XLVI

1.9K 70 2
                                    


KABANATA XLVI

Her Death

“DITO niyo ilagay ang isang yan para maaliwalas diyan.” utos ko sa mga tauhan na kasalukuyang nag-aayos ng Jasmin Room.

Minamadali na namin ang pag aayos para makalipat na sa lalong madaling panahon sina Lola Mamay at Luna. Palagi kaming magkausap ng sister-in-law ko nitong mga nakaraang araw para malaman kung anong mga adjustment ang gusto niya sa kwarto. Sa katunayan ay pupunta siya mamaya para tingnan ang kwarto.

“Sa tingin mo masaya na si Lily dahil sa kwartong ‘to titira ang anak niya?” tanong ko kay Autumn. Wala akong paki-alam kung may ibang makarinig at iniisip nilang kinakausap ko ang sarili.

“Hindi pa din siya natatahimik, Summer. Paulit-ulit parin niyang sinasabi na protektahan mo ang anak niya.” sabi nito na nagpakunot ng nuo ko.

Bakit ganun? Hindi pa din natatahimik ang kaluluwa niya? Pero hindi ba’t malinaw na ang lahat? Kinuha ng El Diablo ang anak niya at si Lola Mamay ang nagligtas dito. Hindi kinaya ni Lily ang depression sa pag-aakalang patay na ang anak at sa panunulsol na rin ni Tita Leticia. Teka…

“May pupuntahan lang ako.” sabi ko, kung para yun kay Autumn o sa mga tauhan na nandun ay hindi ko alam.

Nagtungo ako sa ikalawang palapag at nagdire-diretso sa isang kwarto na kahit kailan ay hindi ko pinuntahan mula ng tumapak ako sa pamamahay na ‘to. Siguro nga tama ang kasabihan na first empression lasts, hindi naging maganda ang una at huling pagkikita namin kaya kahit kailan ay hindi ko naisip na kumustahin siya.

Sa mga nangyari, hindi din naman siya inosente. Siguro karma na nga niya ang pagiging comatose niya.

“Anong ginagawa mo dito?” bungad ni Lucresia ng pagbuksan ako ng pinto.

“Masama bang dalawin ko ang mother-in-law ko?” tanong ko sa kanya.

“Pag nagising siya at nalamang ikaw ang naging dahilan ng pagbagsak ng pamilya niya, paniguradong kamumuhian ka niya.”

Hindi ko pinansin ang matatalim na salita ng matanda at dumiretso sa loob ng kwarto. Sa gitna ay nakita ko ang malaking kama na kinahihigaan ng isang matandang babae. Nakapaligid sa kanya ang iba’t-ibang aparato.

Ang mukha niya ay walang pinagbago mula ng huli ko siyang nakita. Hindi ako makapaniwalang tatlong taon na ang nakalipas.

Sa totoo lang ay wala talaga akong balak na bisitahin siya kahit kailan, kahit pa sabihing naging mabuting ina siya kay Lanzer. Siya pa din ang dahilan kung bakit ito nawalan ng ina sa simula palang.

‘Ano bang ginagawa ng babaeng ‘to dito, hindi pa ba to aalis?’

“Grabe ka naman Manang Lucresia, gusto mo na ako agad paalisin dito?” baling ko sa mataray na matanda.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito! Hindi nakakabuti sa Señora na nandito ka!” bulyaw niya sakin.

“Wag kang mag-alala, aalis din ako. Gusto ko lang makita kung nagdudusa ba talaga siya.” sabi ko na nakatingin pa din sa ginang na natutulog.

“Sinisiguro ko lang na pinagbabayaran na niya ang kasalanan nya noon.”

“A-anong ibig mong sabihin?” nangingilabot na tanong ng mayordoma.

“Siya ang totoong pumatay kay Lilibeth Silvana kaya dapat lang na magdusa siya.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, pero nagulat siya hindi dahil si Tita Leticia ang pumatay kay Lily Silvana kundi dahil alam ko ang tungkol doon.

“P-paano mo-“

Hindi ko na siya pinatapos at lumabas na sa kwartong yun. Ayoko ng manatili sa loob, kahit pa sabihing sinulsulan niya lang si Lily para magpakamatay, nandun ang intention na patayin ito para sa pansarili niyang kapakanan. Yun ay ang makuha si Tito Kryz.

Akala ko tapos na ang lahat, pero pagkasaradong-pagkasarado ko ng pinto, nakarinig ako ng boses na nagpalamig sa buo kong katawan.

‘Hay salamat umalis na din ang demonyitang babaeng yun! Paano niya nalaman ang tungkol kay Lily?’

‘Hindi ko alam, señora. Pero kailangan niyo na pong umalis, bago pa magsumbong ang babaeng yun.’

Nang marinig ko yun ay sobrang nag-init ang ulo ko. Gustong-gusto kong bumalik sa loob at sumugod. Pero naisip ko si Lanzer at kung ano ang gagawin niya kung siya ang nasa kalagayan ko.

Magaan ang yabag na umalis ako sa harap at nagtungo sa grand staircase papunta sa unang palapag. Natagpuan ko ang sarili ko sa garahe, may isang tao akong dapat na kausapin bago ang lahat.

“Miss Summer, saan ho ninyo gustong pumunta?” tanong ni Mang Gregorio. “Ipapahanda ko ho ang sasakyan, pasasamahan ko din kayo sa dalawang body guards.”

Hindi na ganun ka-higpit si Lanzer kaya naman nakakapunta na ako sa mga lugar. Dalawang bodyguards ang sumama sa’kin na parehong sumakay sa harap ng isang itim na Toyota Avanza, pansin ko lang. Kulay itim ang lahat ng sasakyan sa garahe, pinapanindigan talaga nila ang pagiging goons.

“Saan ka pupunta, Summer?” tanong ni Autumn na tumabi din sakin sa back seat.

“May kakausapin lang ako, bantayan mo ang babaeng yun. Gusto kong malaman ang pinaplano niya. Kung magbalak siyang tumakas ay sabihan mo kaagad ako.” sinadya kong ilagay ang cellphone sa gilid ng tenga ko para hindi magtaka yung dalawang body guards kung bakit nagsasalita ng mag-isa dito.

“Basta, mag-iingat ka parin ha. Hindi parin nawawala ang itim na anino na palaging nakasunod sayo. Nasa panganib parin ang buhay mo.”

Bigla namang naglaho si Autumn pagkasabi  nun. Malamang ay bumalik na sa loob ng mansiyon.

Sabi nila, masamang pangitain daw kapag may itim na aninong sumusuno sayo. Ibig sabihin daw nun ay sinusundan ka ng kamatayan. Kung noon ay hindi ako matatakot, even death doesn’t scare me. Pero iba pala kapag may mga tao kang gusto pang makasama. Agad kong pinaalis ang isipin na yun sa utak ko. Now is not the time para maduwag ako, kailangan ni Lily ng tulong ko. Once and for all, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya.

Hindi naman gaanong nagtanong ang dalawang body guards na kasama ko nang magpahatid ako sa Bilibid, sinamahan din nila ako sa loob na parang alam kung sino ang pakay ko dun.

Dun ko nakita kung gaano kalaki ang impluwensiya ng Empire Group, wala pang kinse minutos ay nasa isang private room na ako naka-upo sa isang magarang opisina na sa tingin ko ay opisina ng jail warden.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Eugene Boris. Hawak ito ng dalawang jail guard sa magkabilang braso habang naka-posas sa likod. Alam siguro ng mga ito na pag may nangyaring masama sakin ay sila ang mananagot.

Pina-upo nila ito sa harap ko, agad namang nanlisik ang mga mata nito ng makita ang maganda kong mukha. Para bang ako na ang pinaka kasuklam-suklam na tao sa mundo. Siguro nga, nasira ko ang mga plano niya eh.

“Hi Uncle Boris!” bati ko.

“Pwe! Wag na wag mo akong tatawagin na ganyan, hindi kita ka-ano ano!” bulyaw nito dahilan para hampasin siya sa isang batok ng isa sa mga jail guard na may hawak sa kanya.

“Wag ka namang ganyan Uncle Boris, nandito lang naman ako para dumalaw sayo.”

“Kung nandito ka para siguraduhin ang paghihirap ko pwes magpakasaya ka! Pero wag na wag mong idadamay ang anak ko sa labas. Hindi siya threat sayo!”

Kahit papaano ay nakukuha pa din ng matandang ‘to ang simpatya ko, kasi kahit gaano siya kasama, ramdam ko kung gaano niya mahal si Monique.

“Hindi yan ang pinunta ko dito, Uncle Boris. Nandito ako dahil may gusto akong itanong sayo. Tungkol sa babaeng sinabi mong mahal mo?”

Bigla siyang natigilan sa tanong ko. Nakakita ako ng takot sa mata niya habang paulit-ulit na dinadalangin na sana wag kong malaman ang totoo. I knew it, that moment alam kong tama nga ang sinasabi ng instinct ko.

Sinabi niyang inagaw ni Tito Kryz ang babaeng mahal niya, automatically ay iisipin ko nga namang si Lily ang tinutukoy niya. But then, things don’t make sense.

Pero kung titingnan ko ang isa pang anggulo, that’s when things started to fit again.

“Mahirap ba Uncle Boris? Mahirap bang mahalin bilang isang babae ang sarili mong kapatid?”

Napatanga siya sa sinabi ko. Dahil sa reaksiyon niya ay sigurado na ako. Ang babaeng mahal niya… walang iba kundi si Leticia Boris-Silvana, ang nakababata niyang kapatid.

He started to tear up, dun ko nakita kung gaano naging miserable ang buhay niya. Hindi ko din siya masisi kung bakit siya naging ganyan. Pero hindi rason yun para manakit siya ng ibang tao, much worse, nawalan ng pamilya si Lanzer dahil sa kanya.

“Wag mo siyang i-damay dito, atleast siya man lang ay mabuhay ng malaya sa paggising niya. Sobra sobra na ang naging pagdurusa niya sa piling ng gagong yun.” paki-usap nito.

Hindi niya alam?

“Kung ganun mo siya kamahal? Bakit mo tinuloy ang ambush sa pamilya Silvana kahit na nasa loob siya ng sasakyan na yun?” tanong ko.

“Hindi ko alam!” nagsimula siyang magbreak-down. “Ang sabi niya ay sila Kryz at Lanzer lang ang pupunta! Hindi dapat sila nadamay ng mga anak niyang sina Suzzane at Kryzza!”

Imposible, parang kahapon lang nangyari ang lahat ng yun sa memorya ko. Planado talaga na pumunta ang buong pamilya sa Casa Angeles ng araw na yun. Hindi biglaan na nandun sila. Isang bagay ang narealize ko, alam ni Tita Leticia na maaambush sila ng araw na yun. Pero bakit wala siyang ginawa?

Hanggang sa makaalis sa lugar na yun ay magulo parin ang utak ko. Kaya ako nagpunta sa lugar na yun para maliwanagan. Pero mas lalo pa ata akong naguluhan pagkatapos makausap ang lalaking yun.

Gabi na ng makarating kami sa Silvana Mansion. Nagtaka pa ako dahil sobrang dilim sa labas pagdating namin sa tapat ng gate.

“Gaspar, bakit ang dilim?” sagot ng isa sa mga kasama kong body guard sa guwardiya na nakatalaga sa may gate ng mansiyon.

“Nagkaroon yata ng power outage, nagka circuit break pa yung generator. Pero wag po kayong mag-alala, inaayos na nung mga technician.” anito.

Siya namang biglang sulpot ni Autumn sa tabi ko. Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

“Summer, madali ka! Kinuha ni Leticia si Luna!” naaalarmang sabi nito.

Si Luna? Oo nga pala, nagsabi siyang darating siya. Hindi maaari!

Nasaan sila?” tanong ko.

“Yung kotseng dumaan sa likod niyo kanina, sa likod sila dumaan at umikot. Pinatulog nila si Luna kaya wala siyang malay ngayon.”

Pisti! Hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Luna, siya nalang ang pamilya na natitira kay Lanzer kung nagkataon.

Ibalik niyo yung kotse!” sigaw ko.

“Madam?” nagtatakang tumingin sakin yung dalawa. Wala na akong oras magpaliwanag pa sa kanila.

Hindi na ako nag-isip at agad na bumaba ng kotse ng may mahagip na papalapit na taxi, nasa bukana palang naman kami ng gate papasok sa mansiyon.

“Manong! Diretso lang!” sabi ko at agad na pinaandar ang taxi na hindi pa talaga tuluyang nakakahinto.

Wala ng nagawa ang mga body guards ko ng makaalis kami.

“Sigurado kang iiwan mo sila dun? Wala kang ibang kasama, Summer.” komento ni Autumn na nakasakay na din sa tabi ko. Advantage ng pagiging multo.

“Hayaan mo nalang silang sumunod. Kailangan nating mahabol yung sasakyan nila, baka kung anong gawin nila kay Luna.” sabi ko.

Buti nalang ay palagi akong girl’s scout, kinapa ko ang revolver na nasa ilalim ng suot kong pantalon.

“Yung kotseng yun Summer!” turo ni Autumn sa isang puting Audi ng makarating kami sa highway.

“Manong! Sundan niyo yung kotse na yun!” utos ko sa driver.

Maya-maya lang ay nakita kong umilaw ang cellphone ko. Tumatawag si Lanzer kaya agad kong sinagot yun.

Nasaan ka, Summer?” bungad niya.

“Makinig ka, nakidnap si Luna. Sinusundan ko ngayon yung sasakyan na kumuha sa kanya.” sabi ko.

“What? You know it’s very dangerous!”  narinig ko kaagad ang paghuhurumintado nito sa kabilang linya.

“Kailangan kong makita kung saan nila dadalhin ang kapatid mo, baka mapahamak siya!” sabi ko.

“Okay, pero kahit na anong mangyari wag mong papatayin ang cellphone mo. Keep your gps open, ipapahanap ko kayo sa mga tauhan ko.”

“Thank you,” sabi ko.

“Be careful okay?”

“I love you,” nasabi ko at biglang pinatay ang tawag.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong sinabi yun sa pagkakataon na yun. Siguro in case na hindi ko na masabi ang mga kataga na yun ng harapan.

Inabot kami ng tatlong oras kakasunod sa kotse. Maka-ilang beses pang nagreklamo yung taxi dahil ang layo na namin sa city. Kundi ko lang siya binayaran ng sampung libo ay hindi pa siya matatahimik.

Hanggang sa nakarating kami sa isang liblib na lakehouse sa bandang Binangonan, Rizal. Nag-iisang lumang bahay lang ang meron dun na nakatayo sa gilid ng lawa at napapaligiran ng gubat.

Sigurado kayo ma’am? Mukhang salvage area na ho ito eh.”

“Sige na manong, dito nalang ako.” sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

Bago pa ako makalingon ulit ay naka-alis na yung taxi. Mukhang matatakutin din ang isang yun. Liblib na din kasi yung nadaanan namin kanina habang papunta dito.

Nanatili lang ang distansiya ko sa bahay at pinagmasdan ito. Kinuha ko ang cellphone at sinubukang tumawag kay Lanzer kaya lang ay walang signal.

Dahil nakapokus sa paghahanap ng signal ay hindi ko napansin ang tao na palapit mula sa likod ko. Hanggang sa may naramdaman akong kung ano na tumusok sa tagiliran ko kasunod ng paglabas ng dugo mula doon.

“Summer!” nadinig ko pa ang sigaw ni Autumn bago ako natumba sa maputik na lupa.

Bago tuluyang lumabo ang paningin ko ay nakita ko pa ang itsura ng taong sumaksak sakin. Walang iba kundi si Tita Leticia.

Biglang nawala ang ingay sa paligid, pakiramdam ko ay nabibingi ako. Ang tanging naririnig ko lang ay ang nakakakilabot ng halakhak niya.

###

 ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now