Endless~[56]

3.6K 129 30
                                    


◇STILL YOU◇

Pauline's POV,

Ilang taon na ang nakalipas. It's been almost three years simula ng nanirahan ako dito sa New York and studied in one of their biggest universities as an exchange student because of my good performance in my senior year.

Hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin ang binigay nilang oportunidad sakin. Naisip ko na ito na ang daan para maiahon ko na ng tuluyan sa kahirapan ang buhay namin ni Mama, ito narin siguro ang simula ng tuluyan kong makalimutan ang nakaraan naming dalawa ng lalaking minahal ko, at pilit ko ng kinakalimutan na minahal ko siya at naging parte siya ng buhay ko.

Pero hindi ko parin maiwasang umasa, may kasunduan kaming dalawa na kapag nagkita kami bago mag limang taon... hindi siya magdadalawang isip na balikan ako, na ituloy ang relasyon naming dalawa kahit madaming pader ang humaharang samin.

Halos tatlong taon na ang lumilipas, at masasabi kong hindi kaya ng puso at isip ko na kalimutan siya ng tuluyan.

Siya kaya... Nakalimutan niya na ba ko? Nagkamabutihan na ba sila ni Kylei at tuluyan na siyang nahulog sakanya?

"Pauline... nakikinig ka pa ba?" Biglang sabi sakin ni Lia sa kabilang linya kaya bigla naman ako nabalik sa ulirat.

"H..ha? Oo nakikinig ako. Lia sigurado ka ba talaga sa desisyon mo? Kaya mo malayo kay Evan ng ganoong katagal? Paano kung pagbalik mo... makahanap siya ng iba? Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko sakanya at bigla naman siya nanahimik.

"Natatakot ako Pau, pero naisip ko na kailangan din namin na malayo sa isa't isa, kailangan ko pa mas kilalanin ang sarili ko, para pag bumalik ako sakanya... mas magiging karapat dapat ako para sakanya... bilang asawa niya" sagot niya kaya napabuntong hininga ako.

"Kung yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Sana walang pagsisi ang mamumuo sa inyong dalawa sa paghihiwalay niyo" sagot ko.

"Salamat Pauline, huwag ka mag aalala... malaki ang tiwala ko kay Evan, alam kong hihintayin niya ko hanggang sa dumating ang tamang panahon para saming dalawa" aniya kaya napangiti ako.

"Pagdating mo sa airport ipapahatid nalang kita sa driver ko papunta dito sa condo ko. Wala kasi ako pagdating mo dito kasi may nag imbita sakin bilang partner model ng isang product company" pag iiba ko ng usapan.

"Ganun ba, sige salamat. Malaki na talaga ang naabot mo Pau, sikat na sikat ka na dyan sa New York at marami ring humahanga sayo dito sa Pilipinas... syempre bayang pilipina ka naman talaga. Sinong hindi hahanga na ganyang kataas ang maabot mo" puri niya sakin habang ako naman ay tinitignan ang mga iba't ibang litrato ko sa magazines na naka paskil sa isang malaking pader at puro mga naka picture frame.

"Hindi ko rin akalain na hanggang dito ang maabot ko Lia. Masaya ako na unti unti ko ng naiaahon sa komportableng buhay ang Mama ko. Pero sa oras na makapag tapos na ko ng pag aaral ay ititigil ko narin ang pagmomodelo at mas itutuloy ko ang music career ko, magpapatayo din ako ng matagal ng gustong ipatayo ni Mama na restaurant at tatapusin ko na ang ipinapatayo kong bahay para sa ming dalawa" sagot ko."

"Sa totoo lang Pau, bilib ako sayo, sa lahat ng mga naabot mo, at base sa pagkekwento mo sakin ng mga plano mo sa buhay, You've mature enough, lovelife nalang talaga ang kulang sayo" aniya na medyo ikinatawa ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum