XXII

1.9K 83 0
                                    

KABANATA XXII

Deceit

NARINIG ko na nagkaroon daw ng gulo dito ng mga nakaraang araw.”

Lahat kami ay napatingin ng magsalita si Eugene Boris habang may tatlong maid na kasalukuyang naghahain ng makakain sa amin. Napaka-intimidating talaga ng awra nito, kung mahiyain ako kagaya ni Autumn ay baka natakot na ako sa presensiya niya.

Pero ako si Summer Angeles, kahit mas matanda siya sa’kin wala akong paki-alam. Hindi ko gusto ang klase ng tingin na ibinibigay niya sa’kin ngayon. Parang nang-uuyam.

Nagkaroon lang ng hindi pagkaka-unawaan, uncle. Masyadong na kasi akong busy sa pamamalakad sa Empire Group kaya pinaki-usapan ko muna si Summer na pamahalaan itong bahay ng wala ako.”

‘Obviously, hindi niya kaya.’ napatingin ako ng masama kay Monique nang marinig ang iniisip niya. 

“Sayang at nasa abroad ako para sa photo shoot ng isang brand na iniindorse ko, nakatulong sana ako kay Summer.” inosenteng sabi nito. Pinaka ayaw ko talaga sa isang tao ay yung taliwas ang sinasabi sa iniisip.

“Oo nga Lanzer,” si Emanuel Xiu naman ang sumingit. “Palaging nandito sa bahay niyo noon itong si Monique kaya tinuruan siya ni Leticia ng tamang pangangalaga nitong bahay.”

Tsk, pinagtutulungan nila ako. Hindi ako bulag para makita yun.

“Hindi na po kailangan,” sagot ko dito ng may nang-uuyam na ngiti.
Tiningnan ako ni Lanzer na parang sinasabing, don’t get started. Pero wala akong paki-alam, gagawin ko kung ano man ang naisin ko. At sasabihin ko ang lahat ng nasa isip ko.

“Maayos naman na ang lahat ngayon. Nagkaroon lang ng hindi pagkaka-unawaan sa part ko at ng mga trabahador dito pero malinaw ko ng naipahatid sa kanila ang dapat nilang malaman.” sabi ko.

“Dapat nilang malaman? Ano naman yun?” tanong ni Emanuel Xiu in pure curiousity. Naramdaman ko din na nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa’kin ngayon. Kanina ay parang hangin lang ako pero ngayon alam kong threat na ang tingin niya sa’kin.

Pinaramdam ko lang naman sa kanila na hindi ako kaaway.” sabi ko.

“That’s interesting, I want to hear more.” nasisiyahan naman na sabi ni Rafael Boris.

Nakita ko ang pagka-irita sa mukha ni Monique na nakuha ko ang atensiyon ng lahat. Halatang sanay siya na apple of the eye ng lahat.

“Mr Xiu, may ari ka ng agency hindi ba? At gusto mong i-rekomenda ang mga tauhan mo kay Lanzer para magtrabaho dito.”

Naramdaman kong saglit na natigilan ang tatlong maid na naghahanda ng pagkain namin sa narinig. Patapos na sila at sinadya ko talagang marinig nila yun.

“Hindi kita masisisi, mas pabor kay Lanzer kung kukuha sya ng agency, bukod sa hindi niya na poproblemahin ang pagpapasweldo sa kanila isa-isa, mas madali na rin sakali mang may gusto siyang palitan.”

Napansin ko ang gulat sa kanya ng sabihin ko yun. Malamang ay nagtataka siya kung paano ko nalaman. Sa kanilang lahat ay siya ang pinaka-maingay ang isip, hindi mo pa tinatanong ay kung anu-ano na ang iniisip, paano gahaman, halata naman.

“Isang bagay na natutunan ko sa popsie ko na para maging tapat ang mga tauhan mo sa’yo wag mong iparamdam na ikaw ang boss kundi tratuhin mo sila bilang business partners,” panimula ko. Kumbaga give and take, kailangan balanse ang relasyon niyo, ibigay mo ang nararapat para sa kanila at ibibigay din nila ang serbisyo na nararapat para sa’yo. Matagal na ang karamihan sa mga tauhan dito at ang katapatan nila ay kay Lanzer lang kaya wag na kayong mag-alala, pagbubutihin na nila ang trabaho nila.”

“Gusto ko yan, business minded ka din pala. Paniguradong magkakasundo tayo. Sayang at ‘di man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ang iyong ama. But I heard so many great things about him. Some even call him shadow here dahil siya ang hidden card ng dating emperor na si Kryz. I heard Kryz won countless deals dahil sa mga strategies at payo ni Ezequil Angeles.”

“My father is indeed a great wise man Mr. Boris, napalago niya ang mga negosyo namin ng mag-isa.” sabi ko, this time with a genuine smile.

“Ano ka ba naman hija, Uncle Rafa nalang ang itawag mo sa’kin. Dalawa kaming Boris dito, baka mailto ka.” sabi nito sabay tawa.

Saglit palang kaming nagkaka-usap ay ramdam ko na ang senseridad ng taong ‘to. Mukhang simple lang siya at walang gaanong ambisyon sa buhay.

“Okay po, Uncle Rafa.”

“But I agree, your father is a wise man and cunning too.” nawala ang ngiti ko ng magsalita si Eugene Boris. Parang may kung ano sa tono nito na nang-uuyam.

“I heard yung hotel and resort ninyo ay originally pagmamay-ari ng nanay mo. Too wise of your father to choose a wife at magaling din siyang mamili ng kaibigan obviously. One of the most powerful man in the country, Kryz Silvana.” dagdag pa nito.

Hindi ko gusto ang tinutumbok ng taong ‘to. Parang pinalalabas niya na manggagamit ang popsie ko kaya naikuyom ko ang isang kamay na nakapatong sa hita ko.

Sisinghalan ko na sana siya ng maramdaman ang kamay ni Lanzer na pinatong sa ibabaw ng naka-kuyom kong kamao. Sa isang iglap ay medyo kumalma ako pero hindi padin nawawala ang pagkainis ko sa taong yun.

“Wow, what did I miss?”

Napukaw ang atensiyon naming lahat ng may magsalita malapit sa pintuan. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking may mapaglarong ngisi ang nakatayo dun. At nakatingin ito ngayon sa’kin.

Revan, as usual late ka nanaman.” naiinis na sabi ni Uncle Rafa.

“Sorry dad, may tinapos pa akong meeting with the investors.” sabi nito.

Dad? Anak siya ni Uncle Rafa?

“Akala ko hindi ka na dadating you idiot.” nagulat ako sa casual na tono ni Lanzer. Mukhang close sila nitong taong ‘to.

Palalampasin ko ba naman ang pagkakataon? Minsan lang mag-invite itong kaibigan ko na emperor na ngayon.” sabi nito na hindi parin nawawala ang ngisi.

Kung titingnan mula ulo hanggang paa, mukha itong typical playboy. Black skinny jeans, brown leather boots at silky red polo na nakabukas ang tatlong butones sa taas. Idagdag pa ang piercing nito sa kaliwang tenga.

Lumapit ito sa’min pero imbes na kay Lanzer humarap ay sa akin ito nakatingin ngayon.

“Nice to meet you, my empress.” sabi nito sabay kuha sa kamay ko. Nabigla ako ng halikan niya yun.

Revan nga pala,” pagpapakilala nito sa sarili. Kaibigan ako nitong Lanzer, sakatunayan ay sabay kaming nambababae niyan noon. We even share women.”

Revan,” may pagbabanta na sabi ni Lanzer.

“Ikaw naman dude, I was just reminded of the good old days.” sabi nito na humarap na kay Lanzer. “Ikaw lang naman ‘tong biglang nagbagong buhay eh.”

Revan anak, maupo ka na nga dito. Nakakahiya ka talaga kahit na kailan.” umiiling na sabi ni Uncle Rafa.

###

 ###

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now