OUR FOREVER REALITY ENDING

4.8K 119 2
                                    

◇LINCOLN~♡~DELANEY◇

Delaney's POV,

Nang napagdesisyonan nanaming bumalik sa kwarto ay napansin ko na hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Hazelle. Hindi parin bumabalik si Dylan kaya malaki ang hinala ko na magkasama sila.

Napangiti nalang ako habang naiisip na sana ay magkabalikan na ulit sila. Sana rin makapag usap na kami ng maayos ni Lincoln. Alam kong madami kaming dapat pag usapan, mula ng iniwan ko siya hanggang sa muli akong nagpakita sakanya ng biglaan... pero agad ko siya ulit iniwan.

Akala ko talaga, yun na ang katapusan ko... bukod sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ng mga oras na yun ay ang sakit na nararamdaman ko habang iniisip na hindi ko na talaga makakasama ng matagal ang lalaking mahal ko, sinisisi ko ang sarili ko na nagpaka duwag ako nuon at hindi ako gumawa ng paraan para maisalba hindi lang ang buhay niya kundi pati ang relasyon namin.

Kung sana isinumbung ko agad sa mga pulis ang pagbabanta ni Felix ay hindi sana kami magkakalayo ng ganong katagal. Pero nabuhayan ako ng loob ng muling bumalik ang mga masasayang ala ala namin nuong magkasama pa kami. Inisip ko na hindi ko hahayaan na iwan siya ulit, kailangan ko pa mas maparamdam sakanya ang pagmamahal ko, kaya kumilos ako at naghanap ng lagusan na pwedeng maisalba ang buhay ko.

Sa awa ng Diyos ay nakahanap ako ng lagusan sa may sahig ng basement, agad ko itong binuksan at kahit alanganin ang babaksakan ko ay tumalon parin ako dito papasok, yun lang ang tanging paraan at tsansa ko para makabalik sakanya. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa at unti unti ng nanghina ang katawan ko.

"Babalik ako Lincoln... Hintayin mo ko..." huli kong sinabi bago ako mawalan ng malay.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nakapasok na pala ng kwarto si Hazelle. Ang laki ng ngiti sa mukha niya habang nakatingin siya sakin.

"Hi Ate bakit hindi ka pa natutulog? Hinihintay mo ba ko?" Aniya kaya ngumiti rin ako at hinarap siya.

"Oo hinihintay kita, dahil alam ko na kasama mo yung kumag na 'yon at baka gumawa na agad kayo ng milagro ng hindi namin nalalaman, uunahan mo pa ko magka anak ganon?" Biro ko kaya natawa nalang kaming dalawa.

"Ate alam mong hindi ganun si Dylan, tsaka syempre hindi ako mauunang mag ka anak sating dalawa noh, baka nga pag katapos niyo mag usap ni Lincoln eh agad kayo gumawa ng milagro" sagot niya kaya medyo binatukan ko siya sa ulo, pero ang totoo parang nag iinit na buong katawan ko dahil sa sinabi niya.

"H..hindi noh, isang salita ko lang sakanya na tumigil siya hihinto agad yun" depensa ko at parang hindi naman siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Naku, Pero paano kung hindi mo siya napigilan kasi na carried away ka narin? Edi dere deretso na, few weeks later... may first pamangkin na ko!" Aniya kaya namilog ang mata ko.

"Itulog mo nalang yan Hazelle, solohin mo nalang yang pagiging madumi ng utak mo huwag mo na ko hawahan" ani ko at iniwan na siyang nakatayo duon kahit nagpoprotesta siya na hindi daw siya ganun.

Humiga na ko sa kama at pinikit na ang mga mata ko. Kailan mo ba ko kakausapin Lincoln? Gustong gusto na kitang kausapin, ayusin ang relasyon natin, gusto ko ng maging pag aari mo ulit, gustong gusto ko ng magpakulong sa mga bisig mo.

Nagising ako ng marinig ko na ang mga boses nila Hazelle, mukhang naghahanda na sila maligo at magbihis. Kahit medyo inaantok pa ko ay bumangon narin ako. Ngayon nga rin pala ang pagdating nila Yunna, Pauline, at Lia, mga hapon pa daw ang dating nila kaya sinabihan namin sila na dumaretso nalang sila sa seaside dahil baka nandun kami ng mga oras na yun.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now