Endless~[03]

4.9K 104 8
                                    


SHE'S BACK


Dahlia's(Lia) POV,

Nasa school ako ngayon, syempre pasukan na ano pa nga bang bago?

3rd year collage na kami nila Hazelle, Melanie, at Pauline. Si Elyzza, labag man sa kalooban nya na tumigil sa pag aaral ay kailangan dahil sa maselan nyang pagbubuntis. Tsaka kabuwanan naman na nya kaya makakahabol pa sya samin.

Mabuti nga at patapos na kami ng 2nd year collage nung nabuntis sya kung hindi ay dalawang taon ang hahabulin niya. Kaya siniwerte pa sya at nairaos nya ang 2nd year collage.

Kung akala nyo ay magkaklase kami nila Hazelle ay nagkakamali kayo. Magkakaiba ang kurso na mga kinuha namin. Syempre magkakaibigan kami pero iba iba ang hilig namin.

Ako ay Arts & Design ang kinuha kong kurso. Yup i'm interested in arts, kagulat noh?

Si Hazelle naman ay Business and Management ang kursong kinuha. Balak nya daw mag negosyo. Tsk, o gusto nya lang kaparehas ng kurso si Dylan?

Si Melanie naman ay Fashion Design ang kinuhang kurso. Mahilig daw kasi sya mag design ng sarili nyang damit.

Si Pauline ay Music naman ang piniling kurso. Pero dahil pinagpalad ng dakilang katalinuhan ang babaita, napili syang exchange student sa New York, kaya kung hinahanap nyo ang babaeng yun ngayon? Wala po sya dito nasa New York at isa naring dakilang Model ng isang sikat na beauty products ngayon sa buong amerika.

Akalain nyo yun? Ang kilala naming tahimik at walang ka interes interes sa Modeling ay sikat na ngayon?

Habang naglalakad ako papunta sa klase ko ay may bigla akong aksidenteng naka bungo ng isang babae.

"Nako miss pasensya na" agad kong sabi sakanya. Napatitig naman ako sa babae, maganda sya. Ash blonde ang kulay ng buhok nya at nakakulot ang dulo nito. Nakasuot sya ng isang fitted na sleeve less dress na kulay pula ang kulay. Ipares mo na don ang napaka taas nyang high heels na kulay silver ang kulay.

Base sa itsura nya, mukhang nanggaling sya sa isang mayaman na pamilya.

Nginitian naman nya ko at humakbang ng ilang hakbang para mas makalapit sakin.

"It's ok miss. Pero next time, mag iingat ka na. Baka hindi mo alam, naaagawan ka na pala" aniya bago ako tinalikuran at naglakad palayo.

Anong ibig nyang sabihin?

***

"Oh Lia tapos na klase mo?" Biglang bungad sakin ni Elyzza. Ngumiti naman ako sakanya at tumango.

"Lia, Elyzza magkasama pala kayo. Mukhang sabay tayo ng recess ngayon ah?" Sabi naman bigla ni Hazelle.

"Buti pala hindi pumasok yung prof namin ngayon" sabi naman bigla ni Melanie.

"Halina kayo. Minsan lang tayo ulit magkasama sama eh. Dun tayo sa bagong bukas na cafe malapit lang dito sa school, libre ko" yaya ni Melanie.

"Wow Melanie anong meron sayo ngayon ha? Mukhang nag enjoy kayo ni Kyle sa anniversary nyo ah? Ano bang ginawa nyo?" Tanong sakanya ni Hazelle kaya agad namin napansin ang pamumula ng pisngi ni Melanie.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now