Endless~[17]

3.4K 118 2
                                    


◇THE FACE OFF◇


Dylan's POV,

"Sigurado ka bang sisiputin tayo ng mga yun?" Tanong sakin ni Jonathan.

"Bakit hindi nalang tayo sa mga pulis magpatulong para makuha natin ang mga dokumentong yun?" Tanong pa ni Kyle.

"Hawak din ng ama ng lalaking yun ang kapulisan. Mga pulis din ang tumulong sa lalaking yun para makatakas. Kaya kung sakanila tayo hihingi ng tulong, wala rin tayong mapapala at baka mas lalo tayong mawalan ng ebidensya pag ginawa natin yun" sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig nanamin ang mga tunog na humaharurot na motor. Limang motor ang bumungad samin at ang motor lang na nasa gitna ang naiiba ang kulay. Ang apat na motor ay kulay itim at ang motor na nasa gitna ay kulay pula. Isa isa na nilang tinanggal ang mga helmet nila at tama nga ang hula ko, si Lincoln ang nakaangkas sa pulang motor.

"Handa ka na bang ma ospital, Chua?" Agad na banta sakin ni Lincoln kaya agad akong napangisi.

"Handa na ba ang kabaong mo, Hondeval?" Banta ko rin sakanya.

"Kung ako sayo, sinisimulan nanatin ang walang kwentang laban na 'to. Dahil alam ko naman kung sino ang ibuburol dito sa huli" aniya.

Malakas talaga ang hangin ng lalaking 'to sa katawan. Ano bang nagustuhan ni Delaney sa lalaking 'to?

"Hindi purkit kulang kami ngayon ay hindi nanamin kayo kaya. Kaya wag kang magsalita dyan ng pahangin dahil baka mamaya, ikaw mismo ang tangayin ng sarili mong kayabangan" sagot sakanya ni Levi.

"Ano bang klaseng laro 'to? Dating gawi ba?" Tanong ni Handrix.

"Hindi. Dahil sa larong 'to, walang masasaktan, gagamit lang tayo ng armas" sagot ni Jonathan ng nakangisi. Kumunot naman ang mga noo nila.

"Pwera lang kung gusto nyong may masaktan" sagot ni Kyle.

"Ano bang kalokohan 'to Chua?" Naiiritang tanong ni Lincoln.

Ngumisi naman ako.

"Kalokohan na pasasalamatan mo Hondeval" sagot ko.

Bigla din naman syang ngumisi.

Nagulat kami ng may biglang nagpaputok ng baril mula sa itaas ng warehouse.

Sh*t!

"Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan, Hondeval" inis kong sabi at agad na binunot ang baril ko at nagtago sa mga malalaking drum ng tubig na nandoon.

"Sa isang laro may isang taya, ibahin mo ang laro natin ngayon Chua, dahil ang taya ang huhulihin ngayon" bigla nyang sabi kaya agad kumunot ang noo ko.

Patuloy parin kami pinapa ulanan ng baril ng mga tauhan ni Felix. Nagulat ako ng bumunot narin ng kanilang baril sina Lincoln at pinaulanan narin ng bala ang mga tauhan ni Felix.

Tinutulungan nila kami?
Bakit?

Dahil sa tulong nila ay unti unti naming naubos ang mga tauhan ni Felix.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now