Endless~[38]

3.2K 91 2
                                    


◇MY SHOOTING STAR◇

Delaney's POV,

"Hazelle?" Bukambibig ko ng tuluyan na kaming makarating sa asul na kwarto na tinutukoy ni Franzei.

Nakita namin sa loob ang isang babae na nakahiga sa isang metal na higaan habang ang mga kamay at paa nya ay nakakandado ng posas at ang katawan nya ay may nakapalibot na kadena. Sa may ulunan nya ay nakakabit ang bomba at nakikita namin ang unti unting pagbawas ng segundo ng orasan nito.

Ang pinto ay purong salamin din at kailangan ng pincode para mabuksan ito.

"Franzei alam mo ba ang pincode ng pinto?" Agad kong tanong.

"Hello Franzei? Naririnig mo ba kami?" Tanong ko muli pero wala na kong narinig na sagot.

"Hindi na abot ang signal dito" sagot ni Lincoln.

Sinubukan ko idial ang mga numero kung kailan ang birthday ni Philip at ni Felix. Pero hindi ito ang pincode ng pinto.

Kung ano ano ng numero ang dinial ko pero hindi ko parin mabuksan ang pinto. Pero may biglang pumasok sa isip ko na duda ko ay ito ang pincode na nilagay ni Philip.

Dinial ko ang birthday ng Nanay ni Hazelle at napangiti ako ng narinig ko na ang tunog ng pagbukas ng pinto.

Agad namin linapitan ang walang malay na katawan ni Hazelle. Nakita namin sa tabi nya ang dalawang button na sinasabi samin ni Franzei kanina, walang pinag ka iba ang dalawang button kaya agad napuno ng kaba ang dibdib ko. Pag maling button ang napindot ko, katapusan nanaming lahat.

Tinititigan ko ang dalawang button at sinubukan ko ng isipin kung alin sa dalawa ang pipindutin ko.

"You know Philip. He never did the right thing, he always do and will do the wrong thing. Think carefully Delaney, kung ang taong gumawa nito ay walang ginawang tama, anong button ang pipindutin mo? The right or the left?" Salita ni Lincoln.

"A..are you saying, that I should push the left one?" Tanong ko.

"Aray! Para saan yun!?" Sagot ko ng pinitik nya ko ng malakas sa noo.

"You don't have common sense. Malamang yung kanan dapat ang pindutin mo. Alam nyang iisipin natin na kaliwa ang pipindutin natin dahil nga sa lahat ng kasamaan na ginawa nya" sagot nya.

"S..sigurado ka ba?" Tanong ko.

"We don't have a choice to try and guess. Because if we don't, will all die. Even if we chose the wrong button, will also die together. So its worth to try than dying without trying" aniya.

Tinignan ko muli ang dalawang button na nasa harapan namin. Bumuntong hininga ako at dahan dahan ng linapit ang mga kamay ko at handa ng pindutin ang isa sa button. Nanginginig ang mga kamay ko habang linalapit ang mga kamay ko sa kanang button pero natigil ang panginginig na 'yon dahil may isang mainit na kamay ang hinawakan ang kamay ko.

Sabay naming pinindot ang button at napapikit nalang ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kung anong kasunod na mangyayari.

Pero dahan dahang napadilat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang isang malalambot na labi na lumapat sa labi ko. Ng makita ko ang mga nakapikit nyang mga mata, tuluyan kong muli pinikit ang mga mata ko, kasabay ng pagdaloy ng luha sa mata ko.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora