Endless~[54]

3.4K 93 3
                                    


◇HIS PAST◇

Hazelle's POV,

"Sir kailangan nyo po talagang inumin ang gamot niyo. Hindi po kayo gagaling kung hindi nyo po ito iinumin" rinig kong sabi sakanya ng nurse.

Ayaw na ayaw niya nga palang umiinom ng gamot.

"Sabi ng maayos naman ako. Hindi ko na kailangan ng gamot na yan" inis na sagot sakanya ni Dylan.

Napabuntong hininga ako at lumapit na sakanilang dalawa.

"Nurse ako ng bahala sakanya. Iwan mo nalang dyan ang gamot niya" sabi ko sa nurse at sinunod naman ng nurse ang sinabi ko at lumabas na ng kwarto.

"Mamili ka, iinumin mo ang gamot mo o hindi ka lalabas dito? Ma didischarge ka na dito mamaya tapos ang tigas pa ng ulo mo uminom ng gamot" sermon ko ulit sakanya.

"Nanay ba kita? Kanina mo pa ko sinesermonan ah? Hinding hindi mo ko mapapa inom ng gamot na yan" aniya.

"Sige hindi kita pipilitin. Sasabihin ko sa doktor mo na hindi ka muna lalabas dito dahil hindi ka umiinom ng gamot" sagot ko.

"I can pay my own discharge paper so don't bother" sagot niya.

"Your discharge paper is useless without your doctors signature" sagot ko naman kaya agad niya kong sinamaan ng tingin.

"Tsk, fine" tipid niyang sagot kaya palihim ako napangiti at inabot ko na sakanya ang gamot at baso ng tubig na mabilis naman niya ininom.

"Do you mind if I ask you questions?" Bigla niyang sabi kaya napatingin naman ako sakanya.

"Anong klaseng mga tanong ba?" Tanong ko.

"About my past. Your my girlfriend right? I'm assuming you know a lot about me" aniya kaya umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya.

"Siguro, mas maganda kung ikekwento ko ang tungkol sayo pag nandun na tayo sa harap ng mga magulang mo. Sa ngayon ang masasabi ko lang tungkol sayo, wala naman nagbago sa ugali mo, dahil ganyan ka naman talaga ka suplado nung una tayong nagkita... mula nung bata palang tayo" sagot ko.

"Anong klaseng boyfriend ba ko sayo?" Bigla niyang tanong ng hindi nakatingin sakin.

"Anong klase kang boyfriend? Masasabi ko na madali kang magselos, seloso ka pero I found it cute kaya iniintindi nalang kita sa tuwing magmamaktol ka ng selos mo" panimula ko kaya bigla naman siyang napatingin sakin. Pero bigla siyang pumikit at umiwas ulit ng tingin.

"Bukod sa seloso ka, your a very overprotective and conservative type of guy. Palagi mo ko hinahatid sundo sa school. Kung hindi mo naman ako mahatid sundo ay panay ang text at tawag mo sakin kung naka uwi na ba ko o nakarating na ko sa school. Your too conservative sa lahat ng damit na sususotin ko, ayaw na ayaw mo ko magsusuot na nagpapakita ng sobrang balat. I like that a lot about you" dagdag ko at napangiti ako ng maalala ko ang mga araw na ganun sya sakin.

May isang beses pa na halos sampung beses niya ko pinagpalit ng damit dahil nga sa masyado daw ako nagpapakita ng balat.

"But the best of all your personality... You always show your love to me. Pinaparamdam mo palagi sakin kung gaano mo ko kamahal. Alam ko sasabihin mo na nag iimbento lang ako ng kwento pero... I'm not Dylan. Ang pagpaparamdam at pagpapakita mo sakin ng pagmamahal mo ang kaisa isang bagay na minahal ko sayo bukod pa sa ibang bagay na nagustusan ko sayo. I didn't like you because of your physical features, I loved you because of who you are deep inside... at hanggang ngayon hindi nagbabago yun"

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now