Endless~[27]

3.2K 97 3
                                    


◇LOVE TORTURE◇

Dylan's POV,

"Dylan, sigurado ka bang magiging maayos lang don sila Ate? Madaming tauhan si Felix. Hindi kakayanin ng BX5 at ng RV5 ng sila lang" agad na sabi ni Hazelle habang nagmamaneho ako.

"Dadalhin kita sa lugar kung saan hindi kayo makikita nila Felix. Nandon narin si Melanie, duon muna kayo hanggat hindi pa namin kayo sinusundo" malamig kong sagot sakanya.

"I..ikaw? Paano ka? S..saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Babalik ako sa school, kailangan ko silang tulungan" sagot ko.

Hindi ko na sya narinig magsalita simula non hanggang sa nakarating na kami sa lugar kung saan namin napag desisyonan na itago sila ni Melanie para hindi sila mahanap nila Felix.

May mga nakabantay naring mga pulis para mas masiguro namin na ligtas sila. Sinabi ni Lincoln sa tatay nyang si Tito Peter ang lahat ng ilegal at krimen na ginawa ng tatay ni Felix.

Nalaman din namin na ang step father ni Felix na si Tito Philip ay ang hindi totoong tatay ng mga kuya ni Hazelle na si Evan at Ethan. Ang totoo nilang ama ay ang pinsan nitong si Tito Alejandro na aksidenteng napatay ni Tito Philip dahil sa isang babae, na ina nina Evan at Ethan. Sinadya ni Tito Philip na paniwalain sina Evan at Ethan na sya ang totoo nilang ama upang mapalapit ito muli sakanilang ina.

Sa tulong ni Tito Peter at ng kaibigan nyang pulis ay nakahanap kami ng mga taong makakatulong samin hindi lang para masiguro namin na ligtas sila Hazelle, kundi para tuluyan ng mahuli si Felix at ang ama nya.

Dahil narin sa matagal ng hinahanap ng mga pulis si Felix ay hindi kami nahirapan na kumbinsihin sila na tulungan kami.

Lahat ng nalaman namin ay dahil din sa tulong ni Tito Peter. Matagal na nyang alam ang lahat ng krimen na ginawa ng kanyang kapatid na si Tito Philip. Pero hindi nya ito sinasabi sa mga pulis dahil sa sya mismo rin ay pinagbantaan nito.

"Hazelle!" Bungad agad ni Melanie sakanya at agad silang yumakap sa isa't isa.

"Siguraduhin nyo na ligtas sila. Huwag kayong magpapapasok ng kahit sino mang tao dito kundi ako lang at ang mga kasamahan ko, nagkaka intindihan ba tayo?" Utos ko sa isang pulis.

"Opo sir. Makaka asa po kayo" sagot nya.

"Sige, mauna na ko. May pagkain dyan kung sakaling magutom kayo" sabi ko at  tumalikod na sakanila. Maglalakad na sana ako palabas pero may biglang pumulupot na kamay sa bewang ko.

"Ipangako mo sakin na babalik ka. I love you hon" aniya kaya bumuntong hininga ako at humarap sakanya.

Nakita ko ang mga luha na pumapatak sa mata nya kaya inangat ko ang ulo nya at pinunasan ang mga luha sa mata nya.

"Pangako, babalik ako. Mahal na mahal rin kita" sagot ko at hinalikan ang noo nya.

Agad na ko lumabas ng silid at dumaretso na sa kotse ko at mabilis itong pinatakbo.

***

Lincoln's POV,

"F..franzei? Bat ka nandito? A..anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ni Felix sa babae na nakatayo ngayon di kalayuan sakanya habang may hawak itong baril na nakatutok sakanya.

Mapait na tumawa ang babae at dahan dahan na naglakad papalapit kay Felix.

