Endless~[33]

3.4K 86 2
                                    


◇PAKBET◇

Delaney's POV,

Nandito ako ngayon sa bahay ng isa sa matalik na kaibigan ni Mom. Sakanya ko muna pansamantala iniwan si Lilith, ang alaga kong pusa na regalo sakin ni Lincoln.

"D..delaney? Bumalik ka?" Agad na bungad sakin ni Tita Henra kaya binigyan ko sya ng simpleng ngiti.

"Kamusta po kayo Tita? Na miss nyo po ba ko?" Tanong ko kaya tumawa sya at yinakap ako ng mahigpit.

"Ikaw talagang bata ka, ginulat mo ko. Sana nagsabi ka na pupunta ka para napagluto kita ng paborito mo" aniya.

Pinapasok muna ko ni Tita at pagpasok ay agad akong tinalunan ni Lilith kaya agad ko syang yinakap.

"Namiss rin kita Lilith. Kamusta ka naman dito? Good girl ka ba kay Tita?" Ani ko habang habang hinahaplos ang malambot at napaka puti nyang balahibo.

"Huwag ka mag alala. Madali lang naman alagaan si Lilith. Bat ka nga pala napadalaw? Akala ko ba matatagalan ang pagbalik mo dito?" Tanong ni Tita. Binaba ko muna sa sofa si Lilith at umupo muna kaming dalawa ni Tita.

"Tita, nabigyan ko na po ng hustisya si Mom. Napagbayad ko na po ang taong pumatay sakanya" sabi ko kaya nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tita.

"Masaya ako na nabigyan mo na sya ng hustisya. Alam kong matatahimik na sya ngayon. Pero kung talagang gusto mo mapayapa ang kaluluwa ng Mama mo, gusto ka nyang makitang masaya muli, kasama ang taong mahal mo" ani Tita kaya agad akong napa iwas ng tingin.

Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako ng deretso.

"Delaney, simula ng pumanaw ang Mama mo ay ako na ang tumayong nanay mo. At bilang pangalawang nanay mo, nakikita at nararamdaman ko ang kalungkutan sa puso mo. Alam kong walang ibang makakapag paligaya sayo kung hindi ang lalaking mahal mo. Ano ba ang pumipigil sayo na makasama sya muli?" Mahinahon na sabi ni Tita kaya napa buntong hininga ako.

"Tita, akala ko rin po sa oras na mabigyan ko na ng hustisya si Mama, madali na ko makakalapit sakanya. Pero sa tuwing sinusubukan ko, nararamdaman ko yung sakit na nagawa ko sakanya mula ng iwan ko sya. Natatakot po ako na baka hindi na nya ko mapatawad at matanggap sa kabila ng lahat ng nagawa ko sakanya. P..pero Tita alam nyo naman po na hindi ko sya iiwan ng walang dahilan diba? Mahal na mahal ko po sya Tita, higit pa sa buhay ko" ani ko kaya pinunasan ni Tita ang luha ko.

"Anak, hindi ka dapat matakot na harapin ang lalaking mahal mo. Sabihin nanatin na nasaktan mo sya noon, pero masakit din para sayo na iwan mo sya. Pareho kayong nasaktan ng magkalayo ang puso nyong dalawa. Parte yan ng pagmamahal, kahit gaano nyo pa kamahal ang isa't isa, hindi nyo malalampasan ang posibleng sakit na darating at mararamdaman nyo. Kung talagang mahal nyo ang isa't isa, kayong dalawa din ang makaka paghilom ng sakit ng naramdaman ng mga puso nyo. Ang lunas na yon ay ang pagtatagpo muli ng mga puso nyo. Muli nyong pagtagpuin ang puso nyo ng mahilom nyo na ang nasugatan ninyong puso. Mahalin nyo ang isa't isa higit pa sa pagmamahal nyo noon. Mas pagtibayin ninyo ang pagmamahalan nyo at habang buhay ninyo mahalin ang isa't isa" ani Tita. Malamya akong ngumiti at muling yinakap si Tita.

"Salamat po Tita. Hayaan nyo po pagbalik ko sa pilipinas, kakausapin ko na po sya. Haharapin ko na ang lalaking mahal ko" sagot ko.

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Tita hayaan nyo po na kayo naman ang ipagluto ko. Natutunan ko na po lutuin ang pakbet na paborito nya. Kaso, hindi ko pa po nasusubukan lutuin, pwede po ba kayo ang unang tumikim para malaman ko po kung tama ang timpla ko?" Sabi ko kaya ngumiti naman si Tita at tumango.

