Endless~[21]

3.5K 100 0
                                    


◇PLANTED BOMB◇

Hazelle's POV,

"Hazelle alam mo na ba yung Grand White Ball na gaganapin ngayong darating na sabado?" Biglang tanong sakin ni Melanie. Umiling naman ako.

"Grand White Ball? Ngayon ko lang narinig yan ah?" Sagot ko.

"Lahat daw dapat nakasuot ng puti at naka masskara na gold. Sabi may hinandang magandang surpresa kaya kailangan naka puti ang lahat ng dadalo. Si Dylan ang partner mo diba?" Aniya kaya bigla akong natigilan.

Sya nga ba? Hindi kami pwedeng makitang magkasama?

"Ako ang partner nya" biglang sabi ng isang pamilyar na boses kaya agad namin sinundan kung saan nanggaling ang tinig at agad nahagip ng mata ko si Lincoln.

Nakita ko naman napatingin si Melanie na parang tinatanong kung totoo ba ang narinig nya mula kay Lincoln.

Bumuntong hininga nalang ako at tumango. Sigurado akong napagdesisyonan na nilang dalawa ni Dylan ang tungkol dito, at wala akong magagawa kundi sundin nalang ang bawat daan ng plano nila.

"Sige Melanie, mauna na ko. May pag uusapan kami ng lalaking yon" sabi ko at tumayo na.

"Mag iingat ka Hazelle. Alam kong may nakaraan sila ng kap-" agad kong pinutol ang sasabihin nya at agad akong lumingon kay Lincoln at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nasa malayong dereksyon lang sya nakatingin.

"Sige na mauna na ko. Baka may masabi pa kong hindi dapat dito" sabi ni Melanie kaya malamya akong ngumiti at nagpaalam na sakanya.

Naglakad na ko papalapit kay Lincoln na ngayon ay nakasandal nanaman sa pinaka mamahal nyang motorsiklo.

"Sa yaman mong yan, bat naka motorsiklo ka lang? Diba ang mayayaman, sa magagarang kotse pinapakita ang kayamanan nila?" Sabi ko at nakita ko naman na tumaas ang kilay nya.

"Iniisip mo ba na mas ligtas ang buhay mo pag nakakotse tayo? Kung parehas lang din ang nagmamaneho, walang pinagkaiba don" sagot nya na ikinalaki ng mata ko. Akala ko pa naman medyo makakalma na ko kung magkokotse kami, magdadasal parin pala ako kada segundo para sa kaligtasan ng buhay ko tsaka buhay nya na rin pala, nakakahiya naman sakanya.

"Uuwi ka na ba?" Tanong nya at umiling naman ako.

"Ayoko pa umuwi. Kung gusto mo mauna ka na? Mga mamaya pa ko uuwi?" Tanong ko.

"Tsk, hindi ka manlang nahiya sakin na nagmukha ng service mo kakahatid sundo sayo na katunayan naman talaga hindi ko trabaho?" Anas nya kaya agad ko rin naman syang inirapan.

"Sino ba may sabi sayo na kailangan mo ko ihatid sundo? Ilang beses ko bang pinaalala sayo na kaya ko naman umuwi mag isa? Hindi na ko bata para ihatid sundo mo" sagot ko.

"Bat ba kasi ayaw mo pa umuwi? Maglalakwartsa ka ba?" Aniya kaya agad nanlaki mata ko at umiling.

"Mukha ba kong lakwartsera? Gusto ko makita ang boyfriend ko, ihatid mo ko sakanya ngayon din" utos ko sakanya kaya agad syang natawa.

Nakakatawa yon?

"Paano kung ayoko? Puntahan mo sya ngayon, alam mo ba kung nasaan sya?" Mapang asar nyang tanong.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now