I

8.3K 169 9
                                    

KABANATA I

Lanzer Silvana


Nandito na tayo sa Eyrie!”

Lahat kami napatingin sa labas kung nasaan ang malaking arko na gawa sa bato kung saan at nakasulat ang mga katagang “Welcome to the City of Eyrie”.

Luma na ito at nagpapatunay kung gaano katagal na ang bayan pero hanggang ngayon ay nakakapagtaka na kahit minsan ay hindi ko narinig ang tungkol dito.

Mula sa Maynila ay halos tatlong oras din ang naging biyahe namin papunta sa probinsiya na ito na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa.

Bakit kami dumayo sa lugar na’to? Simple lang, yun ay para makilala ang babaeng mapapangasawa ko. Nakatira sa lugar na ito ang isang lalaki na naging kaibigan ng tatay ko noon at nagligtas sa buhay niya.

“Lanzer, umayos ka mamaya ha. Mas maiging sa simula palang ay magkaigihan na kayo ng panganay na anak ng matalik kong kaibigan na si Ezequil.” bilin sa’kin ni dad.

“Oo na, alam mo bang pang isang daang beses mo ng sinasabi yan magmula ng umalis tayo ng Maynila kanina?”

“Pinapaalala ko lang sa’yo, pag hindi si Summer ang napangasawa mo ay wag ka ng umasang makukuha mo ang posisyon ko sa Empire Group.”

“Tsk, nandito na nga ako diba?”
Bata palang ako ay palagi akong pinapaalalahanan ni dad na nakatakda akong magpakasal sa anak ng taong nagligtas ng buhay niya na kahit sa litrato ay hindi ko pa nakikita.

Bilang panganay na anak at tagapag-mana ng Empire Group ay wala na siyang ibang ginawa kundi kontrolin ang buhay ko. Pero dahil sadyang totoo ang kasabihan na mas lalong pinipigilan ay mas lalong nag-aaklas ay palagi kong kinokontra ang mga gusto niya.

Marami akong naging nobya dahil gustong gusto ko ang inis sa mukha niya sa tuwing nagdadala ako ng babae sa bahay. Maging sa kursong kinuha ko ng kolehiyo ay sinalungat ko siya at imbes na kumuha ng business administration ay kumuha ako ng architecture, landscape architecture to be exact.

Bagama’t wala akong ibang ginawa kundi salungatin siya ay mayroong dalawang bagay na anumang gawin kong pag-aaklas ay wala akong kawala. Una ay ang pagiging tagapag-mana ng Empire Group at ang pangalawa ay pakasalan ang babaeng yun na ang tanging alam ko lang tunkol sa kanya ay nakatira siya sa malayong siyudad na ito.

“Kryz, wag mo na ngang pagalitan yang anak mo, hindi madali ang magpakasal sa isang taong hindi mo kilala kaya bigyan mo rin siya ng konsiderasyon.” saway sa kanya ni mama.

Hindi din gusto ni mama ang tungkol sa kasunduan na ito, unang-una dahil hindi din niya kilala ang kaibigan ni papa at ang babaeng mapapangasawa ko, pangalawa ay may ibang babae na gusto syang makatuluyan ko pero dahil si papa ang batas sa pamilya ay wala siyang magagawa.

“Ano kayang itsura ng mapapangasawa ni kuya?” tanong ng bunso kong kapatid na babae na si Suzzane.

“Malamang, isang pangkaraniwang probinsiyana na walang alam kundi magtanim sa bukid.” kumento naman ng pangatlo kong kapatid na si Kryzza.

May pangalawa pa akong kapatid na lalaki pero nawawala siya ngayon kaya hindi namin siya kasama.

Nasa isang van kaming pamilya na may kasamang isang driver at tatlong bodyguard. Sa unahan at likod namin ay may convoy din kaming dalawang van na tig-sampung bodyguard ang laman.

Hindi ordinaryong pamilya ang pamilya na mayroon ako, hindi pulitiko si dad pero isa siya sa pinaka-makapangyarihang negosyante dito sa Pilipinas at mayroon siyang private army.
Sa larangan ng negosyo at ekonomiya ng bansa ay walang hindi nakakakilala sa isang Kryz Silvana na mas kilala sa tawag na ‘Emperor’, para siyang isang mafia na lantad sa publiko at walang sinuman ang pwedeng sumalungat sa kanya. Kahit ang presidente pa ng bansa.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now