Endless~[55]

3.6K 107 4
                                    


◇THE CLIFF◇

Hazelle's POV,

"Nagkaroon siya ng migraine kanina cause of masyadong na strain ang utak niya dahil pinilit niya maalala ang mga kinwento mo sakanya tungkol sa nakaraan niya. I suggest na huwag mo munang ikwento sakanya ang mga alam mong makakapag pa depressed sakanya para maiwasan na mangyari ulit ito" paliwanag sakin ng doktor at tumango naman ako.

"Salamat po ulit Dok" sagot ko at lumabas na siya ng kwarto.

Lumapit naman ako kay Dylan na ngayon ay nakahiga ulit sa kama. Naalala ko ulit ang huli niyang sinabi bago siya mawalan ng malay... tinawag niya kong 'Hon.

Medyo gumalaw naman ang ulo niya at unti unti ng dumilat ang mga mata niya.

"Bakit nandito nanaman ako?" Tanong niya.

"Nawalan ka ng malay kanina. Sumasakit na pala ang ulo mo kanina hindi ka pa nagsasabi, masama pa mapwersa ang utak mo kaya kung hindi mo pa talaga maalala, huwag mong pwersahin ang sarili mo" paalala ko sakanya.

"P...pasensya na, dapat hindi ko muna sinabi sayo ang tungkol don... hindi ko naisip na baka ma bigla ka kapag-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"You don't need to apologize, I should thank you dahil kinwento mo sakin ang lahat ng 'yon tungkol sa mga magulang ko. Mas mabuti narin siguro na nalaman ko agad, baka mas mahirapan ako tanggapin kung buong akala ko, buhay pa sila yun pala matagal na silang wala" aniya.

"Bago ako mawalan ng malay kanina, I meant everything I said on that time. Sa totoo lang, simula ng makita kita, iba talaga ang naramdaman ko at hindi pa ko sigurado kung bakit. I'm sorry by the way, sa lahat ng sinabi ko sayo nung isang araw, hindi ko sinasadya, its just I'm so confused of everything kaya hindi narin ako nag iisip sa mga sinasabi ko nung panahon na 'yon" dagdag niya kaya malamya akong ngumiti.

"Naiintindihan naman kita. Alam kong naguguluhan ka lang tungkol sa mga ala ala mo" sagot ko.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Lincoln ang tumatawag. Napatingin naman ako saglit kay Dylan at nakita kong nakapikit muli ang mga mata niya.

Lumabas muna ko ng kwarto at agad sinagot ang tawag.

"Lincoln, bakit ka napatawag?" Tanong ko.

"Balita ko, gising na si Dylan... I'm glad na gising na siya" panimula niya.

"Salamat, yun lang ba sasabihin mo?"

"Hindi, may ibabalita ako tungkol kay Philip... Ang sabi ng mga pulis, may gusto siyang ipagtapat kay Dylan. Pero sa tingin ko hindi pa ngayon ang tamang oras, bigyan muna natin ng sapat na panahon para tuluyang maka recover si Dylan, saka natin siya iharap kay Philip" paliwanag niya na ikinagulat ko.

"May ideya ka ba kung ano ang gusto niyang sabihin kay Dylan?" Tanong ko.

"Hindi ako sigurado pero... mukhang tungkol ito kay Mr. Chua" sagot niya.

"Naikwento sakin ni Jonathan ang kondisyon ni Dylan, wala siyang maalala sa nakaraan niya diba? Nakalimutan niya rin ba ang tungkol sa pagkamatay ng magulang niya?" Tanong niya.

"Oo, pumunta kami sa museleo ng magulang niya kanina at duon ko kinwento ang lahat, pero sumakit ang ulo niya dahil masyado na pwersa ang utak niya kaya sabi ng doktor huwag ko muna siya madaliin. Mas mabuti nga siguro na hintayin muna natin na tuluyang gumanda ang kondisyon niya bago natin siya ihaharap kay Philip" sagot ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now