Endless~[20]

3.5K 112 0
                                    


◇CHAINED HEARTS◇

Hazelle's POV,

Halos isang buwan narin ang nakalipas simula ng umalis si Lia dito sa pilipinas. Nung una ay nagulat kami sa biglaan nyang pag alis pero sinabi nya na dati pa ino offer sakanya ng school ang pagiging exchange student sa New York. Ayaw nya itong tanggapin dahil sa ayaw nyang mawalay sa mga magulang nya, at kay Kuya Evan.

Pero ng nalaman namin ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi na kami nagtaka. Kilala ko si Kuya Evan, hindi nya magagawang saktan ng ganoon si Lia. Sa ilang taon nilang pagsasama, ay nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Malaki ang pinagbago ni Kuya Evan simula ng umalis si Lia. Ang dating masigla at masiyahing tao na kilala namin noon, parang binaksakan na ng langit at lupa ang buong pagkatao nya.

Hindi ko na nasilayan ang ngiti sa mukha ni Kuya mula ng umalis ang babaeng mahal na mahal nya. Nag resign narin sya sa Mythx na naiintindihan naman nila Dylan at pinalipat nalang sya sa ibang kompanya.

"Hoy, bat nakabusangot yang mukha mo? Lalo ka tuloy pumapanget?" Biglang sabi sakin ni Lincoln kaya agad ko syang sinamaan ng tingin pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Edi panget pala ang mga tipo mo? Diba sabi mo kahawig ko si Delaney?" Sagot ko sakanya na nakita ko namang agad nagpabago ng awra nya.

"Kahawig ka lang nya, hindi ka nya kamukha" sagot nya.

"Parehas lang din yon noh. Kung alam mo lang talagang kapatid ko yung Delaney mo"  Pabulong kong sinabi yung huli kong salita.

"Anong sabi mo?" Agad nyang tanong kaya nanlaki agad ang mata ko.

"H..ha? Wala ang sabi ko mauna na ko. May klase pa ko" Pagpatay malisya ko.

"Dito kita hihintayin. Ako maghahatid sayo" aniya kaya umirap ako at naglakad na palayo.

"Totoo ba talagang sila na ni Lincoln? Anong nangyari sakanila ni Dylan?" Rinig kong sabi ng isang babaeng nadaanan ko kanina.

"Mukhang inosente, may tinatago naman palang kalandian sa katawan"

"Dalawang mortal na mag kaaway pa talaga ang nilandi nya? Gusto nya ba talagang magkapatayan pa ang dalawa para sakanya?"

Napapikit nalang ako at hindi nalang pinansin ang mga naririnig. Wala silang alam.

Habang patuloy lang ako sa paglalakad ay may bumanga ng balikat ko.

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo? Ang landi kasi ng mata mo kaya kung saan saan nakatingin" Iritado nyang sabi dahilan para mag init din ang dugo ko. Magtimpi ka lang Hazelle.

"Pasensya na miss ha? Pero ikaw kasi itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo, nanalamin ka kasi habang naglalakad" mahinahon kong sagot.

Totoo naman talaga ang sinabi ko, nanalamin naman talaga sya habang naglalagay pa ng lipstick sa labi, kaya mukha ng clown yung mukha nya dahil sa kapal ng make up nya.

Nakita ko naman na agad syang nairita sa sinabi ko.

"Alam mo ba na halos lahat ng babae sa school na 'to ay kinaiinisan ka? Hindi ka pa nakuntento kay Dylan at pati si Lincoln ngayon nilalandi mo? Sino na isusunod mo? Isa sa mga kaibigan nila? Oh baka naman may balak kang makakuha ng award na most polyamorous girl in the history of the philippines?" Sagot nya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now