Endless~[24]

3.1K 102 0
                                    


◇STABBED HEARTS◇

Hazelle's POV,

Pag ka uwi ko ay dumaretso na ko sa kwarto ko. Nagulat ako ng maabutan ko si Ate Delaney na naka upo sa kama ko.

Agad syang ngumiti at tumayo mula sa pag kaka upo.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong nya.

Tumango naman ako at sinabayan sya sa pag upo sa gilid ng kama ko.

"Nabanggit kasi sakin ni Dylan na hindi mo daw sinasagot ang mga text at tawag nya. Alam ko hindi dapat ako ang nagtatanong sayo nito pero, may problema ba?" Tanong nya.

"Mahal mo ba talaga si Lincoln, Ate? O baka naman eto dapat ang itanong ko sayo. Minahal mo ba talaga si Lincoln? Kasi kung mahal mo sya, hindi mo dapat sya niloloko ng ganito diba?" Sagot ko at nakita ko naman na naguluhan sya sa sinabi ko.

"Anong klaseng tanong yan Hazelle? Mahal na mahal ko si Lincoln. At alam mo naman ang dahilan kung bakit ko ginawa ang bagay na yun diba? Hindi ko sya niloko, prinotektahan ko lang sya. Ano bang nangyayari sayo Hazelle? May naga-"

"Sinungaling ka! Sinungaling kayong dalawa! Mga manloloko kayo! Sige nga Ate, ipaliwanag mo sakin ang picture nyong dalawa ni Dylan na naghahalikan!? Bakit, bakit kayo naghahalikan? Parte parin ba yun ng plano nyong pagprotekta sakin ha!?" Sigaw ko at lumabas na ang luha sa mga mata ko.

"H..hazelle saan mo nakuha ang picture na yun? Maniwala ka sakin, mali ang iniisip mo. Nakaraan n-"

"Nakaraan!? Paano ako maniniwala sayo na nakaraan na yun kung alam kong palagi kayong magkasama ngayon!? Malay ko bang nilalandi mo parin pala ang boy-"

Nagulat ako ng malakas akong sinampal ni Ate Delaney.

"H..hindi ko sinasadya Hazelle. I..I'm sor-"

"S..sana hindi nalang kita nakilala. Sana, hindi nalang kita naging kapatid" ani ko at agad tumakbo palabas ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay napahinto ako ng bumungad sakin si Dylan at nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha nya ng makita nya ko.

"Hazelle, mag usa-" pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa" sagot ko at lalampasan na sana sya ng lakad pero agad nyang nahagip ang kamay ko.

"Ano ba talagang problema mo Hazelle? Bakit ka nagkakaganito?" Tanong nya.

"Bakit ako nagkakaganito? Wag mo na nga kong gawing t*nga dito Dylan, alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Alam mo naman siguro ang mga kalokohan na ginagawa mo sa tuwing wala ako sa tabi mo diba?" Sagot ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nya na parang naguguluhan.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Hazelle. Alam mo hindi kita magagawang lokohin ng ganon. Ano ba talagang rason mo? Kung nagseselos ka man sa amin ni Delaney ay wala ka dapat ikaselos tun-"

"Wala nga ba Dylan? Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa dahil mahal kita at kapatid ko ang kasama mo. Pero kung gaano kalaki yung tiwala ko sa inyo, doble yung naramdaman kong sakit ng malaman kong sinasaksak nyo na pala ako sa likod"

"Anong sinasaksak? Hazelle wala kaming nararamdaman para sa isa't isa! Kung anuman yung namagitan sa amin noon ay wala lang yun! Ang babaw ng dahilan mo para magselos ka ng ganito!" Tumataas na ang boses nya kaya mas lalo akong nainis.

"Mababaw!? Mababaw ba ang dahilan ko na nasasaktan ako ngayon dahil nakita ko lang naman sa isang picture na naghahalikan ang kapatid ko at ang boyfriend ko!? Mababaw pa ba na dahilan sayo yun!?"

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata nya pero nagulat din ako ng medyo natawa sya.

"Akala mo ba ako lang ang nanloko dito? Ako lang ang may ginagawang kalokohan? Wag ka ring umaktang parang Birhen Maria dito Hazelle, dahil alam mong sa simula palang, ikaw ang unang lumandi sa iba!" Agad ko syang nasampal matapos nyang sabihin ang mga salitang yon.

"Wala kang alam Dylan! Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?"

"Tama ka, wala nga kong alam. Wala akong alam na matagal mo na pala ako niloloko! Akala ko kilalang kilala na kita, pero mukhang mali ang pagkakakilala ko sayo" sagot nya.

"Hindi kita maintin-"

"Huwag mo ng itanggi Hazelle. Kitang kita mismo ng dalawang mata ko, hinalikan ka ni Lincoln sa school! Nung una hindi ko yon pinansin, pero p*tcha makikita ko nanaman kayong dalawa sa bar pa! Oo Hazelle nakita ko! Kitang kita ko kung paano mo sya hinalikan kagabi! Kaya kung ano man yang nalaman mo ngayon, hindi sapat na rason yan para saktan mo ko ng ganito! Kung tutuusin wala kang rason para gawin sakin ang lahat ng 'to, dahil ni minsan, hindi kita niloko"

Nagulat ako sa lahat ng sinabi nya. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin at sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakanya ang lahat, at kung paano ko sya mapapaniwala na isang pagkakamali at aksidente lang ang lahat ng nakita nya.

"Ano bang pagkukulang ko Hazelle? Ginagawa ko naman ang lahat para maging mabuting boyfriend sayo diba? Kaya kahit gaano pa ko mawalan ng oras na kasama ka ay tinitiis ko, masiguro ko lang na ligtas ka. Mahal na mahal kita Hazelle, at hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sayo. Akala mo ba madali sakin na nawawalan na tayo ng oras para sa isa't isa? Na kahit kating kati na ko na mayakap o mahalikan man lang kita hindi ko magawa?"

"G..ganon din naman ako sayo" sagot ko.

"Kaya nanghalik ka sa iba? Baka naman ka halikan lang talaga ang hinahanap mo hindi ako?" Muli ko syang nasampal dahil sa sinabi nya, kasabay ng pagsampal ko ay ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Oo inaamin ko, hinalikan nya ko sa school noon, pero lasing sya nung panahon na yon kaya ang tingin nya sakin ay ako si Ate Delaney, pero agad ko syang tinulak nun. At oo, hinalikan ko sya kagabi sa bar, pero aksidente lang yun at hindi ko yun sinasadya, dahil sa lasing din ako nung gabing yon at akala ko, ikaw ang nasa harap ko nung gabing yon! At kaya din ako naglasing kagabi dahil sa nakita kong picture nyong dalawa ni Ate Delaney na naghahalikan! Kaya ba palagi kayong magkasama hindi para mag usap, kundi para maglandian at ituloy ang naudlot nyong love story noon!?"

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong ni konting pagtingin kay Delaney!? Ikaw lang ang babaeng minahal ko Hazelle!"

"Ako ba talaga? Minsan kasi, may mga bagay na akala natin sila ang nagpapasaya satin. Yang puso mo ba Dylan? Ako ba talaga ang unang nagpatibok nyan? O nakikita mo lang sakin ang taong totoong nagpapatibok nyan. Maaaring palagi akong nasa isip mo, ako ang palaging hinahanap ng sistema mo, pero ibang tao pala ang hinahanap ng puso mo, ng buong pagkatao mo" sagot ko.





Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now