"Nagulat ba kita, Asawa ko? Ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng niloloko ka ng iba? Naniwala ka talaga na sinunog ko ang lahat ng mga duming kalat mo? You trust me to much, look at you now, I hurt you too much. Masakit ba Felix? Masakit ba na malaman na niloloko ka ng taong mahal mo? Ano namang tawag mo sa nararamdaman ko diba? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko simula ng pinatay mo ang tatay ko!? Oo! Alam ko Felix! Sinadya ko na mapalapit sayo para mabigyan ko ng hustisya ang pagpatay mo sa tatay ko! Ngayon, sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan! Pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanang ginawa mo" ani Franzei.

"N..no, nagsisinungaling ka lang. Mahal mo ko Franzei, I know it. Y..yung lahat ng ginawa ko, para sa 'ting dalawa yun, para sa magandang kinabu-"

"Magandang kinabukasan!? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo magiging masaya ang buhay ko sa isang mamamatay tao na katulad mo? At kung totoong mahal mo ko, hindi mo dapat yun ginawa sa tatay ko! Hindi mo dapat sya pinatay!" Sigaw ni Franzei.

"W..wala akong magawa! Malaki ang kailangan ng tatay ko sa tatay mo, ayoko man gawin, kailangan ko syang patayin" sagot ni Felix.

"Masaya ka ba sa buhay mo Felix? Nabubuhay ka lang na sunod sunuran sa hindi mo naman totoong ama! Maraming paraan para tumanaw ng utang na loob. Ang pagpatay ng tao, hindi na pagtanaw ng utang na loob yun, kasalanan na yun! Kaya kahit anong gawin mo, hindi mo ma itatanggi na isa kang kriminal. Lahat ng inuutos nya sayo, ikaw ang lahat ng gumagawa non. Parehas dapat kayo mabulok sa kulungan" ani Franzei.

"Hindi! Hindi ako makukulong! Walang makakapigil sakin kahit ikaw Franzei! Nagkamali ako na minahal pa kita!" Sigaw ni Felix at tinutok kay Franzei ang baril. Ngunit bago nya ito maputok ay nakarinig kami ng isang putok ng baril at derekta itong tumama sa dibdib ni Felix.

Agad akong napalingon sa tabi ko at napansin kong wala na ang babaeng nasa tabi ko. Binitiwan nya ang kamay ko ng hindi ko napansin?

Napa upo sa sahig si Felix. Kasabay non ang paglabas ng mga tauhan nya at pina ulanan kami ng bala. Agad na kaming kumilos at pina ulanan narin sila ng bala.

Sh*t! Saan ba nagpunta ang babaeng yon?

Habang pinapatamaan ko ng bala ang mga tauhan ni Felix ay hinahanap ng mata ko si Hazelle.

Napamura ako ng maramdaman ko na natamaan ako ng bala sa tagiliran. Napadapa din ako sa sahig ng may matigas na bagay ang pumalo sa ulo ko.

Unti unti ko ng naramdaman ang panghihina ng katawan ko at unti unting pag pikit ng mga mata ko.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nagdilim na ang buong paningin ko.

***

Unknown's POV,

"Ikinalulungkot ko po ibalita pinuno, patay na po ang anak nyo. Nabaril po sya ng isang babae" sabi ng tauhan.

Tinapon ng lalaki ang sigarilyo na kanyang ginamit at humarap sa kanyang tauhan.

"Sino ang babaeng bumaril sakanya?" Tanong ng lalaki.

"Kasintahan daw po ni Dylan Chua. Si Hazelle Lynne Mendoza po pinuno" sagot ng tauhan.

"Dalhin nyo sakin ang babaeng yon. Malaking pakinabang ang makukuha ko sakanya" utos ng lalaki.

"Sa wakas, magiging akin ka na ulit. Sa pagkakataon na 'to, hinding hindi ka na makakawala sakin. Habang buhay na tayo magsasama, sa ayaw at sa gusto mo" bukambibig ng lalaki.

***

Ano kayang nangyari sa BX5 at RV5?

Magkita na kaya sina Lincoln at Delaney?

Sino ang lalaking may malaking kailangan kay Hazelle?

Sa anong paraan nya kaya gagamitin si Hazelle?







Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now