Endless~[60]

4.9K 134 89
                                    


SHOT OF DEATH?

Lincoln's POV,

"Mr. Hondeval, ang mabuti po siguro ay huwag na kayong sumama samin sa bayan na 'yon. Masyadong delikado at baka magalit samin ang Tatay niyo pag hinayaan namin kayong mapahamak" sabi ng pulis pero hindi ko siya pinakinggan.

"Huwag kayo mag alala, akong bahala sa Tatay ko. Sasama ako sa ayaw niyo at sa hindi. Ilang buwan na tayong naghahanap, ngayon at may posibilidad at may lead na tayo na nandon siya at buhay, ngayon pa ba ko hindi sasama?" Sagot ko kaya wala na silang nagawa at sumakay narin ako sa kotse nila.

Naka Graduate na ko nung isang linggo, hindi ko parin maiwasan na malungkot dahil hindi ko siya kasamang nakapag tapos ng pag aaral. Sabay na sana namin aabutin ang mga pangarap namin, pero eto ako ngayon hinahanap parin siya at paulit ulit na pinagdadasal na sana buhay pa siya. Na hindi isang malaking pagkakamali ang hinala naming lahat.

"Matarik po ang daan papasok sa bayan kaya hindi natin madadala ang kotse papasok don. Kailangan natin maglakad at maging alerto sa paligid natin. Kailangan hindi din nila tayo makita na may dalang armas at hindi nila tayo mahagilap. Mga myembro lang nila ng sindikato ang nakakapasok sa baryo kaya hindi talaga nila tayo papapasukin, ang magagawa lang natin ay pasimpleng makahanap ng lagusan papasok sa baryo nila" paliwanag ng pulis. Ako naman ay kinakabisado na ang bawat sulok at daan papunta sa bayan.

Ilang oras ang nakalipas ay tumigil ang kotse sa harap ng isang sira sirang hanging bridge na gawa sa kawayan. Sa ilalim nito ay isang malawak na ilog. Masasabi kong nasa ibabang parte na kami ng bangin dahil puro lupa at puno ang buong paligid.

Bumaba na kami ng kotse at siniguradong nakatago ng mabuti ang mga dala naming armas. Naglakad na kami sa hanging bridge, medyo hindi na matibay ang pag kakagawa nito kaya dahan dahan lang ang paglalakad namin.

Nakatawid na kami sa kabilang parte ng tulay at mas matarik at madamo ang parteng ito. Nagtyaga kaming daanan ang madamo at maputik na parte sa gitna ng daan hanggang sa matanaw ng mata namin ang hindi gaanong malawak na bayan. May nakatayong iilan na bahay na gawa sa kawayan. Agad kami naalerto ng marinig namin ang halakhak ng grupo ng mga sindikato sa loob ng isang kubo.

Pasimple kaming mas lumapit sa kubo at tahimik na pinakinggan ang pinag uusapan nila.

"Pinuno, balita ko ay may magandang binibini ang naligaw sa kabilang bayan. Mukhang galing Maynila kaya sariwang sariwa" rinig naming sabi ng isa.

"Pinuno, matagal tagal narin tayo hindi nakakatikim ng ganoong klaseng isda, baka naman pwede nating lambatin at ng mapag salo salohan natin diba?"

Sa hindi malamang dahilan ay nag iinit ang dugo ko sa lahat ng sinasabi nila.

"Malakas ang posibilidad na si Ms. Mendoza ang tinutukoy nila. Kailangan natin siya agad mahanap para hindi na siya mapagsamantalahan ng mga sindikato" bulong na sabi ng isang pulis kaya agad na kaming nag si kilos at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero napatigil kami sa paglalakad ng may humarang saming limang armadong lalaki. May mga hawak silang mga baril at ang iba ay may hawak na kutsilyo.

"Maari ba naming tanungin kung anong pakay niyo sa bayan namin, mga ginoo?" Tanong ng isang lalaki.

"Wala kaming balak na makipag away sa inyo, kailangan lang talaga naming daanan ang bayan niyo para makarating kami sa kabilang bayan" paliwanag ng pulis.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now