Endless~[13]

3.7K 103 2
                                    


REVEALED SECRET

Hazelle's POV,

Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ng may biglang humablot ng kamay ko at sinandal ako sa pader.

"A..ano ba.... Lincoln?" Gulat kong saad.

Seryoso nya lang ako tinitignan na para bang kinakabisado ang bawat parte at ditalye ng mukha ko.

"Ba't kamukhang kamukha mo sya?" Bigla nyang tanong na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit mo ko iniwan? Ano bang meron sya na wala ako? Ano bang pagkukulang ko? Binigay ko naman lahat ng pagmamahal ko sayo diba?" Sunod sunod nyang tanong.

"L..lasing ka ba?" Tanong ko at matabang syang tumawa.

"I missed you, Boo" Bulong nya at nanlaki ang mata ko ng bigla nya kong halikan.

Malakas ko syang nasampal dahilan para mapadapa sya sa sahig.

"Bastos!" Sigaw ko sakanya at agad na naglakad sakanya palayo. Pero napahinto ako ng magsalita sya ulit.

"I'm sorry, Boo" Aniya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalayo na ko sa lugar na yun.

***

Felix POV,

"Mapagkakatiwalaan ba talaga yang pinsan mong yan? Sigurado ka bang makukuha natin ang mga ari arian ng mga magulang nila ng hindi ka nabibisto? Paano kung malaman nilang pinapa ikot mulang sila?" Tanong sakin ng aking ama. Hindi ko sya totoong ama, kinupkop lang nya ko at bilang kapalit non, susundin ko lahat ng gusto nya.

"Hindi nila ako mabibisto kung hindi ako magpapahuli. Malinis ako mag paikot ng tao" sagot ko.

*phone ring

"Excuse me, hinahanap na ko ng asawa ko" sagot ko at lumabas na sa opisina nya.

Pinakasalan ko na si Franzei. Isa rin ito sa utos ng ama ko sakin. Para makuha nya ang mga ari arian ng ama ni Franzei. Alam ko rin ang ginawa nyang pagpatay sa tatay nito. Hindi man ako sang ayon sa ginawa nyang yon ay wala akong magawa. Alam kong masasaktan si Franzei sa pagkamatay ng ama nya, at ayokong malaman nyang may kinalaman ako don.

Nagmaneho na ko papunta sa condo namin ni Franzei. Pagkarating ko ay bumungad agad sakin ang malaki at maganda nyang ngiti.

"Buti naman dumating ka. Naghanda ako-" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at agad syang hinalikan. Sinarado ko ang pinto at sinandal sya don habang patuloy na hinahalikan.

"Pagod ka noh?" Tanong nya habang pinapa ulanan ko na ng mga halik ang leeg nya at nagsimula ng gumalaw ang mga kamay ko sa hita nya.

"Oo, pagod na pagod. Bigyan mo naman ako ng pampagana" sagot ko sakanya at narinig ko ang halakhak nya.

"Sana sinabi mo na sakin kanina pa. Yung kwarto sana ang inayos ko hindi ang dining" sagot nya kaya napangisi ako at kinawit ang dalawang binti nya sa bewang ko.

***

Lincoln's POV,

"Lin, paano kung totoo talaga ang sinasabi nila?" Tanong sakin ni Khenz.

"Bigyan muna nila ako ng sapat na ebidensya, bago nila ako mapaniwala. Pero malinaw parin sakin na inahas nya sakin si Delaney. Kaya ngayon, aahasin ko rin sakanya ang babaeng yun" sagot ko.

"Sigurado ka bang gusto mo lang gumanti? O gusto mo talaga ang babaeng yun?" Tanong naman sakin ni Riley.

"Si Delaney lang ang babaeng minahal ko" mariin kong sagot.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now