Endless~[49]

3.2K 127 10
                                    


◇GONE TOO SOON◇

Hazelle's POV,

Ngayon ang concert ng RV5. Nakapila na kami ngayon sa labas ng Resorts World Manila dahil dito gaganapin ang concert nila. Balak nga nila sanang isabay nalang kami sakanila sa pagpasok para hindi na kami pumila pero agad kaming tumutol at sinabing naming ayos lang samin na pumila.

Parang hindi naman patas yun sa libo libong fans nilang halos buong araw pumila makita lang sila ngayong gabi.

Masasabi ko na sikat din ang grupo nila katulad ng grupo nila Dylan. Hindi ko nga matantsa kung sino sakanila ang mas lamang sa fans dahil sa totoo lang parang magkapantay lang lebel ng fans nilang dalawa.

"Mukhang pinaka madami ang fans ni Lincoln ah? Tignan mo ang daming fans ang may dala ng banner nya" puna ni Melanie kaya napatingin naman ako sa ibang fans na nakapila.

Tama nga sya at madami akong nakita na may hawak ng banner ni Lincoln. Halos lahat yata ng nakapila ay hinahangaan si Lincoln. Ano kayang reaksyon ni Ate kung nakikita nya 'to ngayon?

Pero syempre may tig-iisa din na fans ang iba pang myembro ng RV5 na sina Cole, Handrix, Khenz, at Riley.

"Napakinggan mo na ba ang isa sa kanta nila?" Biglang tanong ni Melanie at umiling naman ako.

Sa totoo lang ngayon ko pa lang mapakikinggan ang kanta nila at sigurado naman ako na magaganda ang mga 'yon.

Natigil kami sa pagkekwentuhan ni Melanie ng magsimula ng umusad ang pila kaya naglakad na kami hanggang sa makarating na kami sa pinaka entrance ng Resorts World.

Pumunta na kami sa may VIP dahil nagpumilit si Lincoln na doon daw kami pumwesto dahil gusto nya daw kami makita. Tsk, gusto nya lang substitute ni Ate Delaney itong mukha ko yun ang sabihin nya.

Akala ko kokonti lang ang tao sa VIP dahil sa may kamahalan ang bayad dito pero nagulat kami ng marami rami din ang kasama namin duon.

Ilang minuto ang lumipas ay bigla ng dumilim ang buong paligid kaya agad ng naghiyawan ang mga tao sa buong paligid.

Nagsimula ng umalingaw-ngaw ang tugtog ng banda at nagbukas narin ang lahat ng ilaw sa entablado. Pati ang malaking tv ay nagbukas narin at pinakita nito ang buong banda ng RV5 na nagsisimula ng tumugtog ngayon.

Si Cole ang nasa keyboard, habang si Handrix naman sa drums. Habang sila Khenz at Riley naman sa eletric guitar. At sa gitna nilang lahat ay si Lincoln na hawak ang mikropono, sya ang kanilang vokalista.

Sa gitna ng libo libong tao, sa hindi ko inaasahang dahilan ay nagtama agad ang mata naming dalawa. Agad sumilay ang ngiti sa labi nya kaya sinuklian ko naman yon ng simpleng ngiti.

"Iba talaga ang tama ng mukha ni Delaney sakanya" sabi bigla ni Melanie.

"Hindi lang mukha ni Ate Delaney ang minahal nya, buong pagkatao ni Ate... mahal na mahal nya" sagot ko.

Nagsimula na halos magwala ang lahat ng tao sa buong Resorts World ng marinig nanamin ang malamig na boses ni Lincoln.

Masasabi ko na maganda talaga ang boses nya. Yung tipong boses na kapag hinarana ka, mapapasagot ka talaga ng Oo. Pareho silang may magandang boses ni Dylan, pero magkaiba ang timbre ng boses nilang dalawa.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon