Endless~[40]

3.2K 141 6
                                    


◇ENDLESS HEARTACHE◇


Hazelle's POV,

Unti unti ko ng minulat ang mata ko at nakita ko ang nakakasilaw na liwanag galing sa isang dereksyon. Nakatayo ako sa paligid na puro puting liwanag.

"Hazelle, kapatid ko" biglang tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa buong paligid at nahagip ng mata ko ang isang babae na nakatayo ng hindi kalayuan sakin.

"A..ate Delaney?" Bukambibig ko at naglakad ako palapit sakanya. Hindi nga ko nagkamali dahil nakita kong sumilay ang magandang ngiti sa labi nya.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Hazelle. Paggising mo, gusto kong isipin mo na palagi lang akong nasa tabi mo, hindi ako mawawala sa tabi mo kahit anong mangyari. Alam ko, maiksing panahon lang tayo nagsama, pero sa maiksing panahon, nakita ko ang buong pagkatao mo. Kung paano ka maging mabuting kapamilya at kaibigan sa lahat ng taong mahal mo. Salamat dahil kahit alam kong magkapatid lang tayo sa ama, tinuring mo parin akong buo mong kapatid. Magkikita muli tayo kapatid ko, wag ka mawalan ng pag asa. Mahal na mahal kita" aniya at pinunasan nya ang luha sa mata ko. Hindi ko namalayan na kanina pa ko naiyak.

Tumalikod na sya sakin at dahan dahan ng naglakad palayo.

"A..Ate sandali..." tawag ko sakanya. Tumigil naman sya sa paglalakad at muli akong liningon.

"Babalik ako Hazelle, pangako yan. Ipangako mo sakin, hihintayin mo ang pagbabalik ko. Sabihin mo rin sakanya... konting panahon pa. Sana... mahintay nya pa ko sa panahon na 'yon, sana hindi pa ko huli para mas mahalin ko sya. Pero kung hindi na nya talaga kaya... handa akong tanggapin ang desisyon nya. Sa  ngayon, maging masaya ka Hazelle. Maging masaya ka kasama ang lalaking mahal mo. Wag mo syang susukuan. Pangalagaan nyo ang pagmamahalan nyong dalawa" aniya. Tuluyan na syang naglakad palayo hanggang sa sya'y naglaho.

***

Napa upo ako sa pagkakahiga ng maalimpungatan ako. Napahawak din ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Hazelle. Gising ka na!" Biglang bungad sakin ni Elyzza at agad akong yinakap. Kasabay nyang pumasok sa kwarto ko sina Melanie at Ate Drianna.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Hazelle?" Tanong sakin ni Ate Drianna.

"S..si Ate Delaney po? Maayos po ba sya? Pwede ko po ba sya makita?" Agad kong tanong. Nakita ko naman ang biglang paglungkot ng mga mukha nila.

"H..Hazelle, ang Ate Delaney mo. W...wala na sya Hazelle. Sya ang naglabas sayo sa pabrika" sagot ni Melanie.

Napatulala nalang ako sakanilang tatlo at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinasabi nila o hindi.

"H..hindi. Sabihin nyo sakin kung nasaan sya ngayon na! Gusto ko makita ang kapatid ko! Dalhin nyo ko sakanya!" Agad kong sabi at agad nagbadyang bumaba ng kama pero agad nila akong pinigilan.

"Maniwala ka samin Hazelle. Wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Masakit man tanggapin, hindi nanatin mababago ang nangyari na" sagot ni Ate Drianna.

Paulit ulit kong iniling ang ulo ko, kasabay non ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Kaya ba sya nagpakita sa panaginip ko? Huling paalam na nya ba sakin yun?

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon