Endless~[23]

3.2K 112 0
                                    


◇DOUBT◇

Hazelle's POV,

Nagising ako ng maaninag na ng mata ko ang sikat ng araw. Pagmulat ng mata ko ay agad akong napabalikwas ng bangon kasabay non ang paghawak ko sa ulo ko dahil sa bigla nitong pagsakit.

"Hangover?" Napalingon ako agad sa nagsalita at nakita ko si Lincoln na nakatayo at may hawak na mug.

"B..bat nandito nanaman ako? A..anong ginawa mo sakin?" Nauutal kong tanong.

Agad sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nya at naglakad sya papalapit sa kama kung nasaan ako kaya unti unti rin akong umaatras. Napatili pa ko ng bigla syang puma ibabaw sakin.

"May nangyari nga ba satin, Ms. Mendoza?" Bulong nya.

"H..hindi magandang biro yan, Lincoln. Wala ako naalala sa nangyari kagabi kaya please lang, sagutin mo ko ng matino kahit ngayon lang?" Pakiki usap ko sakanya kaya malamya syang tumawa at umalis na sa ibabaw ko.

"Don't worry, walang nangyari kagabi, except that I kiss you, and you kiss back" aniya na ikinalaki ng mata ko.

Hinalikan ko sya?

"M..mali ang pagkaka intindi mo. Lasing ako kagabi k..kaya akala ko ikaw si Dylan. K..kaya kita hinalikan pabalik, hindi ko sinasadya" paliwanag ko.

"About what you've said last night. Hindi ko maintindihan pero, ako ba ang tinutukoy mo? Anong ibig mong sabihin na bumalik na sya? Imposible naman na bumalik si Delaney diba?"

Agad akong natigilan ng marinig ang tanong nya kaya bahagya din akong napapikit.

Muntikan ko pa masabi sakanya ang tungkol kay Ate Delaney.

"H..ha? Aa wala yun. Ganun kasi ako pag lasing, kung ano ano sinasabi ko, kahit wala naman kinalaman sa buhay ko" pag sisinungaling ko.

"Pero t..teka nga, bat mo ko hinalikan kagabi? May balak ka bang masama sakin?" Pag iiba ko ng usapan kaya nakita ko nanaman sumilay ang nakakaloko nyang ngiti.

"Bakit? Nagustuhan mo ba? Mas magaling ba ko humalik k-" pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"Manyak!" Sigaw ko agad sakanya at tinawanan nya lang ako.

"Your just too noisy last night. No choice to shut that mouth of yours with mine. Your a good kisser though. Did he teach you how?"

"Mga palusot mo! Pwede mo naman takpan lang ng kamay mo ang bibig ko ah? Bat kailangan mo pa gawin yon? Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan" sagot ko.

"I'm just used to shut her mouth with my mouth whenever she nags at me" sagot nya.

Mukhang si Ate Delaney nanaman ang tinutukoy nya. Napakagat labi nalang ako ng muling bumalik sa isipan ko ang lahat ng nalaman ko kahapon.

Hindi ko alam kung kaya ko pa silang makita pagkatapos kong malaman ang lahat. Pero may konti parin sa puso ko na nagsasabing may malalim silang dahilan at hindi nila sinasadya ang bagay na yun. Na kailangan ko ma pa kinggan ang paliwanag nila.

"Bat ka nga pala nasa bar na yun kagabi? I know your not that type of girl na ginagawang tambayan ang bar? May problema ka ba?" Tanong nya.

"W..wala lang, gusto ko rin naman tumikim ng alak kahit paminsan minsan" pagsisinungaling ko.

Tinaasan nya ko ng kilay at nagulat ako ng dahan dahan nanaman syang lumalapit sakin.

"Gusto mo halikan nanaman kita ngayon para lang magsabi ka ng totoo?" Banta nya kaya agad nanlaki ang mata ko.

Aamba na sana syang hahalikan ako pero agad kong hinarang ang kamay ko sa mukha nya.

"Oo na magsasabi na ko ng totoo!" Sagot ko.

Narinig ko naman na medyo tumawa sya at tinabihan ako ng pag upo sa gilid ng kama nya.

Bumuntong hininga naman ako at nag iisip kung ano ang iba pang pwedeng idahilan na kasinungalingan sakanya na mapapaniwala ko sya. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang totoo, dahil bukod sa alam kong masasaktan sya, siguradong magdududa na sya tungkol kay Ate Delaney. Na bumalik na ang babaeng mahal nya.

"N..nakita ko kasi si Dylan sa isang restaurant nung isang araw, m..may kasama syang ibang babae, naghahalikan" pagdadahilan ko. Kung pakikinggan nyo, parang halos totoo din naman ang sinabi ko, hindi ko nga lang sinabi kung sino ang babaeng yon.

Nakita ko naman na medyo napatango sya. Mukhang naniwala naman sya sa sinabi ko.

"So, anong balak mo ngayon? Magbubulagbulagan na habang nasa tabi kita, nalulungkot na hindi mo sya nakakasama, at sya naman, nagpapakasaya sa ibang babae? You now what, siguro kaya nya ginawa ang set up na 'to para magawa nya ang mga kalokohan nya ng hindi mo sya nabibisto. Wake up Hazelle, binabangungot ka na, hindi mo parin napapansin" aniya na ikinagulat ko.

Hindi ko maiwasan na mapa isip sa mga sinabi nya. Posible nga ba? Kaya nya ba ginawa ang lahat ng 'to hindi para protektahan ako? Kundi para saktan ako at lokohin ako ng ganito?

"H..hindi, hindi nya magagawa sakin yan. Mahal nya ko Lincoln, at ramdam ko yon. Aalis na ko" ani ko at tumayo na.

***

Dylan's POV,

Ilang araw na hindi sinasagot ni Hazelle ang mga tawag at text ko. Sa tuwing dadaanan ko naman sya sa bahay nila ay wala naman sya. Hindi ko maiwasang mapa isip na baka, nagkakamabutihan na sila ni Lincoln? Mas madalas silang magkasama ngayon. At ako naman, mas madalas ng kasama si Delaney. Gustuhin ko man na makita si Hazelle madalas, hindi ko magawa dahil alam kong sa oras na makita ng mga tauhan ni Felix na magkasama kami ay mapapahamak agad sya.

"Kanina ka pa tawag ng tawag sa kapatid ko ah? May problema ba kayo?" Tanong bigla sakin ni Delaney.

"Yun na nga eh, may problema nga ba kami? Ilang araw na nya ko hindi kinikibo. Iniiwasan nya yata ako, sa tingin ko nagseselos na sya sating dalawa. Dahil mas madalas na tayong magkasama" sagot ko.

"Ganon ba? Hayaan mo susubukan ko syang kausapin mamaya. Pero maiba na tayo, may nalaman na ang pinsan ko tungkol sa plano ni Felix sa Grand White Ball bukas" aniya kaya agad na kong nakinig sa sinasabi nya.

"Ano na ang plano ng lalaking yon?" Tanong ko.

"Sa gitna ng pagsasayaw ng mga bisita, biglang mamamatay ang ilaw. Yun lang ang narinig ng pinsan ko tungkol sa plano nya pero ito ang siguraduhin mo Dylan, bago palang magsimula ang pagsasayaw, kailangan nasa tabi ka na ni Hazelle at mailayo mo na sya sa lugar na yun, ako ng bahala kay Lincoln" aniya kaya agad naman akong tumango.

"Mag iingat ka din, pangako ko, hindi ko pababayaan ang kapatid mo" sagot ko.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now