Endless~[32]

3.3K 99 0
                                    


◇UNVISIBLE TRUTH◇

Hazelle's POV,

"Posible ba? Posible nga bang, magkadugo kayong dalawa?" Seryosong tanong ni Lincoln kaya lubos na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Magkahawig na magkahawig kayong dalawa. Marami rin kayong pag kakapareho base sa mga kilos nyo. Hindi lang ako ang unang nakapansin sayo na kamukha ka ni Delaney, karamihan sa mga datihan pang estudyante sa eskwelahan na 'to, napagkamalan ka rin nilang kapatid ka nya" sagot nya na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Ganon ba talaga kalaki ang pagkakahawig namin ni Ate? Akala ko si Lincoln lang ang nakapansin ng pagkakapareho namin pero pati rin pala ang ibang mga estudyante, napansin din nila.

Sa lalong madaling panahon, kailangan na talaga malaman ni Lincoln ang lahat.

"Kung sakali ngang kapatid ko sya? Anong gagawin mo?" Wala sa sarili kong tanong.

Matagal nya kong tinitigan.

"Hindi ko alam. Pero kung magkapatid man kayong dalawa, gusto ko marinig ang paliwanag nya. Kung bakit nya nagawang itago ang lahat ng 'to sakin. Kung bakit tinago nyong dalawa ang katotohanan sakin" sagot nya.

"Bakit, totoo ba ang hinala nilang lahat? Na magkapatid talaga kayong dalawa?" Seryoso nya muling tanong kaya agad ako naalerto.

"Malalaman mo rin ang katotohanan Lincoln. Pero bilang kaibigan mo, tutulungan kitang maintindihan ang lahat. Kung sakali mang dumating ang araw na yon, na malaman mo na ang totoo. Sana huwag mo syang talikuran, dahil ang lahat ng ginawa nya, ay para masigurong ligtas ka. Ginawa nya ang lahat ng 'yon, dahil mahal na mahal ka nya. Hindi ko sya kinakampihan o pinagtatakpan sa nagawa nyang kasalanan sayo, pero sinasabi ko ang lahat ng 'to dahil alam kong maiintindihan mo din sya" sagot ko.

Nagulat ako ng bigla nya muli akong sinandal sa pader at hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong pulso habang nakasandal ito sa pader.

"Utang na loob Hazelle! Kung may nalalaman ka sabihin mo nalang!" Sigaw nya kaya napapikit ako.

"Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang lahat Lincoln! Kung gusto mo talaga marinig ang katotohanan, sakanya ka lang makakahanap ng kasagutan. Kung mahal mo talaga sya, handa ka maghintay at matapang mo pakikinggan ang paliwanag nya" sagot ko.

Marahas nya pinakawalan ang pulsuhan ko at sinipa ang locker na nasa gilid namin. Pinadaan nya ang mga palad nya sa buhok nya na parang iritang irita.

"Ano pa bang katotohanan ang maririnig ko sakanya? Kung paano nya ko pinagpalit sa lalaking 'yon? Kung paano nya ko sinaktan at iniwan? Kung paano nya binuo ang buhay ko at sa isang iglap, buong buo nya rin 'yon winasak? Kung talagang mahal nya ko, hindi nya ko sasaktan ng ganito. Sabihin mo nga Hazelle, paano nya maipapaliwanag ang sakit na dinulot nya sakin? Paano!?" Tanong nya at muli nyang sinipa ang locker at napa upo nalang sya sa gilid at sumandal sa pader. Pinatong nya ang siko nya sa isang tuhod nya habang nakalagay sa ulo nya ang kamay nya. Tuluyan ko narin nakita ang pagdaloy ng luha sa pisngi nya.

Sa itsura nya ngayon, masasabi kong lubha talaga syang nasaktan sa pag iwan sakanya ni Ate. Pero naiintindihan ko rin naman si Ate kung bakit nya mas pinili na iwan si Lincoln. Ayaw nya lang mapahamak ang buhay ng minamahal nya.

Sinong may akala na magmamahal ng ganito ang isang Lincoln Hondeval? Ang isang lalaki na matigas ang kalooban at matapang sa mata ng lahat, ngayon ay umiiyak sa isang babae na iniwan sya para maisalba ang buhay nya.

