Endless~[10]

3.6K 121 0
                                    


DARK PAST

Elyzza's POV,

Napasigaw ako ng marinig ang malakas na pagputok ng baril. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

"You can open your eyes now, munie" Rinig kong sabi nya kaya minulat ko na ang mata ko at agad bumungad sakin ang mukha ni Levi.

Tinignan ko ang katawan ko at nakitang wala na sa dibdib ko ang bomba na nakadikit sakin kanina.

Tumigil narin ang orasan ng bomba na nasa ulo ko.

"P..paano mo-" pinutol na nya ang sasabihin ko ng sunggaban nya ng halik ang labi ko.

"Just be glad na mamana ng anak natin ang katalinuhan ko" Aniya at kinindatan pa ko.

Anong akala nya sakin? Walang utak? Hindi nya ba alam na naka perfect ako ng isang calculus problem?

Agad nyang tinanggal ang mga tali sa kamay at paa ko.

Pero hindi ko matatanggi, napabilib nya ko sa ginawa nya kanina. Akala ko pa naman talagang mamamatay na ko dahil dalawang bomba ang nasa katawan ko. Pag sumabog ang isa don ay katapusan ko na.

Ngayon ko lang din sya nakitang gumamit ng baril. Hindi ko alam na marunong silang lahat na gumamit non.

Ng naglalakad na kami palabas ng kwarto ay hindi ako makalakad ng maayos dahil bumubukas ang hospital gown na suot ko.

Napansin ata ni Levi ang kilos ko kaya napatingin sya sakin.

"Fuck! He fucking left a mark on your neck!" Sigaw nya kaya nanlaki naman ang mata ko.

Yun pa talaga una nyang napansin?

"Forget about this f*cking mark Marzino! Kita mong nahuhubaran na ko yan pa talaga mas inuna mong pansinin? Gusto mo bang hubo't hubad akong lumabas?" Bulalas ko sakanya.

Medyo huminahon naman ang mukha nya at nagulat pa ko ng ngumisi sya.

"I'm sorry munie, sanay naman kasi akong nakikita kitang ganyan" pang aasar nya.

Tinanggal naman nya ang jacket na suot nya at agad yun pinasuot sakin.
Naka sleeve less na sando nalang sya ngayon.

"Mamaya mo na ko pagnasaan munie" Aniya bago ako hinila palakad. Agad naman namilog ang bibig at mata ko sa sinabi nya at pasimple nalang umirap.

Kung dito pa kami mag babangayan ay baka hindi na kami makalabas ng buhay dito.

"Its nice meeting you again, Levi Marzino" Dinig naming sabi ng isang lalaki kaya napatigil kami sa paglalakad.

Nanatili ako sa likod ni Levi habang mahigpit nyang hinahawakan ang kamay ko.

"Lumabas kang hayop ka. Gusto ko makita ang pagmumukha mo" Sabi ni Levi.

"Do you like the mark that I gave you, baby?" Salita ulit ng lalaki dahilan para mangilabot ang buong katawan ko.

Mas lalong humigpit ang hawak sakin ni Levi. Alam kong nagpipigil sya ng galit ngayon.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now