XXXII

2K 91 3
                                    

KABANATA XXXII

Home

MADILIM na nang lumabas kami sa Rose Villa. Nag text si Winter kay Spring na on the way na daw ito galing sa ospital at may magsasama ng mga ka-trabaho. Masaya ako na ‘di gaya namin ay may mga kaibigan sa bayan na ‘to ang mahal kong kapatid.

Pagdating sa pagdadausan ng kasiyahan ay marami-rami na ding tao. Lahat sila ay napatingin sa’ming magkakapatid pagdating namin. At isang bagay lang ang nasa-isip nila nang mga sandaling yun.

‘Para silang mga anghel na bumaba sa lupa.’

Lumapit kami at binati ng mga tauhan na nauna nang nandun at nagkakasiyahan. Buong gabi hanggang madaling araw kinabukasan ang party na ‘to na talaga namang taon taon ay inaabangan ng mga trabahador ng Casa Angeles.

Nagsimula ang kasiyahan sa sayawan at may ilan namang nagsisimula nang kumain. Dahil mahaba ang party na ito ay bukas ang buffet table sa lahat ng oras at sinigurado ni Sunny na hindi mauubusan ng pagkain.
Matapos ang konting kwentuhan kasama ang mga trabahador ay dumiretso na kami sa table kung saan naka-upo ang mga magulang namin.
Nagpalinga-linga ako sa paligid nang mapansing wala silang ibang kasama. Nasaan kaya ang lalaking yun? Umuwi na kaya siya? Tsk, di man lang nagpaalam.

“Happy Birthday mga prinsesa ko!” bati ni popsie nang makalapit kami sa table.

“Ang saya saya ko, makukumpleto ulit tayo sa kaarawan niyo.” masiglang sabi naman ni momsie. Nasaan na nga pala ang kapatid niyong si Winter?”

“On the way na daw po.” sagot ni Spring.

Napasinghap ako nang may bigla nalang may dalawang braso na bigla nalang pumulupot sa’kin mula sa likuran ko. Nang atakihin ang ilong ko ng pamilyar na amoy na yun ay di na ako nakagalaw.

“You look gorgeous.” bulong niya sa tenga ko.

Nasa likod ako ng mga kapatid ko kaya hindi nila kami napansin. Pero nakita kami nila popsie at momsie na nakaharap sa dereksiyon namin kaya hindi ko naalis ang kamay niya na nakapulupot ngayon sa tiyan ko. Baka kung ano pa ang isipin nila.

Lanzer, anong ginagawa mo?” pabulong na tanong ko sa kanya.

Nilalambing ko ang asawa ko.” bulong niya ulit.

“Wag ka ngang tiyansing! Nakakahalata na’ko sayo ha. Bakit ba ang clingy mo?”

“Can’t help it, you’re irresistible.”

Dahil sa sinabi niya ay napaharap ako sa kanya, wrong move. Ngayon ay parang magkayakap na kaming dalawa.

Napagmasdan ko din ang gwapo niyang mukha na mas gumwapo sa suot niyang sun glasses. Shit! May igu-gwapo pa pala itong hayop na ‘to. I feel attacked.

Napagmasdan ko din yung suot niyang western black embroidered long sleeve na naka tuck in sa kanyang fitted maong pants with matching cowboy boots.

(Outfit po ni Lanzer,  kayo na ang bahalang mag imagine) Nagmukha siyang isang mayamang haciendero sa suot niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(Outfit po ni Lanzer,  kayo na ang bahalang mag imagine)

Nagmukha siyang isang mayamang haciendero sa suot niya. At mukha ding mabango, ano ba ‘tong iniisip ko?

Ano bang gusto mo huh Lanzer Silvana? Ginagawa mob a ‘to para siguraduhing sasama ako sayo pabalik sa Silvana Mansion? Teka, sasama nga ba ako sa kanya? Nandito ang tahanan ko.

“Hoy lovebirds! Maghunos dili kayo mamaya na yan. Maraming tao dito.”

Natigil ang titigan namin nang marinig ko ang boses ni Spring. Dahil dun ay naitulak ko si Lanzer palayo sa’kin.

‘Whipped’

Narinig ko nanaman ang boses ni Winter kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay papalapit sa’min at may kakaibang ngisi sa mga labi.

Naka-suot siya ng isang elegant white lace dress at black stiletto sa likod niya ay may tatlong tao na mukhang di nalalayo ang edad sa kanya. Isang babae at dalawang lalaki na kung susuriin ng tingin ay mukhang mga doktor din.

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now