EPILOGUE

3.9K 98 54
                                    


◇OUR ENDLESS REALITY END◇

Iba iba ang ating mga storya, pero isa lang ang pagkakapareho. Walang katapusan ang kwento natin, Marahil ang iba ay simula pa lang.

Bawat storya ng buhay ay masasalamin ang katangian ng bawat isa. Sa aming storya ay nakilala niyo kami pa isa-isa, bawat detalye, bawat pinagdaanan, bawat nararamdaman, bawat itsura, bawat pagkatao.

Isa lang ang pinahihiwatig ng aming mga kwento... Puso... Pag-ibig. May mga sarili kaming storya pero pagmamahal lang ang dahilan. Kung bakit kami masaya, kung bakit kami may problema, kung bakit kami nasasaktan, kung bakit kami umaasa.

Sa walang katapusan naming mga kwento, sanay may mga natutunan kayo base sa mga pinagdaanan namin. Mahaba, alam kong mahaba ang bawat kabanata ng aming kwento, Pero Walang Katapusang Realidad itong kwento, sa ating Realidad mahaba talaga ang pagdadaanan mo. 

Sanay inyong tunghayan ang panibagong storya ng aming kwento. Hindi pa ito ang katapusan, marami pa tayong pagdadaanan, totoo nga kayang may Walang Hanggan sa storya namin? Realidad na ba talaga ng mga buhay namin ang tinatahak nito?

Live Endless, Face your Reality.
Be Endless, Accept your Reality.
Endless with Reality as Always will be.

|ENDLESS REALITY|
[05/06/2019]

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα