Endless~[08]

3.6K 90 3
                                    


RISK YOUR LIFE OR LET THEM DIE?

Levi's POV,

"Mukhang nagsisimula na syang gumanti" ani Jonathan.

"Hindi talaga tayo titigilan ng Felix na yan hangga't hindi natin sya napapabagsak sa impyerno" komento ni Dylan.

"Kailangan narin natin kumilos. Kailangan natin makahanap ng paraan para matunton kung saang lungga man sya nagtatago" sabi naman ni Kyle.

"Anong gagawin mo ngayon Levi? Uuwi ka bang ganyan ang itsura mo? Sigurado akong magtatanong si Elyzza kung anong nangyari dyan?" Tanong ni Jonathan kaya napabuntong hininga ako.

*phone ring

Kinuha ni Dylan mula sa bulsa nya ang telepono nya at agad itong sinagot.

"Hello hon?... What?... Oo kasama namin sya ngayon, ako ng bahalang magsabi sakanya... Uuwi na kami dyan bukas, bye" Aniya at binaba na ang telepono.

"Si Elyzza, nanganak na"

Shit!

Agad kong tinanggal ang swero ko sa kamay at bumangon sa kama.

"Levi, hindi ka pwedeng umuwi ng ga-" pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"I don't fucking care! Kailangan ako ng mag ina ko ngayon" sagot ko.

***

Elyzza's POV,

Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag na ilaw agad ang bumungad sakin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero natigil ang paningin ko sa tyan ko na ngayon ay hindi na katulad ng dati na kasing laki ng isang bola.

Napanganak ko na ang anak ko. Napangiti ako ng maisip na naisilang ko ng buhay ang anak ko.

Pero agad napawi ang ngiti ko ng agad na pumasok sa isip ko si Levi. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang nurse na naka mask at may hawak syang tray na naglalaman ng isang injection.

May iba akong naramdaman habang naglalakad ito papalapit sakin, may nagtutulak sakin na para bang hindi ko dapat pagkatiwalaan ang nurse na ito.

Kinuha na nya mula sa tray ang injection at ituturok na sana sakin ng pigilan ko sya.

"Sandali" pigil ko sakanya.

"Pampatulog yan, tama ako diba?" Ani ko sakanya.

"Mamili ka, buhay mo o buhay ng anak mo?" Tanong nya.

"Wag ka mag alala, ligtas ang anak mo. Pero kung papalag kang iturok ko ito sayo, mapapahamak ang buhay nya" banta nya.

"Wag na wag mong gagalawin ang anak ko" banta ko at ako na mismo ang nagturok sa sarili ko ng injection.

Mas pipiliin ko ng ako ang mapahamak kesa sa anak ko.

Levi kung nasaan ka man, sana ligtas ka. Protektahan mo ang anak natin.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now