"Oo naman anak. Pero sigurado ako masarap ang luto mo. Mana ka ata samin ng Mama mo. Alam mo marunong talaga magluto ang Mama mo, pero simula ng naging abala sya sa kompanya at negosyo nyo, hindi na nya magawang magluto man lang para sayo" ani Tita kaya bigla naman akong nakaramdam ng lungkot.

"Sige po, uumpisahan ko na ang pagluluto para matikman nyo na" sabi ko at tumayo na. Dumaretso ako sa kusina ni Tita at nagsimula ng kunin ang mga sangkap sa pantry at ref.

Hindi naman ako nagtagal sa kusina at agad ko ng naluto ang pakbet na pinag aralan kong lutuin, para kay Lincoln.

Kumuha na ko ng kutsara at tinikman ko na ang pakbet na niluto ko. Napangiti ako ng makuha ko agad ang tamang lasa na hinahanap ko. Hindi ko rin naiwasan maalala ang ala ala namin noon ni Lincoln habang nakain kami ng pakbet sa paborito naming karinderya na malapit lang sa eskwelahan namin noon.

[FLASHBACK]

"Boo hindi mo naman ako kailangan ilibre kung hindi mo kaya. Hindi naman kita pinipilit tsaka natural lang na ako ang laging guma-"  pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Boo natalo ako sa pustahan natin kaya sa ayaw at sa gusto mo ililibre kita ngayon. Huwag ka mag alala kahit hindi sosyalin o mamahalin itong karinderya na 'to, sinasabi ko palang sayo ngayon mas masarap ang mga pagkain dito kesa sa mamahaling restaurant dyan" sagot ko at na upo na kami sa isang bakanteng upuan.

"Manang isang order nga po ng special pakbet nyo tapos dalawa pong kanin" sabi ko sa babae na pumunta sa harap ng lamesa namin.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating agad ang order namin. Tinignan ko naman ang reaksyon ni Lincoln habang tinitignan ang pakbet at nakita kong parang nadidiri sya sa itsura non.

"Hoy, masamang tignan ng ganyan ang pagkain. Magtatampo sayo ang grasya. Tsaka bago mo tignan ng ganyan yan tikman mo muna kaya? Apaka judgemental mo talaga" sabi ko kaya natuon naman ang tingin nya sakin.

"Alam mo namang hindi ako sanay kumain ng mga ganyan. Tsaka sigurado ka ba na walang kung an-" sinubo ko na sakanya ang isang kutsarang kanin na may kasamang pakbet.

"Ano? Masarap noh?" Tanong ko sakanya. Nakita ko naman na unti unti na nyang nginuya ang sinubo ko sakanya kaya napangiti ako.

Pero bigla akong naguluhan ng ngumiti sya ng nakakaloko at tinignan ako ng kakaiba.

"Kaya ka naman pala nasasarapan, may sitaw na, may talong pa. Ikaw boo ah, mahahaba pala bet mo" aniya at kinindatan pa ko.

Nanlaki naman agad ang mata ko at agad sya sinabunutan sa buhok nya.

"Ang manyak mo talaga! Pati ba naman pagkain binibigyan mo ng malisya. Ayaw mo lang talagang aminin na nasarapan ka" sagot ko.

"Oo na masarap. Masarap yung sabaw Boo. Masarap kasi talaga ang katas ng talong at sit-"

"Lincoln Hondeval!" Saway ko sakanya kaya lalo syang tumawa ng malakas.

[END OF FLASHBACK]

"Delaney kailangan mo ba ng tulong?" Biglang sabi sakin ni Tita kaya agad natauhan ang diwa ko. Umiling naman ako agad.

"Hindi na po Tita tapos narin naman po ako. Eto po tikman nyo na" sabi ko at kumuha ng isa pang kutsara at sumandok ng sabaw ng pakbet at pinatikim ito kay Tita.

"Masarap. Nakuha mo agad ang tamang timpla. Pero isa nalang ang kulang" ani ni Tita kaya agad kumunot ang noo ko.

"Kulang sa pagmamahal. Ang pagluluto, hindi mo lang dapat kinukuha ang tamang sangkap at timpla ng putahe na lulutuin mo, ang kokompleto ng niluluto mo ay ang pagluluto mo nito ng may pagmamahal. Isama mo ang pagmamahal mo sa taong lulutuan mo ng mga pagkain na ihahanda mo. Mararamdaman nila ang pagmamahal mo dahil ang lahat ng sangkap na pinagsama sama mo, yun ang mg bagay na minahal mo sakanila" ani Tita kaya napa buntong hininga ako.

"Baka po pag sya mismo ang tumikim nito, maramdaman nya ang pagmamahal ko" sagot ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now