Endless~[19]

3.3K 123 2
                                    


◇DROWNED BY TEARS◇

Evan's POV,

Ilang araw ng hindi sinasagot ni Lia ang mga tawag at text ko. Agad naman ako nag alala at nagtaka kung bakit bigla syang naging malamig sakin.

Kaya minabuti kong daanan sya sa bahay nila.

Kumatok ako sa pinto ng bahay nila at bumungad sakin ang Tatay ni Lia.

"Magand-" nagulat ako ng dumapo sa pisngi ko ang kamao ng Tatay ni Lia, dahilan para mapa upo ako sa sahig.

"Lestor! Kumalma ka naman" agad na awat sakanya ng Nanay ni Lia.

"Ang kapal ng mukha mo para magpakita samin g*go ka! Akala ko ba mahal mo ang anak ko!? Pero anong ginawa mo? Bumuntis ka ng ibang babae? Dahil ba hindi nya mabigay ang kaligayahan ng pagkalalaki mo?" Galit na saad sakin ni Tito Lestor na lubos kong ikinagulat. Wala akong alam sa sinasabi nya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muli silang hinarap.

"Wala po akong alam sa sinasabi nyo. Pero isa lang po ang sinisigurado ko, hinding hindi ko po magagawa yan kay Lia. Mahal na mahal ko po ang anak nyo. Kasama na po don ang respeto ko sakanya" matapang kong sagot.

"Wag ka ng gumawa ng kwento samin dahil ang anak lang namin ang paniniwalaan namin. Kahit hindi sya magpaliwanag, ramdam namin kung gaano kasakit ang ginawa mo sakanya. Tatay ako Evan, at magiging tatay ka narin. Maiintindihan mo din pagdating ng araw ang nararamdaman ko ngayon" aniya.

"Paki usap ho. Hayaan nyo po ako maka usap ang anak nyo, kahit sandali lang?" Pag mama kaawa ko.

"Umalis na sya Evan. Lumipad na sya papuntang ibang bansa. Duon na nya ipagpapatuloy ang pag aaral nya" sagot ni Tita Leslie kaya tila gumuho ang buong mundo ko.

"Hayaan mo na ang anak namin Evan. Sobra ng nasaktan ang anak namin. Mula ng pinaasa mo syang sya ang nagpapaligaya ng buhay mo at ng puso mo, pero ibang babae parin pala ang hinahanap ng puso't isipan mo. Sinubukan ng anak namin na makapasok sya sa buhay mo. Akala nya makakapasok narin sya sa puso mo, pero hindi pala" ani Tita Leslie.

"Hindi ko ho sya pinaasa, dahil simula ng makilala ko ang anak nyo, dumaretso sya agad sa puso ko. Minsan ko na ho napakawalan ang babaeng mahal ko, hindi ho ako papayag na maulit pa ulit yon" paninigurado ko sakanila.

"Sana nga mapanindigan mo ang mga salitang yan Evan. Pero imposible na ang lahat ng sinasabi mo. Paano mo mamahalin ang anak namin kung may responsibilidad ka sa iba? Hindi lang may kahati sayo ang anak namin, pati pagmamahal mo at kaligayahan nya ang mawawala sakanya" ani ni Tito Lestor.

Malamya akong ngumiti sakanila.

"Si Lia lang ang ka isa isang babaeng mamahalin ko, ang magdadala ng apilido ko. Sakanya ko lang isusuko ang kaligayahan ng pagkalalaki ko, dahil alam kong pinagsamang pagmamahalan namin ang magiging bunga nito" sagot ko at tila natigilan naman sila sa sinabi ko.

Nagulat naman ako ng malamyang ngumiti sakin ang Nanay ni Lia at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi nagkamali ng minahal ang anak ko. Malaki ang tiwala ko sayo iho sa simula palang. Alam kong hinding hindi mo sasaktan ang anak namin. Kung ano mang 'tong pagsubok na pinagdadaanan nyo ngayon, sana huwag kang sumuko. Ipaglaban mo ang pagmamahalan nyong dalawa" aniya kaya ngumiti din ako.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon