Endless~[12]

3.8K 116 4
                                    


◇THE DARK STORY◇

Hazelle's POV,

Hanggang ngayon, nanganganib parin ang mga buhay namin. Isang linggo na ang lumipas matapos ng nangyari kela Elyzza at Levi. Maraming sikreto ang nabunyag. Na si Lincoln Hondeval at Felix Hondeval ay magpinsan pala.

Sa tagal kong kakilala si Felix, ba't nga ba ni minsan hindi ko nalaman ang apelido nya? Tanga pa talaga ako nun.

At dahil nga sa magpinsan sila, sigurado akong magkasabwat ang myembro ng RV5 at si Felix sa pagpapabagsak sa BX5. Kaya siguro sinasadya nilang mapalapit samin, dahil ang nasa isip nila na kami ang kahinaan ng BX5.

Hindi ko pa natatanong kay Dylan ang tungkol sa nakaraan nila ng nobya ni Lincoln. Hindi ko alam kung may karapatan akong tanungin sya tungkol sa nakaraan nilang dalawa. O kung may nakaraan ba talagang namagitan sakanilang dalawa?

Kung meron man, hindi ko alam ang gagawin ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay narinig ko mula sa salas na nag uusap sila mama at papa. Pero nagulat ako ng marinig ang paghikbi ni mama. Umiiyak si mama?

"Paano mo nagawa 'to sakin Leonardo? Dahil ba hindi mo anak sila Ethan at Evan ay nag anak ka rin sa ibang babae?" Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni mama.

"Patawarin mo ko. Pero sana maintindihan mo ko, wala na syang ibang matutuluyan. Wala narin mag aalaga at mag aaruga sakanya kundi ako lang. Pumanaw na ang ina nya at ako nalang ang natitira nyang pamilya. Dito nalang ang natitira kong naisip na pwede nyang matuluyan. Wala akong sapat na pera para bilhan pa sya ng sarili nyang apartment" paliwanag ni papa.

"I..ilang taon na sya?" Tanong ni mama.

"Matanda sya ng isang taon kay Hazelle. Maniwala ka hindi ko sinasadya ang nangyari. Nalasing ako ng gabing yun at paggising ko, nangyari na ang nangyari" salita muli ni papa at si mama ay walang tigil sa pag iyak.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pumagitna na sakanilang dalawa. Agad naman silang nagulat ng makita ako.

"Paano mo nagawa samin 'to papa? Kulang pa ba kami sayo? Paano mo natago samin 'to ng ganto katagal?" Deretso kong tanong sakanya at tumulo na ang luha ko.

"Patawarin mo ko anak. Hindi ko gustong itago sa inyo ang totoo" paghingi sakin ng tawad ni papa.

"Maniwala kayo, hindi ko alam na nabuntis ko pala sya nung gabing yun. Kaya pinakasalan ko ang mama mo, at dun ko lang nalaman na may anak pala ako sakanya" paliwanag muli ni papa.

"Kelan po sya lilipat dito?" Tanong ko kahit labag sa kalooban ko.

"Sa makalawa na ang lipad nya dito sa pilipinas" sagot ni papa.

"Papasok na po ako sa school. Malelate na po ako. Ma ayos lang po kayo dito?" Tanong ko kay mama.

Malamya naman ngumiti si mama at tumango.

"Mag iingat ka anak at umuwi ka agad" pangaral nya sakin. Lumabas na ko ng bahay at napabuntong hininga.

Bakit ba puno nalang ng problema ang buhay ko?
Kelan ba ko mawawalan ng pagsubok sa buhay?

Kasabay ng pagpatak muli ng mga luha ko ay ang pag agos din ng malakas na ulan. Hinayaan ko na mabasa ang buong katawan ko ng ulan at yinakap ang sarili habang patuloy na naglalakad.

Nagulat ako ng may isang tao ang hinila ako palapit sakanya, dahilan para mapasandal ako sa dibdib nya.

"Ba't ka naliligo sa ulan? Sa sobrang pagmamadali mo ba nakalimutan mo ng maligo?" Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi nya at hinampas ko sya ng mahina sa braso at inangat ko ang ulo ko para tignan sya.

"Akala ko ba bukas pa kayo papasok?" Tanong ko.

"Sinabi ko lang yun para masurpresa ka. Kaso ang tagal mo kaya hindi na ko nakapag pigil na sunduin ka. Kung hindi papala kita sinundo, papasok kang basang sisiw" aniya kaya nahampas ko nanaman sya.

Nagulat ako ng punasan nya ang gilid ng mata ko kaya agad akong napa iwas ng tingin. Ayokong mahalata nya na umiyak ako.

"May problema ka" aniya kaya napatungo ako. Malamya naman akong ngumiti sakanya at umiling.

"W..wala 'to, maliit na problema lang 'to" pagsisinungaling ko. Seryoso nya parin akong tinitignan.

"Hindi ka magaling magsinungaling, Hazelle" nanigas ako ng marinig ang malamig nyang boses. Wala talaga akong takas sa lalaking 'to.

"Bakit ikaw, wala ka ba talagang tinatago sakin? Alam ko na ba talaga ang lahat tungkol sayo?" Deretso kong tanong sakanya at nakita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Bakit hindi nyo sinabi samin ang tungkol sa RV5? Ang tungkol sa inyo ni Lincoln, at ng girlfriend nya?" Dagdag ko.

"Ayaw namin na madamay pa kayo sa away namin. Kaya minabuti namin na huwag nang ipaalam sa inyo ang tungkol sakanila. Hindi namin inaasahan na babalik pala sila, at alam namin na may hindi nanaman silang magandang pinaplano laban samin. Kaya Hazelle, I'm sorry. Pero mas ligtas kayo kung wala kayong alam" paliwanag nya.

"Pero bilang girlfriend mo, karapatan ko malaman ang lahat tungkol sayo. Kasama na dun ang nakaraan mo, maganda man o hindi. Magsabi ka sakin ng totoo, nagkarelasyon ba talaga kayo ng nobya ni Lincoln?" Deretso kong tanong.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang patagal ng patagal ang katahimikan na bumabalot saming dalawa, at tanging patak lang ng ulan ang naririnig namin.

"Naki usap sya na magpanggap kaming may relasyon" sagot nya na ikinakunot ng noo ko.

"Plano nyang pagselosin si Lincoln saming dalawa para hiwalayan na sya nito. At nung nalaman nga ni Lincoln ang totoo, nakipag hiwalay ito sakanya. Hindi nya sinabi sakin ang eksaktong dahilan kung bakit nya kailangan gawin yun. Pero ang tanging sinabi nya lang ay pinotrektahan lang nya ang buhay ni Lincoln. Hindi nya totoong gustong hiwalayan si Lincoln ng panahon na yon.
Pero kung hindi daw sya lalayo, hindi nya mapipigilan ang taong gustong patayin si Lincoln" dagdag nya.

Ngayon, unti unti ng lumilinaw ang lahat. Pero ang tanong, sino ang taong yun?

***

Unknown's POV,

"Pangako mom, bibigyan ko ng hustisya ang ginawa nila sayo, at sa lalaking mahal ko" ani ko habang nakatayo sa harap ng puntod nya. Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.

*phone ring

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Kamusta, maganda kong pinsan" sagot nya sa kabilang linya.

"Kamusta ang misyon natin? Umuusad naman ba?" Tanong ko.

"Wag ka mag alala 'coz, sumasakay sya sa bawat laro ko. Sisiguraduhin ko na magbabayad sya sa lahat ng kasalanan nya. Sa ginawa nya kay tita, at sa pagpatay nya sa tatay ko para lang maangkin nya ang ari arian namin" sagot nya.

Sumosobra na sya. Gusto na ata nyang maangkin ang buong mundo at lahat ng pag aari ng iba ay kinukuha nya. Kayamanan man ito o kaluluwa.

Hindi ko makakalimutan ang ginawa nyang pananakot sakin para lang layuan ang lalaking mahal ko.

Tinakot nya ko na papatayin nya ang ama ko kapalit ng buhay ng lalaking mahal ko. Kaya labag man sa kalooban ko ay hiniwalayan ko ang lalaking mahal ko para sa kaligtasan nya.

Lumayo ako at nag ibang bansa. Pero sadyang maitim ang budhi ng lalaking yun at hindi pa sya nakuntento. Alam nyang isa si mom sa kalaban ng kanyang kinikilalang ama sa kompanya. Alam nya din na maraming koneksyon sa mayayamang pamilya ang aking ina. Kaya pinapatay nya ito ng walang kalaban laban.

Walang natira sakin si mom kundi ang isang rose gold na baril na hindi ko alam kung bakit meron syang ganto.

Pero isa lang ang pumasok sa isip ko.

"Ipaghihiganti kita mom. Babawiin ko ang lahat ng pinaghirapan mo"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon