Endless~[41]

3.1K 126 10
                                    


◇ETERNITY LOVE◇



Hazelle's POV,

Bumuntong hininga ako habang naglalakad ako papunta sa condo ngayon ni Lincoln. Halos dalawang linggo narin ang lumipas matapos ang masalimuot na nangyari samin. Hanggang ngayon ay wala paring malay si Dylan, pero salamat sa Diyos at linipat na sya sa private room dahil medyo maayos na ang kondisyon nya.

Nakatayo na ko sa harap ng pinto ng condo ni Lincoln. Naisip ko syang puntahan at kamustahin. Alam kong sa lahat ng nangyari samin, alam kong mahirap para sakanya na tanggapin ang lahat.

Pinindot ko na ang doorbell at naghintay na buksan nya ang pinto. Pero nakaka ilang pindot at katok na ko ay hindi parin nagbubukas ang pinto. Sinubukan kong pihitin ang door knob at nagulat ako ng bukas ito.

Sumilip muna ko ng kaunti sa loob at tuluyan akong napapasok sa loob ng makita kung gaano kakalat ang buong paligid. Madami ring basag na kung ano anong babasagin at bote. Naglakad ako patungo sa kwarto nya. Dahan dahan akong pumasok sa loob at hindi nga ko nagkamali ng hula na nandoon sya. Tulad ng itsura sa labas ay magulo din ang buong paligid ng kwarto nya.

Natuon ng atensyon ko ang picture frame na nakapatong sa kama nya katabi nya. Kinuha ko ito at napa buntong hininga ako ng makitang picture nilang dalawa ni Ate Delaney ang litrato na 'yun.

Miss na nya talaga si Ate Delaney.

Ipinatong ko na ang picture frame sa bed side nya at ng maglalakad na ko palayo ay bigla nyang hinigit ang kamay ko, dahilan para mapahiga ako sa tabi nya.

"L..lincoln? Ang init mo? May sakit ka ba?" Agad kong sabi ng dumapo ang kamay ko sa leeg nya.

"Hmm..." yun lang ang narinig ko mula sakanya kaya umayos na ko ng upo at muli hinawakan ang noo at leeg nya.

Ang taas ng lagnat nya. Tumayo ako mula sa kama at agad dumaretso sa banyo nya. Saktong may nakita akong bimpo don at palanggana kaya agad ko yon pinuno ng tubig at bumalik agad kay Lincoln.

Binasa ko ang bimpo at pinunas yon sa katawan ni Lincoln. Ng matapos ko ma syang punasan ay kinumutan ko na ang katawan nya. Wala kasi syang damit pang itaas. Mabuti na rin siguro yun, hindi na ko mahihirapan na paltan sya ng damit. Mamaya ko nalang siguro sya pag bibihisin pag naggising na sya.

Ate Delaney ikaw dapat ang nag aalaga sa pasaway na 'to.

Pumunta muna ko sa kusina nya at naisipan na lutuan sya ng sopas. Habang linuluto ko ang sopas ay lininis ko narin ang buong paligid ng condo nya. Ng maluto ko na ang sopas ay sinalin ko yon sa isang tasa at linagay ko na ito sa tray. Kumuha narin ako ng isang basong tubig at buti may nakita rin akong gamot para ipainom sakanya.

Bumalik ako ulit sa kwarto nya at pinatong ko sa tabing lamesa ng kama nya ang tray na dala ko. Muli kong hinawakan ang noo nya at buti nabawasan ng konti ang init ng katawan nya.

"Lincoln, kumain ka muna para maka inom ka na ng gamot" sabi ko sakanya para maggising na ito.

"Ayoko..." aniya kaya napa irap nalang ako. Ang tigas din talaga ng ulo. Paano mo natiisan ang lalaking 'to Ate Delaney?

"Pag hindi ka bumangon syan, ipapamulto kita kay Ate Delaney" banta ko sakanya at nagulat naman ako ng agad syang bumangon.

"A..Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Iritado nyang tanong.

"Mamaya ka na magtanong, eto kumain ka muna tapos inumin mo itong gamot para bumaba ang lagnat mo" utos ko sakanya.

"Wala akong gana. Tsaka wala ak-" sinubo ko na sakanya ang kutsara na may sabaw ng sopas.

"Kakainin mo 'to sa ayaw at sa gusto mo. Tsaka anong wala akong sakit ka dyan? Hipuin mo nga sarili mo, nagliliyab na kaya sa init ang balat mo. Akala mo ba ayaw mo sa ospital? Bat mo pinababayaan ang sarili mo?" Sabi ko.

"Ano bang paki alam mo? Buhay ko 'to kaya wala kang karapatan na mangi alam" sagot nya.

"May paki alam ako kasi kapatid ako ng taong may dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Kaibigan mo ko Lincoln, nakalimutan mo na ba yon? Gaya ng sabi ko sayo noon, nandito lang ako palagi sa tabi mo sa tuwing kailangan mo ng dadamay sayo. Alam kong masakit, hanggang ngayon, hindi parin pumapasok ng buo sa sarili ko ang lahat ng nangyari. Pero anong magagawa natin? Nangyari na, hindi nanatin yon mababawi"

"Isipin mo rin ang nararamdaman ngayon ni Ate Delaney kung nakikita ka nyang nagkakaganyan. Malulungkot sya pag nakita nyang pinababayaan mo ang sarili mo. Maipaparamdam mo ang pagmamahal mo sakanya kung inaalagaan mo ang sarili mo. Na kahit wala na sya sa tabi mo, nararamdaman mo parin ang pagmamahal nya. Dahil alam mo na ayaw ka nyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan"

"Sana nga, ganoon kadali tanggapin ang lahat. Paano mo nagawang ganoon mo kabilis natanggap ang pagkawala nya? Sakin kasi, sariwang sariwa pa ang sakit. Hindi ko nga alam kung gagaling pa ang sugat na 'to" aniya.

"Maniwala ka't sa hindi, kahit ako hindi ko parin lubusan tanggap ang lahat. Masakit parin Lincoln. Pero pinipilit kong maging matapang at matatag para sa sarili ko, at para kay Dylan. Kailangan nya ang lakas ko ngayon, kailangan nya ang buong pagmamahal ko ngayon. Kaya hanggat sa makakaya ko, ibibigay ko ang lahat, mapagaan ko lang ang hirap na pinagdadaanan nya ngayon" sagot ko.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Alam kong matatag ka ring tao Lincoln. Sa panahon natin ngayon, mas lalo mong pagtibayin at patatagin ang loob mo. Hindi lang para sayo, para rin sakanya. Dahil yun ang pagmamahal na binigay nya sayo. Buong tapang nyang pinaglaban ang pagmamahalan nyo hanggang kamatayan. Buong tapang ka rin mamuhay ng masaya at patuloy mo damdamin ang pagmamahalan nyong dalawa, gamit ang mga ala ala na nabuo nyong dalawa, sa lahat ng panahon na magkasama kayo, masayang pinaparamdam ang pagmamahalan nyo sa isa't isa"

"Magkapatid talaga kayong dalawa" aniya kaya sabay kaming tumawa.
Pero napatigil ako sa pagtawa ng makita kong may tumutulo ng luha sa mata nya.

Hinawakan ko naman ang mukha nya at agad pinunasan ang luha sa mata nya nakita kong ikinagulat nya. Malamya ko syang nginitian.

"Huwag ka mawalan ng pag asa Lincoln. Patuloy mo syang mahalin at darating din ang tamang panahon na wala ng kahit anong pagsubok o trahedya ang makakapaghiwalay sa inyo" sabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya.

"Mamahalin ko sya, hanggang sa kabilang buhay naming dalawa"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now