OUR ENDLESS HAPPY ENDING

4K 118 1
                                    


◇HAZELLE~♡~DYLAN◇

Hazelle's POV,

Pagtapos maipaliwanag sa amin ni Franzei ang lahat ay naisipan nanamin na magpahinga at humiga muna sa kama. Si Ate Delaney ang katabi ko.

Habang nakahiga ako ay hindi ko parin maiwasan ang bukambibig sakin ni Dylan sa kwarto. Tama nga ba ang hula ko na sinabi niya? Baka naman nag iilusyon lang ako?

"Mahal kita..."

Agad naman ako napailing at napapikit at tinaklob sa mukha ko ang kumot. Hayst para akong kinukuryente habang naiisip ko ang sinabi niya. Mahigit isang buwan ko din hindi narinig mula sakanya ang salitang yun. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman ko na sobrang init nanaman nito, siguro pulang pula nanaman ang pisngi ko.

Inayos ko nalang ang paghiga ko at pinikit ang mata ko. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.

***

Isang oras kami nagpahinga at ngayon ay bumangon na kami para maligo.

"AHHH!"

Agad kami nagulat ng narinig namin ang sigaw ni Franzei.

"Ohh...Damn hot" rinig naming komento ni Riley. Agad naman siyang binato ng binato ni Franzei ng unan.

Nakatapis lang kasi si Franzei ng twalya sa katawan tapos biglang pumasok si Riley.

"F*ck you maniac!" Sigaw ni Franzei.

"Bakit kasi hindi nakakandado pinto niyo?.... F*ck woman stop it will you!?" Sagot ni Riley habang patuloy siyang binabato ng kung ano ni Franzei.

"T*ngina mo hindi ka ba marunong kumatok!?" Sagot naman ni Franzei.

"Okay huminahon ka Franzei, Rile please huwag mo dalhin hanggang dito ang kamanyakan mo. Leave before I let Franzei kick you out" pigil sakanila ni Melanie.

"Tsk fine sorry but for me to clarify, I'm not a maniac... I'm just appreciative" sabi ni Riley at kinindatan si Franzei bago lumabas ng kwarto namin.

"Appreciative? Maniac buff to me" bulong ni Franzei at pumasok ulit sa banyo para magbihis.

Napailing nalang kami at nagpatuloy sa pag aayos ng sarili. Mga alas otso narin ng gabi kaya hapunan na. Baka bukas na kami makapag swimming sa dagat.

Nang matapos na kami makapag ayos ay lumabas narin kami ng cabin namin at nakita namin ang buong BX5 at RV5 na nakatambay sa labas. Nakapag palit narin sila ng damit at isa lang ang masasabi ko sa mga suot nila...

Ang 'Hot nila tignan. Yung iba sakanila ay nakasando lang at shorts pero ang lakas na ng dating dahil sa maganda nilang pangangatawan. Ang iba naman ay nakasando sa loob at may suot na polo na hindi nakabutones, pinarisan nila ito ng shorts din. Ang iba naman ay naka beach polo lang pero tatlong butones ata ang bukas kaya kitang kita ang dibdib nila, shorts din ang suot nila pambaba.

Napansin din naman namin na natigilan sila ng makita nila kami.

Iba iba rin naman ang suot namin, ang iba ay naka summer dress lang pero medyo see through kaya may panloob. Yung iba naman ay naka shorts lang at crop top. Yung iba naman samin ay naka off shoulder at skirt na medyo see through din.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now