Endless~[15]

3.3K 104 2
                                    


◇UNEXPECTED MEET UP◇

Hazelle's POV,

Maaga ako nagising kaya napagdesisyonan ko na ako na ang magluto ng agahan.

Dumaretso ako sa kusina at nagsimula ng halungkatin ang ref. Kumuha ako ng hotdog, itlog, at natirang kanin, magsasanag ako.

"Kailangan mo ng tulong?"

"Ay kalabaw!" Sigaw ko.

Nagkatinginan kami pareho ng nanlalaki ang mata dahil pareho kaming nagulat. Sabay naman kaming natawa at umiling.

"Pasensya na, nagulat kita" aniya.

"Ayos lang, gusto mo bang tumulong?" Tanong ko.

"Yung madali lang gawin ah, baka kasi may masunog ako" aniya kaya natawa ako.

Nagsimula na kong magayat ng bawang. Pina init ko narin ang kawali na may mantika at sinalin na dun ang bawang.

"Pag nakita mong medyo brown na ang bawang, saka mo ilagay yung kanin. Tapos haluin mo lang ng haluin" paliwanag ko sakanya at tumango naman sya.

Kumuha ulit ako ng isang kawali para dun magluto ng hotdog. Nakita kong nilagay na nya ang kanin at hinalo yun ng hinalo. Mukhang madali naman syang matuto.

"Ayan luto na" aniya at kumuha na ng isang bowl at linagay dun ang sinangag na kanin.

"Gusto mo ikaw narin magluto ng itlog? Sa totoo lang madadali lang naman lutuin ang mga pagkain sa agahan" sabi ko.

"Alam ko rin naman yun. Pero mas maganda kung sa pinaka madali ako mag uumpisa diba?" Aniya kaya ngumiti ako at tumango.

Ng maluto na ang hotdog ay naglagay sya ulit ng mantika at maingat na binasag ang itlog at nilagay yun sa kawali.

Dalawang klase ng itlog ang ginawa nya, isang sunny side at isang scrambled.

"Wow, mukhang masarap ang luto ng mga anak ko ah?" Bungad samin ni papa kaya tumawa nalang kami.

Inihain nanamin ni Ate Delaney ang mga pagkain na pinagtulungan naming lutuin. Masasabi kong, malapit na kami sa isa't isa at marami narin akong alam tungkol sakanya.

"Nako, kailangan na pala natin mag grocery. Pa ihatid mo naman ako sa supermarket mamaya?" Sabi ni mama.

"Wag na po tita. Ako na po, sanay naman po ako mag grocery" biglang alok ni Ate Delaney.

"Sigurado ka?" Tanong ni mama at tumango ito.

"Palagi ko po kasi pinag gogrocery yung boyfriend ko non" pagkabanggit nya non ay biglang lumungkot ang mukha nya.

"May boyfriend ka na pala. Ano nama-" pinutol ko agad ang sasabihin ni papa.

"Sasamahan ko po sya. Gusto ko rin naman po lumabas ngayon" pag iiba ko ng usapan.

"Sige, masaya ako at mukhang nagkakasundo kayong magkapatid" komento ni papa kaya napangiti kami.

"Ibibigay ko nalang sa inyo ang listahan ng mga bibilhin" sabi ni mama.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя