Endless~[53]

3.3K 112 11
                                    


◇LUFFA◇

Hazelle's POV,

"Are you really that desperate?" Bigla niyang tanong habang hinahanda ko ang kakainin nya.

"Hindi ako desperada, I'm just helping you to remember. Kung ayaw mo maniwala edi bahala ka" sagot ko at sumandok na ng isang kutsarang kanin at ulam at tinapat ito sa bibig niya.

"Baka may gayuma yan?" Agad niyang tanong kaya napa irap nalang ako.

"Hindi gayuma ang nilagay ko dyan, lason para magbula yang bibig mo dahil sa paulit ulit mo pagsasabi na desperada ako" biro ko kaya agad siyang napanganga kaya agad ko naman ng sinubo ang kutsara sa bibig niya.

Natawa naman ako ng unti unti nalang niya nginuya ang pagkain.

"Sabi ng doktor makakalabas ka na dito bukas. Dahil hindi mo pa kaya mag isa ay sa mansion niyo muna ikaw tutuloy para maalagaan ka ng Ate mo" sabi ko.

"Where's Mom and Dad? Bakit hanggang ngayon hindi parin nila ako dinadalaw dito?" Bigla niyang tanong kaya agad ako napatigil.

Pati ang bagay na 'yun nakalimutan na niya.

"Sasamahan kita sakanila bukas, bago tayo dumaretso sa mansion niyo" sagot ko kaya kumunot naman ang noo niya.

Bago pa sya magtanong ulit ay sinubuan ko ulit siya ng pagkain.

"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat bukas, sa ngayon magpalakas ka pa ng konti para maayos ang kondisyon mo paglabas mo dito" sagot ko.

"Sino ka para pangaralan ako ng ganyan?" Tanong niya.

"Maybe I'm just a friend to you, but once you remember your past... You'll realize who I really am in your life" ani ko at malamya ulit ako ngumiti kaya agad naman siyang biglang umiwas.

"I want to take a shower" bigla niyang sabi kaya pinatong ko naman ang pagkain niya sa side table at tumayo sa upuan.

"Sige tatawag lang ako ng nurse para tulungan ka maligo" sabi ko at pipindutin na sana ang telecom pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayoko ngang paliguan ako ng kung sino sinong nurse dyan. Call my sister" utos niya sakin.

Ang arte talaga ng lalaking 'to.

"Nasa business trip ang Ate mo. Hindi siya makakapunta ngayon dito" sagot ko.

"Then I'll take a bath myself" aniya at dahan dahang bumangon mag isa kaya agad ko naman sya pinigilan.

"Hindi pwede, hindi mo kaya. Huwag ka na kasi maarte at magpatulong ka na sa nurse" pilit ko sakanya.

"Wala akong tiwala sa mga nurse dito, baka gahasain pa nila ako ng hindi oras" sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

"Edi sa nurse na lalaki" sagot ko ulit.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo" sagot naman nya ulit kaya napahinga nalang ako ng malalim.

"Sige na tumayo ka na dyan. Ako na magpapaligo sayo" sagot ko kaya namilog naman agad ang mata niya.

"Mas lalong ayokong ikaw. Your not just desperate, your a damn pervert as well don't you?" Sagot niya kaya namilog naman ang bibig ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now