II

3.2K 95 3
                                    

Kabanata II

Summer Alexis Angeles

Sosyal naman ng mga trabahador dito, naka dye pa talaga ang buhok.’

Tanga. Yun lang ang pumasok sa isip ko habang tinitingnan ang papalayong bulto ng lalaking dayuhan. Alam ko kung sino siya, pero siya wala man lang kaide-ideya.

Tinapos ko lang ang pagtatanim pagkatapos ay tumayo na. Bahala siyang masunog sa arawan dahil sa katangahan niya. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung mga tanga, tapos ang lalaking yun ang gustong ipakasal ni popsie sa’kin. Over my dead body!

“Miss Summer? Kanina pa kayo pinapahanap ng popsie ninyo.” habang pabalik ay nakasalubong ko si Nana Delly.

Nagkaproblema lang po ako sa farm pero pabalik na din ako.” sabi ko.

“Hindi niyo po ba nakita si Sir Lanzer? Pinapunta siya dito para sunduin ka.”

“Wala naman po akong nakitang ibang tao dito.” pagsisinungaling ko.

“Ganun ba?”

“Sige Nana, babalik lang po ako sa Rose Villa para maglinis ng katawan at pagkatapos ay sasaluhan ko na sila sa pananghalian.”

Mabuti pa nga, hindi maganda kung magpapakita ka ng ganyan ang itsura mo, nakakahiya sa mga bisita.”

Sa bandang likod at kaliwang bahagi ng Casa Angeles matatagpuan ang Rose Villa. Isa itong tatlong palapag na bahay na moderno ang desenyo at off limits sa lahat ng guests dahil ito ang bahay naming limang magkakapatid.

Quadruplets kaming unang sinilang ng momsie at sa kasamaang palad dahil likas akong mainipan ay nauna akong lumabas sa tiyan ng nanay ko nung pinanganak niya kami. 11:55 pm ako lumabas sa mundo habang ang tatlo ko pang kakambal na sina Winter, Spring at Autumn ay pinanganak sa pagitan ng 12:03 hanggang 12:15 am.

Tuloy, kahit quadruplets kami ay ako lang ang may naiibang birthday sa lahat. Buti nalang, after three years ay muling nanganak si mama ng healthy baby girl sa mismong birthday ko, si Sunny.

Sa harap ng Rose Villa ay may malawak na pool habang nasa gitna nito ang pathwalk papasok sa kabahayan.

Hindi lang ang labas nito ang modern dahil sa loob ay mayroong elevator ng magdadala sa’yo sa tatlong palapag ng bahay. Nasa unang palapag ang kusina, living at dining room. Sa ikalawang palapag ang kwarto ko katabi ng kay Sunny at Spring. Sa ikatlong palapag ay nandun naman ang kay Autumn at Winter.

Saglit lang akong naglinis ng sarili at nagpalit ng mas presentableng damit dahil paniguradong pagagalitan ako ng mga magulang ko kapag humarap ako na hindi mukhang tao. Naglagay din ako ng kaunting make-up bago lumabas at nagtungo sa garden kung saan sila nanananghalian.

Buti nalang pagdating ko ay wala pa ang lalaking yun. Paniguradong naghahanap parin yun sa tatlong hektaryang flower farm namin.

“Nandito na pala ang anak kong si Summer!” anunsiyo ni popsie ng makita ako. Apat na pares ng mapanghusgang mga mata ang humarap sa’kin.

‘Ito na ba ang panganay ni Ezequil? Napaka-ganda at mukhang anghel kagaya ni Vanya  pero palaban. Yan ang gusto ko.’ sa isip-isip ng matandang lalaki na sa tingin ko ay ang sinasabi ni popsie na kaibigan niya.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now