Kusa akong lumapit sakanya at umupo sa harap nya. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ko ang luha sa mata nya. Kinuha ko rin ang kamay nya at pinahawak ang panyo sa kamay nya.

"Anuman ang mangyari, nandito lang kami ng mga kaibigan mo para damayan ka" ani ko at tumayo na ko at iniwan sya don.

Sakto namang paglabas ko ng hallway ay bumungad agad sakin ang seryosong mukha ni Dylan. Agad nanaman akong kinabahan.

"D..dylan magpap-" naputol agad ang sasabihin ko ng hinila nya ang bewang ko palapit sakanya at siniil agad ang labi ko ng halik.

"Your kindness really amazes me. Even a devil turns into angel by your words" bulong nya at sumilay ang matamis na ngiti sa labi nya.

Hindi ko narin napigilan na mapangiti at yinakap sya ng sobrang higpit, kasabay non ang pagkalma ng dibdib ko.

"Akala ko magagalit ka nanaman sakin, hindi ko na kakayanin kapag nag away pa tayo ulit" sagot ko kaya humiwalay sya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko.

"Alam ko namang tinutulungan mo lang sila magkaayos. Tsaka alam ko namang hindi mo ko ipagpapalit sa boyfriend ng kapatid mo" sagot nya na ikinatawa ko kaya medyo hinampas ko sya sa balikat.

"Sira ka talaga. Kahit hindi ko kapatid si Ate Delaney, tutulungan ko parin silang dalawa. Karapat dapat naman talaga magtagpo muli ang dalawang nagmamahalan diba? Tayo nga, hindi ko akalain na ang isang lalaking nakasabay ko lang sa pila sa isang minimart sa gasolinahan ay ang mamahalin ko ng kasing taas ng presyo ngayon ng gasolina" sagot ko kaya sabay kaming natawa.

"Kung mag papa gasolina lang din naman ako ng pagmamahal mo, i fufull tank ko na para habang buhay mo na patatakbuhin ang buong buhay ko" aniya at kinindatan pa ko.

Agad ko din naman hindi napigilan ang pag ngiti ko at ang pag iinit ng pisngi ko. Ngayon ko lang ulit sya narinig magsalita ng mga nakakahimatay nyang pick up lines.

"Sya nga pala, may gaganapin kaming concert sa araneta sa susunod na buwan, gusto ko pumunta ka. Nireserved namin kayo ng upuan sa pinaka harap. Espesyal ang concert na 'yon para sakin" aniya kaya biglang kumunot ang noo ko.

"Bakit naman naging espesyal? Nag concert na kayo sa araneta noong isang taon diba?" Tanong ko kaya biglang tumaas ang kilay nya.

"Sa lahat ng araw na makakalimutan mo Hon, birthday ko pa talaga?" Sagot nya kaya agad nanlaki ang mata ko.

Siomai! Birthday nya nga pala sa susunod na buwan.

"H..ha? Sino may sabing nakalimutan ko? Alam kong birthday mo 'yon binibiro lang kita. Syempre naman pupunta kami. Mawawala ba naman ako sa concert ng boyfriend ko na pinagnanasahan ng lahat? Maganda na yung nandon ako ng matakpan ko mga mata nila kung sakali-"

"Kung sakaling ipakita ko yung Dynamite abs ko? Huwag ka mag alala Hon, hanggang tingin lang naman sila, ikaw lang makakatikim" aniya kaya agad nanaman nanlaki ang mata ko.

Agad ko syang nahampas ng malakas sa dibdib. Ang manyak talaga ng utak!

"By the way, first collaboration concert din namin ng RV5 'yon, kaya sabihin mo rin sa Ate mo na pumunta sya" sabi nya na ikinagulat ko.

May collaboration concert sila?

"Sino naman ang nag isip ng collaboration concert nyong yan?" Tanong ko.

"Mga manager namin. Matagal na nilang gustong mag ka collaboration concert ang BX5 at ang RV5. Pero dahil nga sa hindi kami magkasundo noon, ay hindi namin maiusad. Halos nagyakapan pa nga habang tumatalon yung dalawa ng pumayag kami" kwento nya kaya medyo natawa ako.

"Mukhang unti unti na talagang naayos ang lahat. Sana magtuloy tuloy na" sagot ko kaya tumango din sya.

"Sana nga. Mahuli narin sana si Tito Philip, ng matahimik na tayong lahat" sagot nya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now