X

2.1K 79 0
                                    

KABANATA X

“The mark of an Emperor’s Wife”

Pirmahan mo.” utos niya.

Halos malukot na ang papeles na hawak ko sa higpit ng pagkakahawak ko. Seryoso ba ang lalaking ‘to. Gusto niya akong pumirma sa marriage certificate na to? Sa kabilang bahagi ng papel ay nakasulat na ang pangalan namin at pirma niya. Pirma ko nalang talaga ang kulang.

“Anong akala mo sa’kin? Batang paslit na ‘di marunong magbasa? Pag pinirmahan ko ‘to ay matatali ako sa’yo!”

“I thought umpisa lang ay malinaw na sa’yo na wala akong intensiyon na hayaan kang umalis. Gaano karaming beses ka mang tumanggi, iisa lang naman ang kalalabasan nito. You’re going to be my wife.”

“Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang A-YO-KO?”

Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa’kin. Tinukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ng kinauupuan ko at nilapit ang mukha sa’kin. Hindi ako nagpasindak at sinalubong ang seryoso niyang mga mata.

“Bakit ayaw mong magpakasal sa’kin? May naiwan ka bang lalaki sa Eyrie na gusto mong pakasalan?”

“Of course not!”

“Then tell me why is it that you don’t want to be my bride.”

Tinatanong pa ba yan? Pinalaki ang ng mga magulang ko na sinasabing ang mga taong nagmamahalan lang ang nagpapakasal. Hindi tayo yun.”

“You are living in a fairy tale, Angeles. Ang mga tao sa totoong mundo, nagpapakasal para sa sarili nilang benefits.”

“Pero-“

“I already gave my part of the bargain, its time you give yours.”

“Teka! Hindi ko naman alam na ito ang gusto mong kapalit eh.”

“Gusto mong isailalim sa pamamahala moa ng buong bahay ko pero ayaw mong magpakasal sa’kin? Sinong maniniwala sa’yo?”

“Excuse me! I said I was bored at kailangan ko ng mapaglilibangan. Hindi ko sinabing gusto kong maging asawa mo!”

Pipirmahan mo yan o gagawin ko ang isa pang paraan na alam ko para maging asawa ka at matali sa’kin?”

“A-anong ibig mong sabihin?”

Tiningnan niya ako ng nakakaloko bago hinagot ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Bastos na to!

Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng walang kahirap-hirap at pinasok sa isa pang kwarto kung nasaan ang kama niya. Parang sako ng bigas na binalibag nya ako sa higaan at kinubabawan.

Hindi ko maintindihan, ang bilis ng pintig ng lahat ng ugat ko sa katawan. Natatakot ba ako sa kanya, sa mga titig niyang may pagnanasa? Pero walang kinatatakutan ang isang Summer Angeles.

“Oo na! Pipirma na ako okay! Lumayo ka na sa’kin!” sigaw ko.

Tinulak ko siya at bumalik sa lamesa kung nasaan ang letseng marriage contract. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumuko ako sa isang tao na hindi miyembro ng pamilya ko. Bwisit! Nanalo ka ngayon Lanzer Silvana.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now