Endless~[50]

3.2K 110 1
                                    


◇LET GO◇

Melanie's POV,

Nandito ako ngayon sa apartment namin ni Kyle. Nag re review ako para sa mid terms namin.

Biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko yun kinuha at isang hindi ko kilalang numero ang tumatawag.

Agad namuo ang kaba sa dibdib ko at nag dalawang isip kung sasagutin ko ang tawag o hindi.

Malakas ang kutob ko na isa sa tauhan nila Dad ang tumatawag. Nanginginig ang kamay ko na linagay sa tenga ang cellphone ko.

"H..hello?"

"Melanie, sinasabi ko na nga ba at sasagutin mo ang tawag"

Boses ni Mom ang nasa kabilang linya.

"Ano pa ba kailangan nyo sakin!? Nakuha nyo na lahat ng kayamanan ng magulang ko diba? Kulang pa ba lahat 'yon? Nakiki usap ako, patahimikin nyo na ang buhay ko!" Sagot ko.

"Oo Melanie! Kulang na kulang pa! Dahil sa oras na magpakasal ka sa anak ni Mr. Madigan, tripleng pera ang makukuha namin, mas madami sa pera na nakuha namin sa magulang mo"

"Hinding hindi mangyayari yan! Kahit kelan hindi nyo ko maipapakasal sa lalaking 'yon! Si Kyle ang mahal ko at ang ka isa isang lalaki na pakakasalan ko" sagot ko.

"Kung nabibigyan kami ng pera ng pagmamahal nyo edi sana wala na tayong problema. Wala ka naman napapala sa lalaking yan kundi kasama mong magtago sa bahay ng daga dahil alam mong sa oras na mainip kami sayo, tapos ang buhay ng lalaking yan"

"Huwag na huwag nyo syang pakiki alaman. Labas si Kyle sa kademonyohan nyo. Gusto nyo kong magpakasal kay Rile? Sige, pagbibigyan ko kayo. Pero sa oras na galawin nyo si Kyle, wala kayong matatanggap ni kusing at dederetso kayo sa kulungan" banta ko.

"Ang lakas ng loob mo para pagbantaan ako ng ganito!"

"Tandaan mo, kung wala ako, sa basura kayo pupulutin ngayon. Kaya kung ayaw nyo na mangyari 'yon, huwag nyong gagalawin ang lalaking mahal ko" binaba ko na ang tawag pagtapos kong sabihin 'yon at bumuhos na ang luha sa mata ko.

Kyle, patawarin mo ko. Kung puro pahamak lang sa buhay mo ang binibigay ko sayo. Mahal na mahal kita, pero sadyang ayaw ng tadhana na magsama tayong dalawa.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad kong pinunasan ang luha sa mata ko.

"Melie nandito na ko. May dala akong hapunan natin" bungad nya sakin. Tinignan ko sya at nakita ko kung gaano kalaki ang ngiti sa labi nya.

How I wish I could see those smile forever.

Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Mukhang masarap nga yan. Ikaw talaga gumastos ka nanaman diba sabi ko magluluto ako" sabi ko.

Tinignan naman nya ko at nginitian ako ng nakakaloko at yinakap mula sa likod.
Palagi syang ganto maglambing sakin.
Hanggang kailan ko nalang kaya mararamdaman ang yakap nya?

"Ayokong napapagod ang misis ko. Gabi na tapos paglulutuin pa kita? Tsaka alam kong nag aaral ka para sa mid terms nyo kaya naisipan kong bumili nalang ng pagkain. Tsaka para saan pa na nag pa part time job ako kung hindi ko rin naman gagastusin para sa pangangailangan natin?" Sagot nya kaya bumuntong hininga ako at humarap sakanya at hinawakan ang pisngi nya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now