XVII

2K 86 1
                                    

KABANATA XVII

Realtalk

“ATE ganda!” bati sa akin ni Dahlia na naglalaro sa damuhan.

Nasa bandang likod ng mansiyon ang building na tinitirhan ng mga trabahador. Dahil hindi sila nagtatrabaho nitong mga nakaraang araw ay napaka-gulo ng lugar na yun. Nagkalat ang mga ito sa labas kaya pinagtinginan nila ako nang dumating.

Kung nakamamatay lang ang tingin ay siguradong kanina pa ako humandusay dito. Ang totoo ay balak ko pang patagalin ang pagdudusa nila, gusto kong malaman kung ilang araw ang kaya nilang tiisin nang nagugutom. Kaya lang ay marami pa akong ibang bagay na dapat pagtuunan ng atensiyon.

Para masimulan ko na rin ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga Silvana, idagdag pa ang misteryosong babae sa Jasmin room na laging nagpapadala ng bulaklak.

Kailangan ko munang maisaayos ang mansiyon na ito. Hindi ako mabait at palakaibigan, lalong hindi rin ako marunong makipag-plastikan. Pero hindi ibig sabihin nun ay wala akong nakakasundo.

Nasaan ang nanay mo?” tanong ko kay Delilah habang hinahaplos ang buhok nito.

Pawisan ito at mukhang kakagaling lang sa laro. Mukha naman siyang mag-isa lang na naglalaro dahil wala akong ibang nakikitang bata dito.

“Nasa loob po ng bahay, tara po pasok kayo!” inakay ako nito papasok sa isa sa mga apartment.

“Nay may bisita po tayo!” sigaw ng bata ng makapasok kami sa pinto.

“S-sinong?”

Natigilan si Delilah na galing sa ikalawang palapag ng bahay. Mukha siyang nangayayat at walang tulog, mukhang tinotoo talaga nila ang hunger strike.

“Anong ginagawa mo dito?” pagtataray nito.

Dahil mukhang wala naman siyang balak na i-welcome ako ng maayos, dumiretso na ako sa maliit na sofa para umupo.

“Obvious ba? Nandito ako para kausapin ka.” sabi ko na may mapaglarong ngiti. Namamayat ka ah, akalain mo yun, magandang diet pala ang hunger strike.”

“Bastos kang bata ka, paano ka ba pinalaki ng magulang mo ha?”

Parang nag-panting ang tenga ko sa narinig. Foul yun ah! Hindi ko napansin na naikuyom ko nalang ang kamao ko.

Kalma ka lang Summer! Think of happy thoughts!

Mabuting tao ang mga magulang ko Delilah. Pantay pantay ang tingin nila sa mga tao at hindi sila nanghuhusga ng mga bago palang nilang kakilala.” pinilit kong wag ipahalata sa kanya ang pagka-imbiyerna ko.

Salubong parin ang kilay na lumapit ito. “Dahlia anak, maglaro ka muna sa labas.”

Kumuha siya ng isang upuan at inusog ito sa harap ko bago umupo. Now I got her attention.

“Ngayon gusto kong malaman kung bakit ganun nalang ang galit niyo sa’kin? Wala naman akong ginagawa sa inyo.” tanong ko na nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.

Kapag ikaw ang naging empress aalilain mo kami at hindi bibigyan ng tamang benepisyo kagaya ng mga tauhan mo sa probinsiya. Mga tuso kayong mga Angeles at hindi maganda ang reputasyon ninyo sa pamamalakad.’

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now