XXVII

2K 91 4
                                    

KABANATA XXVII

Unexpectedly

TATLONG araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na mula ng umalis ako sa Silvana Mansion. Madali kong nabaling sa iba ang atensyon ko at ‘di naman ako nahirapan dahil maraming kailangang gawin sa farm idagdag pa ang mga gawain sa buong Casa.

Katunayan ay kagagaling ko lang ngayon sa munisipyo para sa meeting ng tourism council kung saan kabilang ang Casa Angeles bilang isa sa malaking supplier ng mga local produce. Dahil sa hotel ay isa din kami sa pinaka-malakas humatak ng mga turista, though lingid sa kaalaman ng lahat na hindi bukas ang hotel para sa mga nabubuhay. Ang alam lang ng iba ay exclusive ang hotel at hindi makakapasok ang mga walang personal na invitation galing sa may-ari.

Ang agenda ng meeting ay ang pagpasok ng isang malaking lumber company dito sa bayan. Siyempre isa ako sa mga tutol, nangangahulugan din kasi yun ng malawakang pagputol sa mga puno. Mga illegal loggers pa nga lang ay hirap na hirap na silang sugpuin.

Pero ang gahamang Mayor ng bayan na ‘to, mukhang nasuhulan na ng lintik na kumpanya na yun. Siyempre, as hot headed as I am, nakipagtalo ako sa tangang mayor, at ang resulta pinalabas ako sa meeting.

Lintik!” inis na nahampas ko ang manibela ng minamaneho kong Jeepney wrangler. Nagmamaneho na ako ngayon pabalik sa Casa Angeles pero hindi parin nawawala ang init ng ulo ko sa nangyari kanina.

“Sorry baby, hindi ko sinasadya.” hinimas himas ko naman ang manibela nung medyo kumalma. Ito ang paborito kong sasakyan, talagang naghanap pa ako ng maroon na model ng Jeepney wrangler na ito at pina export ko pa galing ibang bansa. Tanging ako lang ang nakakagamit ng sasakyan na ‘to na binili ko pa galing sa sarili kong bulsa.

Nasa parte na akong magubat na highway na halos wala na akong nadadaanan bahay ng may masagap ang matalas kong tenga.

Bilisan niyo, magtago muna kayo! Kung minamalas ka nga naman oh.’

‘Bakit? Babae lang yan.’

‘Isa yan sa anak ng may-ari ng pinaka malaking hotel dito sa bayan. Kilala din yan na mainitin ang ulo at walang sinasanto. Iwasan nalang natin, mahirap nang mapurnada ang negosyo.’

Dahil sa narinig ay inihinto ko ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Medyo matagal na din akong walang exercise. Bago bumaba ng sasakyan ay sinukbit ko pa ang revolver na lagi kong dala sa bulsa ng suot kong itim na cargo pants.

Sigurado akong malapit lang ang pinagtataguan ng kung sinu man yung mga yun. At di nga ako nagkamali, nakita ko ang bugkos ng pinutol na malaking puno na pilit itinago sa gilid ng kalsada.

Tsk, illegal loggers. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung sinisira ang kalikasan para sa pansariling kapakanan. Napaka swerte naman ng mga ito, ngayon pang mainit ang ulo ko ng dahil sa mga katulad nila.
Pinatunog ko ang mga kamao na sinuri ang paligid. Ngayon saan naman kaya nagtatago ang mga dagang yun?

“Lumabas na kayo, alam kong nandiyan kayo. Kung di niyo ako pahihirapan maghanap sa inyo ay baka magbago pa ang isip ko at hayaan nalang kayo sa mga pulis. Trust me, mas harmless ang mga pulis kesa sa’kin.” sabi ko na pasimpleng ini-iscan ang paligid.

Nakarinig ako ng tawa sa likod ng isang malaking puno. “Nene, baka naman nabibigla kalang. Di mo alam kung anong gulong hinahanap mo. Kung ako sa’yo, babalik ako sa kotse ko at uuwi sa mga magulang mo.”

Eyrie Series #1: Eros ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon