Endless~[37]

3.2K 94 1
                                    


◇THE SHORTCUT◇

Delaney's POV,

"L..lincoln?" Nauutal ko agad na bulong.

Seryoso ang mukha nya, ganun din ang tingin nya sa mga mata ko.

"Bakit ka nagtago? Bakit hindi ka agad nagpakita?" Seryoso nyang tanong kaya agad akong napa iwas ng tingin.

"W..wala tayo sa tamang lugar para pag usapan 'to Lincoln. Kailangan ng kapatid ko ang tulong natin ngayon. Ipapaliwanag ko ang lahat sayo pag nasiguro ko ng ligtas si Hazelle, please?" Pagmamakaawa ko.

Napa iwas narin sya ng tingin at humugot ng malalim na hininga at ramdam ko rin ang konting galit nya.

"Fine. But I'm warning you, I'm still not forgiving you, unless you explained your reasons" aniya kaya napapikit nalang ako.

"Nakapasok na sa loob sila Dylan at Cole. Sila ng walo ang bahala sa mga tauhan ni Philip. Tayong dalawa ang pupunta kung nasaan si Hazelle" seryoso nyang sabi kaya tumango nalang ako.

"Franzei? May alam ka bang shortcut papunta kung saan tinago si Hazelle?" Tanong ko.

"Your not a-"

"I'll take care of that matter later. Now tell me the shortcut" pagputol ko sakanya.

"The shortcut is dangerous Delaney. You might not want to risk it" aniya.

"I don't care Franzei. Now can you just tell me where is the shortcut?" Sagot ko.

"Pagpasok mo sa pabrika, may makikita kang elevator pababa ng basement. But the elevator is risky, walang kasiguraduhan na gagana pa 'to paakyat. Gagana lang ang elevator paakyat kung may isang tao na pipindot ng button sa labas. Hindi ako papayag na maiwan ang isa sa-"

"Saan kami pwedeng dumaan bukod sa shortcut?" Biglang tanong ni Lincoln.

"Mas ligtas kung gagamitin nyo ang elevator sa opisina ni Philip. But the problem is, nandoon nagkumpulan ang buong tauhan nya kaya mahihirapan din kayo makapasok at nasa may pinaka dulong parte ng buong pabrika ang opisina nya, matatagalan kayo makarating doon. Wala narin kayong sapat na oras kung duon pa kayo dadaan" sagot ni Franzei.

"Nakakulong sa isang kwarto si Hazelle, she's unconsious dahil sa nalanghap nyang kemikal na usok sa buong kwarto. May bomba din na nakakonekta sa kadena at posas na nakalagay sa mga kamay at paa nya. May dalawang button kayong makikita doon, ang isang button ay mapapatigil ang orasan ng bomba at makakapagbukas ng posas at kadena kay Hazelle. Ang isang button ay makakapag-pasabog ng bomba sa buong basement" dagdag ni Franzei.

"Papunta na ang mga pulis na pinadala ni Dad. Matutulungan nila tayong mapa alis ang lahat ng tau-"

"Mauubos ang oras natin sa mga tauhan nya palang. Sabihin nanatin na mapapatay natin silang lahat, pero mahuhuli na tayong sagipin ang kapatid ko. We have no choice to go through the shortcut" putol ko sakanya at nakita ko naman ang seryoso nyang pagtitig sakin.

"Then I will go through the sho-"

"No. She's my sister. I'm the one who should save her. Ako rin ang may kasalanan kung bakit sya nalagay sa gantong sitwasyon. Sarili kong gusot, ako ang magpaplantsa" sagot ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now