh baka naman nakokonsensya ka na sa ginawa mong pag g*go sakin noon at naisip mong iparaya na sya sakin?" Nakangisi nyang tanong kaya agad nag kuyom ang kamao ko.

"Hindi kami ang kalaban nyo, ang lalaking nag uutos sa inyo ang guma g*go sa inyo. At may ebidensya kami para patunayan yon" ani ko at unti unting sumeryoso ang mukha nya.

"Paano mo naman nasabi yan Chua? At sa tingin mo maniniwala ako sa lalaking matagal ko ng mortal na kaaway noon pa?" Sagot nya.

"Magkita tayo sa warehouse. Kapag nanalo kayo, hahayaan nanamin kayo sa lahat ng gusto nyong gawin samin. Pero kapag kami ang nanalo, makikipag tulungan kayo samin" sagot ko at agad kumunot ang noo nya.

"Ano ba talagang gusto mong palabasin, Chua?" Kunot noo nyang tanong.

"Maniwala ka Hondeval, habang buhay mo kong pasasalamatan sa gagawin ko" ani ko at tinalikuran na sya.

Nalalapit na ang pagbabalik ng babaeng mahal mo.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora