VI

2.3K 128 9
                                    

KABANATA VI

“AWAY FROM HOME”

“Miss Summer, kumain ka na para mas lumakas ka.” sabi nung babae na nagpakilalang Karla. Dinalhan niya ako ng pagkain dito sa kwarto. Medyo nakakatayo na ako pero mahina parin ang mga tuhod ko.

“Alam mo ba kung anong petsa na ngayon?”

Unang araw po ngayon ng Disyembre, 2018.” sabi niya.

‘Kung ganun ay tatlong taon na pala talaga ang nakakaraan.’ Hindi ako makapaniwalang tatlong taon akong nakahilata sa kama.

Napansin ko rin na iba na ang kulay ng buhok ko, kulay itim na ito ngayon. Siguro ay humaba na ang dati kong buhok na pina-dye ko ng orange. Nakakamiss din pala.

“Sino nga pala ang nag-gupit sa’kin?”

Napakamot siya ng ulo saglit. “A-ang totoo kasi niyan, naisip ko na mahihirapan ko na mahihirapan ka magpagupit pag-gising mo kaya naman palagi kitang ginugupitan. Pasensiya na po kung pinaki-alaman ko ang buhok niyo.”

“May malaking salamin ka ba diyan?”

“Oo naman po, sandali lang at kukunin ko.”

Umalis siya saglit at pagbalik ay may tulak-tulak nang malaking salamin na may gulong. Hindi yata uso dito ang maliit lang na salamin.

Halos di ko makilala ang sarili ko ng makita ko ito sa salamin, bahagyang namayat ang medyo chubby kong mukha at kulay itim na din na ang shoulder length na buhok ko.

Pero napansin ko na bagama’t namayat ay parang hindi naman napabayaan ang balat ko. Mas maganda pa nga ang kundisyon nito ngayon kesa noong araw-araw ako sa flower farm at nabibilad sa arawan.
‘Sana magustuhan niya ang ginawa ko sa kanya.’ narinig kong hiling niya sa isip.

“Ikaw ba ang nag-alaga sa’kin sa loob ng tatlong taon?” baling ko sa kanya.

“O-opo.”

“Salamat.”

Napakurap-kurap pa siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. May mali ba dun? Hindi ba uso sa bahay na ‘to ang salitang salamat? No wonder, napaka-bugnutin ng lalaking yun. Kulang siguro sa aruga.

“Wala yun Miss Summer! Isa pa ay naisip ko na kailangan maging maganda ka parin sa paggising mo para hindi ka malamangan ni-“ hindi niya tinapos ang sasabihin pero dahil naririnig ko ang iniisip niya ay narinig ko ang kasunod na pangalan na dapat ay babanggitin niya – Miss Monique.

Naalala ko ang pangalan na yun. Narinig ko na yun nung lamay nila Tito Kryz.

“At bakit naman hindi ako dapat magpatalo sa kanya?”

“Hay naku, alam niyo po kasi, halos araw-araw kung dumalaw yun dito kay Emperor, tapos ay pinangangalandakan pa na siya na daw ang susunod na reyna na para bang hindi ka na magigising.”

Pinabayaan ko nalang siyang magsalita, kung mag-isa siyang nag-alaga sa’kin dito ng tatlong taon ay malamang wala siyang gaanong kausap at maraming kinikimkim na hindi mailabas. Ganun si Sunny eh, bigla ko tuloy namiss ang Casa.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now