XVIII

2K 82 0
                                    

KABANATA XVIII

Closer

NAGTATAKA si Lanzer ng umuwi ng bahay kinagabihan. Wala siyang nakikitang tao magmula ng pumasok siya sa mansiyon.

May ginawa nanaman kayang kalokohan ang babaeng yun?
Parang eksena sa isang suspense film, madilim ang buong kabahayan at walang ilaw sa mga pasilyo. Wala rin siyang marinig na kahit anong ingay.

Magagaan ang yabag na naglakad siya papasok habang nakasunod sa kanya sina Rusty at Francis.

“Boss, parang may ingay sa labas.” sabi sa kanya ni Rusty.

Gamit ang pintuan sa kusina ay lumabas sila. Mas lalong nangunot ang nuo niya sa nakita. Ang mga manggagawa sa bahay, mga driver at security personnel at may mangilan-ngilan ding tagalinis at tagaluto ang nagkakasiyahan sa labas. At nasa gitna ng kasiyahan na yun ay - si Summer.

Sa pinaka gitna ay mayroong picnic table na puno ng pagkain, mukhang sayang-saya ang mga ito na nagkakainan at ang iba ay nagkakamay pa.

Nakita niyang ngumiti ang dalaga sa mga kasama nito na para bang nag eenjoy siya sa presensiya nila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang genuine na ngiti nito na ibang iba sa sarcastic na ngiti na madalas nitong ipakita sa kanya.
Lumapit siya sa likod nito at bumulong, “Anong nangyayari dito?”

“Ay demunyu!” napasigaw ito.

Mas lalong sumama ang timpla niya sa sinabi nito kaya awtomatikong hinila niya ang wrist nito papasok sa bahay. Sina Rusty at Francis naman ay nakikain na sa iba at wala ng paki sa kanila.

***

Sandali nga!” hinila ko yung kamay ko.

Nakapasok na kami sa pinto ng kitchen at madilim kaya hindi ko makita kung galit ba siya o ano. Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong kasalanan sa kanya. Wala nga ba?

“Ano nanaman ba ang problema mo?” tanong ko sa kanya.

Dahil medyo madilim ay hindi ko napaghandaan ng itulak niya ako at isandal ang likod sa ref habang sya ay nakikipag tigasan ng tingin sa’kin. Nagtama ang mga mata namin, naaninag ko ang mukha niya sa maliit na siwang mula sa malapit na bintana.

Ano nanaman bang kasalanan ko?

“Ikaw ang problema ko! Bakit ba hindi ka nalang manahimik kung saan kita iniwan? Bakit ba palagi mo nalang akong pinapahula kung ano nanaman ang kalokohang pinag-gagawa mo?”

“Wala akong ginagawang masama!” tinulak ko siya.

Para namang natauhan siya bigla at naging blangko na ulit ang kaninang naiinis na mukha.

Nilibre ko lang sila ng pagkain dahil ilang araw na din silang hindi nakakakain ng maayos dahil sa gulong sinimulan ko. Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na kailangan kong ayusin ang ginawa kong kaguluhan dito sa pamamahay mo?” paliwanag ko.

“Kahit na, karamihan padin sa mga kasama mo dun ay mga lalaki. Asawa kita baka nakakalimutan mo. At saka saan ka kumuha ng pagkain?”

Nagpadeliver ako, obvious ba?”

“Ikaw ang nagbayad? Saan ka kumuha ng pera?”

“Duh! Hindi naman ako mahirap noh! May sarili akong pera.” sabi ko, hindi parin siya mukhang kumbinsido kaya pinakita ko ang atm card ko na binigay ni Winter.

“Sa susunod sabihin mo muna sa’kin kung kailangan mo ng pera. Baka isipin ng magulang mo ay hindi ka naalagaan ng maayos dito.”

“Bukas na bukas ay magpapabili ako ng cellphone kay Francis para may magamit ka kung may kailangan ka sa’kin.”

“Hindi na kailangan, kasamang hinatid ni Winter ang cellphone ko nung dumating siya.”

“And yet, hindi mo man lang ako kinokontak?”

“Bakit naman kita kokontak-in?” maang ko.

Parang nagalit siya sa sinabi ko at hinampas yung ref ng kamay niya sa gilid ko.

Papabilhan pa din kita ng cellphone, your phone is already three years ago, malamang ay hindi na gaanong gumagana yun. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao pag nalaman na ganung klaseng phone ang ginagamit mo? Hindi man alam ng iba na asawa kita, dito ka padin sa puder ko nakatira.”

Tsk, talking about pride again. Napaka-laki talaga ng ego nitong taong ‘to. Wala na akong magagawa pa tungkol dun kaya hinayaan ko nalang siya.

“Oo nga pala, anong oras ka umaalis papasok sa trabaho?” tanong ko.

“Alas siyete, isang oras ang biyahe mula dito hanggang sa opisina kaya kailangan kong umalis ng umaga.” sabi niya.

“Okay, alas sais ng umaga bumaba ka muna sa dining para mag breakfast.” sabi ko.

Amusement was seen in his eyes. Ipagluluto mo ako?”

“Of course not! Hindi ko trabaho yun noh.” naglakad na ako paalis.
Nasa pintuan na ako palabas ng kitchen ng biglang may naalala. “Kumain ka na ba? May iniwan ako sa table mo kung ayaw mong kumain kasama sila.”

Pagkatapos nun ay umalis na ako para bumalik sa Jasmine room. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit nalaman ko ng may namatay sa kwarto na yun ay mas komportable parin akong matulog dun kumpara sa kahit na anong parte ng bahay na ‘to.

***

KINABUKASAN maaga ngang bumaba si Lanzer para mag-umagahan. Naabutan niya akong naka-upo sa dulo ng mahabang lamesa.

“Good morning!” kuha ko sa atensyon niya. Sa totoo lang ay kinabahan ako, akala ko di na siya pupunta.

Nakasuot na siya ng pang opisina at sa tingin ko ay aalis din siya pagkatapos.

“Bakit nandiyan ka? Hindi ba’t ang sabi ko ay dito ka sa tabi ko para naririnig mo ng maayos ang mga bilin ko.”

Tsk, ayan nanaman siya, bossy as ever. Hindi ko nalang pinansin ulit ang sinabi niya at naupo sa upuan malapit sa kanya.

“Ayan kamahalan, okay na ba yang ganyan ka close?” tanong ko na may sarkastikong ngiti sa mga labi.
Parang hari na naupo lang siya sa trono niya. Feeling royalty talaga itong isang ‘to kahit na kailan. Humanda ka lang sa’kin mamaya at maniningil na ako.

Maya-maya ay pumasok na si Delilah na may bitbit ng tray ng pagkain. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Lanzer ng makitang ito mismo ang nagsilbi sa amin ng pagkain.

May dala itong tig-isang plato na may lamang fried rice hotdog at omelet,  a typical pinoy breakfast, umalis ito at pagbalik ay may dalang tray na may dalawang tasa at isang pistil na gawa sa porselana. Hula ko ay kape ang laman nun at pinaghanda kami ng tig-isang tasa.

Sinusungitan parin ako ng bruha pero pag napapabaling kay Lanzer ay ubod ng tamis ng ngiti.

Nagsimula na kaming kumain pero hindi pa din siya umaalis. Alam kong hinihintay niya ang reaksiyon ni Lanzer sa luto niya.

Pero ang lalaki ay tahimik lang at seryosong inubos ang laman ng plato.

Naalala kong pabirito niyo yan noon kaya yan ang niluto ko.” singit ni Delilah.

“Salamat, Delilah.” maiklng tugon nito.

“Hindi parin masarap,” singit ko at nabaling ang atensiyon nila sa’kin. “Mas masarap padin ang luto ni Dahlia.”

Naiinsultong tumingin sakin ang taga-luto pero hindi tinuloy ang sasabihin. Hindi niya parin ako gusto, pero ramdam kong para hindi makadagdag sa alahanin ng amo ay sinarili nalang nito ang sasabihin at nagpaalam na.

Nung kami nalang ni Lanzer ang naiwan ay nangalumbaba ako sa lamesa at humarap sa kanya. Tutal ay naipakita ko na sa kanya na ayos na ang problema dito sa bahay, babalik na si Delilah sa trabaho at ganun din ang iba kailangan ko na yung pinangako niya sa’kin.

Ahemm,” agaw ko sa atensiyon niya.

“Bakit?” tanong niya habang pinupunasan ng table napkin ang bibig, tanda na tapos na siyang kumain.

“Siguro naman hindi mo nakakalimutan yung usapan natin kahapon. Maayos na dito sa mansiyon, magmula ngayon ay pagbubutihin nadin ng mga manggagawa dito ang mga trabaho nila. Pwede mo na ba akong isali sa imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng pamilya mo?”

Naging irritable ang itsura niya. Wag mong sabihin na wala siyang balak tumupad sa usapan? No one breaks a promise with Summer Angeles.

“Bakit ba sobrang interesado ka sa kasong yun?”

“Sinabi ko na sa’yo, itatakwil ako ng magulang ko pag di kita tinulungan. Isa pa, kung sino man ang taong nasa likod nun ay paniguradong siya ring nagtangka sa buhay naming magkapatid ng gabing yun. At dahilan kung bakit tatlong taon akong na comatose.” sabi ko.

Nakipagtigasan siya ng tingin sa’kin. Mukhang wala talagang balak sumunod sa usapan. Bwisit na’to! Subukan niya lang talaga!

“Fine,” huminga siya ng malalim. “Pero bago ang lahat ay sabihin mo muna sa’kin kung sa paanong paraan mo ako matutulungan.”

“Err- matalino ako at magaling lumutas ng mga krimen?” nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin na nakakarinig ako ng mga boses at pati na iniisip ng ibang tao ay naririnig ko. Alam kong hindi siya maniniwala.

“Tsk, sinong niloko mo?” tumayo na siya at mukhang aalis na. “Sa maikling panahon na kilala kita, alam kong nauuna ang aksiyon mo kesa sa pag-iisip, not to mention your short temper.”

Teka? Paano niya nalaman na yun ang kahinaan ko? Ang maikli kong pasensiya at pagiging padalos dalos?

“Wait! Wala ka talagang planong isama ako sa imbestigasyon?”

Isang batang paslit parin ang tingin ng gago na ‘to sa’kin?

“Convince me first na malaki ang maitutulong mo sa imbestigasyon.” sabi nito at umalis na.

Hindi pwede! Sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa espesyal na kakayahan ko? Pero paniguradong hindi siya maniniwala.

###

 ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now