VIII

2.1K 87 1
                                    

KABANATA VIII

“Tug of War”

“Totoo pala talaga ang balita… gising ka na.” sabi niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko siya sinagot at nakipagsukatan sa kanya ng tingin. Mula ulo hanggang paa ay nababalutan siya ng mamahaling palamuti. Pero dahil sa maamo niyang mukha ay nagmukha parin siyang mabait kung hindi magsasalita.

“Anong nangyayari dito?” baling nito sa matandang mayordoma.

“Pumasok sila sa pinagbabawal na lugar ng walang paalam Miss Monique.” sumbong ng mayordoma.

“Pasensiya na po,” singit ni Karla. “Gusto ko lang ipasyal si Miss Summer, hindi niya alam na pinagbabawal ang lugar na ‘to.”

“Sino ang nagsabing bawal pumasok sa lugar na ‘to? Kakausapin ko.” masyadong maikli ang pasensiya ko para makipag-usap pa sa dalawang ‘to. Baka mahampas ko sila ng kung ano.

“Si Tita Leticia parin ang may command sa lahat dito sa bahay at ako bilang pamangkin niya ang may responsibilidad na nasusunod ang lahat ng gusto niya dito sa mansiyon.”

Pamangkin? Ibig sabihin ay magpinsan sila ni Lanzer? Pero nuong unang araw ko palang siyang makita ay malinaw na sa’kin ang motibo niya. Ang maging asawa ng lalaking yun. Ano yun? Incest?

“Kung ganun sabihin mo sa’kin kung bakit bawal akong pumunta sa hardin na ‘to? Napabayaan na ang lugar na ‘to at sa hula ko ay wala din naman sa inyo ang may malasakit sa lugar na ‘to.”

“Basta! Yun ang utos ni Tita Leticia!”

Matigas ang batang ‘to ah. Tingnan natin kung hanggang kailan tatagal.’ narinig kong iniisip nang mayordoma na tahimik na nakangisi sa gilid.

Kakausapin ko si Lanzer.” sabi ko.
Maglalakad na sana ako palabas dahil wala din naman akong mapapala sa pakikipag-usap sa kanila kundi init ng uli pero nung lalagpasan ko na siya ay bigla niya akong hinila at tinulak pabalik.

“Ang tapang mo din eh noh. Kung ako sa’yo wag ka ng magsayang ng oras. Kaya ka lang naman pinapatuloy ni Lanzer dito ay dahil nagiguilty siya sa mga magulang mo dahil naaksidente ka ng dahil sa kaugnayan niyo sa pamilya niya. Pero ngayon na siya na ang namumuno, asa ka pang papakasalan ka talaga niya. Matuto kang lumugar.” wika niya.

Maikli lang ang pasensiya ko at said na talaga ito. Makikita ng babaeng ‘to ang sungay ng isang Summer Angeles.

“Alam mo wala naman talaga akong planong magtagal sa bahay na ‘to. Pero dahil naiinis ako sa tabas ng dila mo, parang gusto ko pang manatili. Nagugustuhan ko kasi siyang pagkairita sa mukha mo pag nakikita ako. Kaya ibabalandra ko sa harap mo itong mukhang ‘to hanggang sa malukot ng tuluyan yang maamo mong mukha.” ngisi ko sa kanya.

Nakita kong kumunot ng sobra ang nuo niya kaya mas ginanahan akong inisin siya. Pangako, pag-alis ko dito. Mas magmumukha ka pang matanda diyan sa kasama mo.”

~Pak

Pagkasabi nun ay isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Kahit sa Casa Angeles ay ni minsan walang nagtangkang saktan ang dulo ng daliri ko. Alam kasi nila kung anong kaya kong gawin.

“Ang hina naman ng sampal mo, halatang anak mayaman at di marunong magbanat ng buto. Hayaan mong ipatikim ko sa’yo ang sampal ng kamay ng araw araw nagbubungkal ng lupa.”

Naka-ambang na sana ang kamay ko at handa ng dumapo sa makinis niyang pisngi nang dumagundong ang isang ma-awtoridad na boses.

“Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?”

Pag-tingin ko sa may pintuan ay nakatayo nang puno ng awtoridad na si Lanzer. Nasa likod ang dalawa niyang alipores na palagi niyang kasama.

“Lan!” parang nagsusumbong na malanding sigaw nung Monique at pagkatapos ay tumakbo palapit sa lalaki.

Pinagsasabihan ko lang naman siya na ayaw ni Tita Leticia na may pumapasok sa lugar na ‘to. Hindi ko alam na magiging bayolente siya sa’kin. Pati si Manang Lucresia ay pinagsalitaan niya.” sumbong nito habang nakalingkis pa sa braso ni Lanzer.

Tiningnan niya naman ako na parang disappointed siya sa’kin. Hindi pa nga niya naririnig ang paliwanag ko ay nanghuhusga na kaagad. Bwisit!

“Mag-uusap tayo.” sabi niya ng may pagbabanta habang nakatingin sa’kin.

“Ayoko! Hindi ka din naman makikinig sa mga paliwanag ko eh!” sabi ko at tinabig siya sa balikat bago lampasan.

‘Nakakatakot.’ narinig ko pang sabay na iniisip nung dalawang alalay niya kaya tiningnan ko sila ng masama na sabay nilang kina-atras.

Mga buwisit! Kung pagtutulungan lang nila ako ay dapat hinayaan niya nalang akong manahimik sa Eyrie. Para tahimik ang buhay ko.

Padabog na nagdire-diretso ako pabalik sa loob ng bahay. Paakyat palang ako ng hagdan ng maramdaman kong may bumuhat sa’kin. Naamoy ko palang ang matapang niyang pabango ay alam ko na kung sino siya.

Ano ba! Bitawan mo nga ako Lanzer! Ano ba!”

Parang walang naririnig na binuhat niya ako paakyat sa ikalawang palapag. Binaba niya lang ako ng matapat kami sa isang pinto.

“Pasok, mag-uusap tayo.” ma-awtoridad niyang utos.

“Ano ba ang mahirap intindihin sa ayoko ku-“

Hinarang niya ang mga braso sa magkabilang gilid ko at ilang dangkal nalang ang mga mukha namin. Para akong kakapusin ng hininga ngayong sobrang lapit namin sa isa’t-isa.

Sigurado akong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag pinagpatuloy mo ang katigasan ng ulo mo.” seryoso niyang sabi habang titig na titig sa’kin ang nag-aalab niyang mga mata.

“Fine.”

Ako na ang unang sumuko at pumasok sa loob ng kwarto. Doon ay bumungad sa’kin ang isang mini office na napapaligiran ng mga libro. Medyo madilim sa lugar na yun dahil nakatabing ang makapal na kurtina sa buong pader na sa tingin ko ay kinalalagyan ng mga bintana. Sa kaliwang bahagi ay mayroong pintuan na bahagyang nakabukas kaya naaninag ko ang higaan na kulay abo. Sa tingin ko ay ito ang kwarto at opisina niya.

Napalingon ako ulit sa kanya na kakapasok lang ng pinto ng marinig ko ang pag lock nito. Bigla akong nagkaroon ng ‘di magandang kutob na pilit kong hindi ipahalata sa kanya.

“A-anong pag-uusapan natin?”

“Hindi mo dapat ginawa yun.” sabi niya na sa tingin ko ang tinutukoy ay ang nangyari sa greenhouse kanina.

Bakit? Sila naman ang nagsimula ah. Gusto ko lang na mapag-aabalahan dahil naiinip na ako dito sa bahay na ‘to. Napansin kong wala ng nag aalaga ng mga halaman dun kaya gusto kong ayusin yun.”

Umupo siya sa upuan at nahilot ang sentido, mukhang pinapasakit ko na ang ulo niya. Humanap ka ng ibang pagkakabalahan. Leave that place alone.”

“Ano namang mapag-aabalahan ko sa boring na bahay na ‘to?”

“Why don’t you take care of me.”

“Ikaw!? Ano ka baby?” maang ko.
“Excuse me, halaman lang ang alam kong alagaan. Bakit hindi ka nalang magpa-alaga dun sa Monique, tutal more than willing naman yun.”

“Bakit? Siya ba yung mapapangasawa ko?”

Natigilan ako saglit at pilit inabsorb sa utak ko yung sinabi niya.

“At sinong nagsabi na magpapakasal ako sa’yo?”

Nakakalimutan mo na yata, ang kasunduan ng mga magulang natin. Walang kahit na sino ang pwedeng bumali sa sinabi ng isang Silvana. Sa ayaw at sa gusto mo, you will be my bride.”

“Tsk, tingnan natin kung kaya mo ‘ko.”

Pinapangako ko, wala pang isang linggo ay pagsisisihan mo na dinala mo’ko sa pamamahay na ‘to.

“Walang kahit na sinong babae ang nakakawala sa isang Silvana, tandaan mo yan Summer.”  banta niya.

Unti-unti siyang lumapit hanggang wala na akong maatrasan. Napanuod ko na ang palabas na ‘to, kaya bago pa niya maiharang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at ma-corner ako sa isang gilid ay lumayo ako at lumigid sa likod niya.

“Talaga? Pwes dapat mo ding malaman na walang kahit na sino ang nagawang itali ang isang Summer Angeles. Makakagawa rin ako ng paraan para makaalis dito.”

Tumalikod na ako at handa ng lumabas nang muli siyang nagsalita.
“Ano bang gagawin ko sa’yo para manatili ka dito?”

Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ko, “Entertain me.”

###

###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now