Endless~[05]

4.1K 144 4
                                    


RV5

Dahlia's POV,

"Lia, anak nasa baba ka ba?"

Agad kong natulak ng malakas si Evan sa ibabaw ko at agad kaming napa ayos ng upo.

Shit! Nagising si Nanay!

Sinuot naman na ni Evan ang t shirt na binigay ko sakanya kanina, saktong bumungad samin mula sa hagdan si Nanay.

"Oh Lia nandito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Evan dito, saan ka ba nanggaling?" Bungad sakin ni Nanay.

"U..Uhm, may iba lang po akong dinaanan saglit" palusot ko at nakita ko ang pag irap ni Evan.

"Ba't pawis na pawis kayong dalawa? Tsaka parang nakakita kayo ng multo?" Tanong ni Nanay kaya agad nanamang namilog ang mata ko at nagkatinginan kami ni Evan.

"S..sige po tita mauna na po ako, para po makapag pahinga na kayo pareho" pag iiba ni Evan ng usapan.

"Oh sya sige mag ingat ka pauwi. Lia ihatid muna sya sa labas" sabi ni nanay kaya sinunod ko ang sinabi nya at sabay kaming lumabas ni Evan ng bahay.

Paglabas ko ay parang nakahinga na ko ng maluwag dahil kanina ay putol putol ang paghinga ko sa loob.

Muntikan na kami mahuli bwiset ka Mendoza!

Binatukan ko naman sya ng malakas sa ulo.

"Aray! Para san yun!?" Bulalas nya.

"Ba't kasi nagbibiro ka ng ganon? Muntikan na tayo mahuli ni nanay, paano pa kaya kung si tatay yun? Gusto mong maitak ng hindi oras?" Banta ko sakanya pero tinawanan lang ako ng loko.

Nakukuha nya pa tumawa eh halos lagutan na ko ng hininga kanina!?

"Nagagalit ka ba talaga dahil muntikan na tayo mahuli o dahil, nabitin ka?" Tanong nya kaya nanlaki ang mata ko.

Hahampasin ko sana sya sa balikat pero agad nya nahuli ang kamay ko.

"Kung nabitin ka, mas lalo ako. Alam mo kung gaano na ko katagal nagpipigil sayo, Dahlia. Kung hindi dumating ang nanay mo kanina... hindi ko parin yun itutuloy" aniya na ikinagulat ko, hindi yun ang inaasahan kong sabihin nya.

Tiningnan ko sya na may namumuong katanungan sa mga mata ko.

"Ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo sa buhay. At alam kong hindi ka pa handa. Ayokong pilitin ka sa isang bagay na alam kong pagsisisihan mo sa huli. Kaya handa akong maghintay. Mahal na mahal kita Dahlia, at sasamahan kitang abutin ang mga pangarap mo" aniya.

Agad akong napangiti at agad ko syang yinakap ng mahigpit. Ginantihan nya ang mga yakap ko.

"Mahal na mahal rin kita Evan" sagot ko.

Kaya siguro hanggang ngayon, mahal ka parin ni Erlyn. Paano kung dumating ang araw na agawin na nya si Evan sakin?

Ipaglalaban kita Evan, magkamatayan man.

***

Hazelle's POV,

Recess nanamin ngayon at nasa canteen kami nila Melanie at Lia.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now