Endless~[34]

3.1K 79 0
                                    


◇LOVEY DOVES◇


Delaney's POV,

"Salamat po sa pag aalaga kay Lilith. Huwag po kayo mag alala bibisitahin ko po kayo ulit dito kapag may oras po ako" sabi ko. Yumakap muli sakin si Tita.

"Mag iingat ka don ha? Kung pwede lang talaga kitang samahan don gagawin ko pero nandito ang asawa't anak ko" aniya kaya ngumiti ako.

"Kaya ko naman po ang sarili ko. Tsaka mababait naman po ang mga magulang ng kapatid ko" sagot ko.

"Yung sinabi ko sayo huwag mo kalimutan ha? Harapin mo na ang lalaking mahal mo, para naman pagbalik mo dito, makita ko na ang totoo mong ngiti" ani Tita.

"Sige po mauna na ko Tita. Kayo rin po mag ingat po kayo dito" ani ko at binuhat ko na si Lilith at tinulak ko na ang maleta na dala ko.

***

"Lilith. Promise ko sayo, makikita mo na ang daddy mo. Sana mapatawad pa nya si mommy sa lahat ng kasalanan nya kay daddy noh? Pero ginawa ko lang naman lahat yon para maging safe si daddy mo. Mahal na mahal ko si daddy mo, sana love parin nya ko" bulong ko kay Lilith. Para akong loka na kinaka usap ang pusa na akala mo namang sasagot at may paki alam sa mga sinasabi ko.

Nandito na ko sa airport. Mabilis lang ang naging byahe ko pabalik dito sa pilipinas. Sa pagbabalik kong 'to, hindi ko na uunahin ang takot at pangamba sa puso ko, haharapin ko na ang taong mahal ko at handa na kong sabihin sakanya ang lahat ng katotohanan.

Biglang tumunog ang telepono ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko. Kumunot ang noo ko ng isang hindi kilalang numero ang bumungad sakin.

Dahil puno ng kuryosidad ang utak ko kung sino ang tumatawag ay sinagot ko ito.

"Sino 'to?" Seryoso kong tanong.

"Ate huwag ka makinig sa sinasabi nya! Wag kang p-" boses ni Hazelle ang sumisigaw.

"Sino ka!? Anong ginawa mo sa kapatid ko!?" Agad kong tanong.

"Delaney. Hindi ko akalain na magkapatid pala kayong dalawa. Pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana" sagot ng isang pamilyar na boses.

"T..tito Philip? Ano nanaman kailangan mo!? Bat ba ayaw mong tantanan ang buhay ko!?" Galit kong sigaw. Malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya.

"Wala akong kailangan sayo Delaney. Nakuha ko na ang lahat ng yaman ng Mama mo kaya ano pa mapapala ko sayo? Tinawagan kita ngayon dahil binibigyan kita ng pagkakataon para magpaalam sa pinakamamahal mong kapatid" aniya kaya lalong umigting ang bagang ko.

"Pakawalan mo sya Philip. Wala syang kasalanan sayo. Kung iniisip mo na sya ang pumatay kay Felix, nagkakamali ka. Ako ang pumatay sa demonyo mong anak kaya ako ang hulihin mo!" Sagot ko.

"Mukhang nahilo ang tauhan ko sa mukha ninyong dalawa. Pero dahil nandito na sya, wala na tayong magagawa. Kung gusto mo talaga maligtas ang kapatid mo, pumunta ka dito kasama ang Nanay nya. Huwag kang pupunta dito ng hindi mo kasama ang ina nya kundi, katapusan na ng buhay nya" banta nya at pinatay na ang tawag.

Marahas kong nagulo ang buhok ko sa sobrang galit at agad tinawagan ang numero ni Franzei.

"Franzei, kailangan ko ulit ang tulong mo. Nanganganib ang buhay ng kapatid ko" ani ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon