Endless~[30]

3.4K 99 0
                                    


◇ENDLESS LOVE◇


Hazelle's POV,

Nandito parin kami ni Melanie sa pinag tataguan namin. Kanina pa kami paulit ulit na nagdadasal sa Diyos na sana ligtas sila, na sana walang napahamak sakanila.

Napatayo kami pareho ni Mel ng marinig namin ang tumigil na sasakyan sa may tapat ng bahay na pinag tataguan namin.

Sumilip kami mula sa bintana at nakita namin ang pagbaba ng isang lalaki mula sa kotse.

Agad akong lumapit sa harap ng pintuan at agad sana itong bubuksan pero pinigilan ako ng gwardya.

"Ma'am, hindi po ka-" pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"Kilala ko sya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kaya pwede ba, palabasin nyo na ko dito?" Madiin kong sagot.

"Ma'am, sya naman po ang kusang papasok dito, hindi nyo na po kai-"

"Palalabasin mo ko, o ipa tatanggal ko na ang posisyon mo?" Banta ko sakanya kaya napakamot nalang ang gwardya sa batok at binuksan na ang naka kandadong pinto.

Agad akong lumabas ng bahay at nakita ko rin ang pagkagulat ng lalaking papasok na sana ng bahay ng makita ako.

"Bakit ka lum-" hindi ko na sya pinatapos at agad sinunggaban ang labi nya ng halik.

Agad naman nyang tinugon ang halik ko at nag gantihan kami ng halik hanggang sa maubusan na kami ng hangin.

Nagtama ang mga mata namin ng humiwalay ang mga labi namin.

"I'm not a perfect girlfriend. I've mistakenly hurt your heart. But I'm willing to cure all the wounds that I've left to your heart. I love you so much hon. Can you still let me prove that?" Ani ko at lumabas na ang mga luha sa mata ko.

Sinakop nya ang buong mukha ko gamit ang mga palad nya at pinunasan ang mga luha na lumalabas sa mata ko.

"Maybe your not a perfect girlfriend. I'm also not a perfect boyfriend. But I only know one thing that is perfect. I f*cking love the girl that wounded my heart. I love to be wounded by your love, Hon. Lets cure our wounded heart together, with our endless love to each other. I will love you. With our Endless Reality adventure" sagot nya na agad naka pag pangiti sakin.

Agad ko syang yinakap at naramdaman ko rin ang pagpulupot ng mga bisig nya sa katawan ko.

Muli nanaman sinubok ng pagsubok ang pagmamahalan naming dalawa. Pero gaya ng sabi nya, magmamahalan kami hanggang sa walang hanggan na realidad ng mundong ibabaw.

Sa mundong ito, merong walang hanggan na buhay. Meron din na walang hanggan na realidad. Nilikha ng Diyos ang mundong ito hindi para mamuhay tayo sa paraan lang na gusto natin. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan para mamuhay tayo sa realidad na takbo ng ating buhay. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan para gawin at mag desisyon sa kung anong gusto nating maging katapusan ng ating kwento. At ang Diyos ay palaging nandyan para gabayan at protektahan tayo, at magbigay aral sa lahat ng pagsubok na dumadaan sa atin.

Hanggat nabubuhay tayo, walang katapusan tayong mamumuhay sa realidad na kahihinatnan ng ating kapalaran.

At masaya akong mabubuhay sa walang katapusan na realidad na ito, kasama ang lalaking walang hanggang kong mamahalin. Walang katapusan ko syang mamahalin, habang buhay.

***

Isang linggo narin ang nakalipas, mula ng mangyari ang madugong trahedya sa Grand White Ball. Kumalot halos sa buong pilipinas ang nangyari sa celebrasyon dapat ng pagbibigay ng mga Hondeval ng shares sa unibersidad. Pero isang malaking kasiraan ang nangyari sa buong pamilya ng mga Hondeval dahil sa malaking gulo na ginawa nila.

Kahit ang tumulong kela Dylan na si Tito Peter ay naapektuhan dahil anak ng kapatid nya ang may gawa ng lahat, na plano din ni Tito Philip. Sa ngayon ay pinaghahanap narin ng mga pulis si Tito Philip, kailangan nyang pagbayaran ang lahat ng kasalanan nya.

Hanggat hindi pa namin sya nahuhuli, hindi parin kami pwedeng magpakampante. Dahil hindi biro ang isang Philip Hondeval. Kaya nyang pumatay ng kahit sinong tao, makuha lang ang gusto nya. Nagawa na nyang mapatay ang mga magulang ni Dylan para lang sa kayamanan na hinahangad nya. Alam namin na hindi rin sya magdadalawang isip na patayin ang isa samin, mabigyan nya lang ng hustisya ang anak nya.

Napatingin ako bigla sa pinto ng may kumatok dito. Bumungad sakin si Ate Delaney kaya malamya ko syang nginitian, sinuklian nya rin yon ng simpleng ngiti at tumabi ng upo sakin sa kama.

"Tapos ka na mag ayos ng gamit?" Tanong ko sakanya. Tumango naman sya.

"Konti lang naman ang dinala ko, hindi naman ako mag tatagal don. Kukuhanin ko lang si Lilith, namimiss ko narin sya" sagot ni Ate kaya tumango ako.

"Hazelle, kung sakaling magtanong si Lincoln tungkol sa nangyari sa Grand White Ball, sumagot ka nalang ng oo ha? Alam ko kasi, ikaw ang nasa isip nya na bumaril kay Felix. Ayok-" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Hanggang kailan ka ba magtatago sakanya Ate? Hindi naman pwede na habang buhay mo syang tataguan. Akala ko ba mahal mo sya? Bat hindi mo sya kayang harapin? Kung masaktan man kayo pareho, parte yun ng pagmamahalan nyo. Walang tao na hindi nasasaktan pagdating sa pagmamahal. Sa totoo lang Ate, ako ang nahihirapan sa inyong dalawa. Hindi mo ba na iisip, sa ginagawa mong 'to, sinasaktan mo nanaman sya, pinaniniwala mo nanaman sya sa isang kasinungalingan. Niloloko mo nanaman sya Ate. Walang tamang panahon sa pagtatapat ng pagmamahal Ate. Kung gusto mo talagang mag ka ayos kayong dalawa, gawin mo ang tama. Dahil karapatan ng mahal mo na malaman ang katotohanan" ani ko.

Nakita ko naman ang pagtungo ng ulo ni Ate, kasabay non ang pagpatak ng luha sa mata nya.

"Akala mo ba madali sakin ang lahat ng 'to Hazelle? Masakit para sakin na harap harapan nanamin tinititigan at nakikita ang isa't isa pero alam ko namang ibang tao ang nasa isip nyang kaharap nya. Sa tingin ko nga, unti unti na sya nahuhulog sayo. Sa totoo lang Hazelle, hindi ka mahirap mahalin. Kaya hindi na ko magtataka na posibleng magkagusto din sayo si Lincoln. Ano pa magagawa ko? Ako naman ang may gawa ng lahat ng 'to. P..pero, kung sakali man na sabihin ko na sakanya ang lahat, sana mapatawad at matanggap nya parin ako. Dahil lahat ng ginagawa ko, para sa pagmamahal ko sakanya. Mahal na mahal ko sya, handa akong kahumian nya ko sa lahat ng nagawa ko sakanya, ang mahalaga sakin ligtas sya at nakikita ko pa syang humihinga" aniya kaya yinakap ko sya ng mahigpit.

Hanga ako sa laking sakripisyo na ginawa ni Ate Delaney. Huwag ka mag alala Ate, tutulungan ko kayo mag ka usap muli.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon