Endless~[46]

3.4K 118 18
                                    


◇POSSIBLE TRUTH◇

Hazelle's POV,

Nandito parin ako ngayon sa hospital. Walang nagbago sa mga nagdaang linggo. Palaging paggising ko sa umaga ay deretso na ko sa school at pag tapos ng klase ay dito ako sa hospital dumederetso para bantayan sya.

Pero kahit kailan, hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagod. Siguro nga tama ang sinasabi ng karamihan. Kapag nagmahal ka, hindi ka mapapagod na mahalin sya.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin si Lincoln, isang simpleng ngiti ang binungad nya sakin kaya agad ko din naman syang sinuklian ng simpleng ngiti.

"Bakit mo naman naisipan na pumunta dito?" Agad kong tanong.

"Gusto ko lang ipaalam sayo na may gaganapin kaming concert ng RV5 sa susunod na linggo. Gusto ko pumunta ka, isama mo narin sila Elyzza kung gusto nila sumama" aniya na ikinagulat ko.

"Talaga? Bakit parang biglaan naman ata? Diba ang alam ng mga fans nyo ay magpapahinga muna kayo?" Tanong ko.

"Oo nga, gusto namin gawin ang pinaka huling concert namin dito. Tsaka para sakin, espesyal ang concert na 'to, I want the whole world to know, kung sino talaga ang laman ng puso ko. I want the whole world to know, how much I love her" aniya.

"H..hindi ba magagalit ang mga fans mo? Baka bigla nilang hukayin ang puntod ni Ate sa sementeryo kahit wala naman talaga ang katawan ni Ate don" sagot ko.

Oo, may puntod kaming pinagawa para kay Ate. Kahit hindi namin nakita pa ang katawan nya, gusto namin ialay ang lugar na 'yon kung saan namin sya makaka usap at madadalaw ng matiwasay.

"I won't let them don't worry. Tsaka may tiwala ako sa mga fans namin, hindi sila ganoong klaseng tao" sagot nya.

"Dapat dati ko pa 'to ginawa. Simula ng maging kami, walang sino man ang naka alam na may relasyon kami, bukod kay Dylan. Sya lang ka isa isang tao na nakahuli samin. Pero nakipag break na sya sakin non bago nya malaman ang lahat. Hindi ko rin naman talaga sya masisisi. Mahal ko sya, but I'm hiding her inside a cage. And I f*cking blaming myself for hurting her. But I have no choice, kahit gaano ko kagusto ipagsigawan sa lahat na mahal ko sya, danger will get near her the moment everyone will know about us. Ilang taon namin tinago sa publiko ang relasyon namin, akala ko masaya sya, but I'm so f*cking wrong about that. Until one day, I saw both of them kissing, and I was so pissed off. Tapos bigla nyang sasabihin na makikipag break sya sakin? Pinagpalit nya ko sa lalaking yan" aniya at tinignan si Dylan.

"Ilang araw akong naglasing, pinilit na libangin ang sarili ko. Halos muntikan narin akong maging kriminal para lang makalimutan sya. But I still can't get over her. Dahil simula ng makita ko sya, pinangako ko na sa sarili ko na hinding hindi ko na hahayaan na maalis sya sa paningin ko. Then bigla ko nalang nabalitaan, umalis na sya ng bansa, at nalaman narin ng lahat ang relasyon namin na hindi ko alam kung sino ang nagbunyag. Pero isang tao lang ang alam kong may alam ng sikreto namin. Pero iba ang pagkaka intindi ng lahat, akala nila I just played with her. Dahil ayoko ng mas patagalin ang issue, I remained silent until the issue faded"

"Throughout the years that I'm distant to her, I felt loneliness. I came back to the old me, the ice cold Lincoln Hondeval, a devil that everyone will get afraid of. All whats left to my mind is that she left me, she cheated on me. All I felt is anger, and pain"

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now