Endless~[42]

3.3K 124 1
                                    


◇THE WHOLE TRUTH◇

Hazelle's POV

Kasama ko ngayon si Kuya Ethan at Kuya Evan. Papunta kami ngayon sa presinto para harapin at maayos na kausapin si Tito Philip. Gusto marinig ng mga kapatid ko mula sa bibig nya ang lahat ng katotohanan.

Pagbaba namin ng sasakyan ay pareho ko hinawakan ang kamay ng dalawa kong kapatid. Tinignan nila ako pareho at sumilay sa bibig ko ang simpleng ngiti. Ang ngiti na nagpapakita na kahit anong mangyari, mananatili ko parin silang mga nakakatanda kong kapatid. Ang mga kuya ko na ginabayan ako mula ng pagkabata ko, hanggang ngayon.

Naglakad na kami papasok ng pulisya at agad kami hinarap ng heneral ng buong pulisya na isa sa matalik na kaibigan ni Tito Peter. Sya din ang tumulong sa pagligtas sakin sa kamay ni Tito Philip.

"Naghihintay na sya sa inyo sa loob. Wag kayong mag alala, sisiguraduhin namin na hinding hindi na nya kayo magugulo pa" paninigurado samin ng heneral kaya ngumiti kaming tatlo sakanya at agad nagpasalamat.

"Maraming salamat po General" sagot ko. Sumilay din ang simpleng ngiti sa labi nya at ginabayan na kami sa pagpasok sa isang kwarto kung saan namin haharapin si Tito Philip.

Pagpasok namin ay namuo agad muli ang kaba sa dibdib ko ng makita ko ang nakakatakot nyang mukha at naramdaman ko mula sa balat ko ang madilim nyang aura na nakapag patayo ng mga balahibo ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ng dalawa kong kuya kaya tinignan ko sila at binigyang senyas na kaya ko syang harapin.

Umupo na kami sa tapat nyang lamesa. Nakatungo ang ulo nya samin, para bang nahihiya syang harapin kami.

"Iangat mo ang ulo mo, kung ayaw mong ako pa mismo ang mag angat nyan. Pero baka imbis na maiangat ko yan, baka makapugot pa ko ng ulo ng hindi oras" banta sakanya ni Kuya Ethan.

Sinunod naman ni Philip ang utos sakanya ni Kuya Ethan at dahan dahang inangat ang ulo nya samin.

"Hindi na siguro namin kailangan magtanong dahil alam mo naman na ang lahat ng imbentong kwento na ginawa mo samin diba? Kaya hanggat napipigil ko pa ang galit ko sayo, magsalita ka ng maayos para kaagad na kami makaalis dito" sabi ni Kuya Evan.

Namuo nanaman ang kaba sa dibdib ko ng marinig namin sa buong kwarto ang nakakakilabot nyang halakhak.

Nagulat ako ng kaagad nyang higitin ang kwelyo ko dahilan para masakal ang leeg ko.

"Makakalabas ako dito, sinusumpa ko yan sa inyo! Sa oras na makalabas ako dito, sisiguraduhin ko na ikaw na ang mamamatay!" Agad nyang sigaw sakin.

Napabitaw naman sya agad sa pagkakasakal sa leeg ko ng malakas syang sinuntok ni Kuya Evan at agad naman ako inalalayan ni Kuya Ethan.

Agad silang pinigilan ng mga pulis at muling pina upo si Philip sa upuan.

"Ba't ayaw nyo pa lumayas sa harap ko? Gusto nyo ba talagang patayin ko ang kapatid nyo sa harap nyo pa mismo!?" Banta ni Philip pero hindi kami nagpa apekto sa banta nya at muli kaming umupo sa harap nya.

"Ikaw ang pumatay sa Tatay namin, tama ako diba?" Seryosong tanong sakanya ni Kuya Evan at nakita namin na agad namilog ang mga mata nya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now