Endless~[59]

4K 144 4
                                    


THE DARE

Hazelle's POV,

Limang buwan na ang nakalipas...

"Grabe ang bilis ng panahon, next year graduating student na tayo, May naisip ka na bang kompanyang papasukan Hazelle?" Tanong sakin ni Melanie.

"Wala pa, pero may mga pinagpipilian na ko kaso hindi ako sigurado kung matatanggap ako sa mga 'yun" sagot ko.

"Ano ka ba, kasama ka sa listahan ng gagraduate na Cum Laude diba? Kahit anong kompanya ang applayan mo ay siguradong matatanggap ka" sagot niya kaya napangiti ako.

Limang buwan na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Dylan. Oo nagkikita parin kami pero hindi namin pinapansin ang isa't isa, sa tingin ko makakatulong 'yon para saming dalawa lalo na sakanya. Mahirap na kahit nagkikita kami ay hindi kami nagpapansinan pero kailangan. Hindi naman pwede na may lumipat ng eskwelahan saming dalawa dahil lang sa naghiwalay kami.

Masasabi ko na malaki ang nagbago sakin simula ng maghiwalay kami. Mas natuonan ko ng pansin ang pag aaral ko at parang mas gumaan ang kalooban ko dahil wala akong iniitindi na kahit ano kundi ang sarili ko at ang pag aaral ko.

Pero hindi ko parin maiwasan na isipin ang kalagayan niya. Kung naka inom na ba siya ng gamot o kung may naalala na siya tungkol sa nakaraan niya.

Kasalukuyan kaming nasa auditorium ngayon ang dito namin pinagdiriwang ang Recognition Day namin. Natapos ko ang taon na 'to na may medalya muling matatanggap. Para sakin hindi importante ang medalya, ang mahalaga makapagtapos ako at makakuha ng magandang trabaho.

"Congrats Hazelle, nakahakot ka nanaman ng medalya ngayong taon, pahingi naman ng isa?" Biro sakin ni Melanie kaya tumawa ako.

"Ano ka ba nakakuha ka rin naman diba, halos magkasing dami lang ang medalyang natanggap natin" sagot ko kaya parehas kaming nagtawanan.

"Excuse me Melanie tsaka Hazelle, may gustong bumati sa inyo sa may labas ng auditorium... puntahan niyo nalang sila don" biglang sabi ng isa naming ka batch na lalaki.

"Sino naman? Kilala ba namin?" Tanong ni Melanie.

"Oo kilalang kilala niyo, punta na kayo don baka mapatay ako ng mga 'yun pag hindi kayo pumunta" aniya kaya nagmadali kaming lumabas ng auditorium.

Pagkalabas namin ay laking gulat namin ng makita sina Kyle, Levi, Jonathan, at Dylan.

"Congrats Melanie at Hazelle" bati samin ni Jonathan ganon din si Levi.

"S..salamat" tipid naming sagot ni Mel.

Nadako ang tingin namin kela Kyle at Dylan na ngayon ay nakatingin lang din samin.

"Congrats Melanie" tipid na sabi ni Kyle at sumilay ang simpleng ngiti sa labi niya.

"S..Salamat Kyle. Congrats din sa inyong lahat" sagot ni Melanie.

Nagkatinginan naman kami ni Dylan at bumuntong hininga siya.

"Congrats Hazelle" tipid niyang sagot kaya malamya akong ngumiti.

"Congrats din Dylan. Salamat sa pagbati" sagot ko.

"Sige, mauna na kami gusto lang talaga namin kayong batiin" ani Jonathan at naglakad na sila palayo.

Pero nagulat nalang ako ng kusang bumuka ang bibig ko at tinawag ko si Dylan.

"D..Dylan sandali" pigil ko kaya napahinto siya sa paglalakad.

Iniwan muna kaming dalawa nina Melanie at nila Kyle at kaming dalawa nalang ang natira sa labas ng auditorium.

Humarap siya sakin at ako naman ay naglakad palapit sakanya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon