XI

2.1K 80 0
                                    

KABANATA XI

“Chaos at Silvana Mansion”

NANG magising kinabukasan ay nasa Jasmin room na’ko at nakahiga sa kama ko. Wala sa sariling napahawak ako sa batok. Medyo mahapdi pa ito ang ibig sabihin ay totoo ang mga nangyari kagabi.

Sa bedside table ay nakita ko ang tatlong kumpol na mga lilies na sa tingin ko ay bagong pitas palang.

Gising na po pala kayo Miss Summer.”

Nakita ko si Karla na naglilinis na sa kwarto. Siya din siguro ang nagpalit ng bulaklak sa bed side table.

“Paano ako nakabalik kagabi?” tanong ko.

Kumislap ang mga mata niya na parang kinikilig na lumapit at sa’kin.

“Halos madaling araw na po kayo nakabalik dito sa kwarto. Nakita ko si emperor na binuhat kayo pabalik dito. Kayo ha, ano pong ginawa niyo at inumaga na kayo?” pang-aasar niya sa’kin.

Napahawak ako ulit sa medyo mahapdi ko pang batok. Hindi ko nga pala pwedeng sabihin kahit kanino ang tungkol sa tattoo lalong-lalo na ang sa marriage certificate.

Nakatulog lang ako kakantay sa kanya na matapos ang trabaho.” pagsisinungaling ko.

Ayiiee, close na sila.”

Sinong close? Kami nung batong yun? Yung Monique na yun lang naman ang nagkakandarapa dun ano!”

Kunsabagay totoo po yang sinabi niyo, mula pagkabata nila si Miss Monique lang ang nagtiyagang makipaglaro kay Master Lanzer. Ayon sa narinig kong kwento, sobrang mainitin ang ulong bata ni emperor noon lalo na nung nawala…”

Nawala si?”

Parang biglang natauhan na napatulala nalang siya sa’kin. ‘Hindi ko dapat banggitin ang pangalan na yun! Ang tanga ko talaga! Baka mapugutan ako ng ulo sa kadaldalan ko!’

“Wag mo nang isipin yun Miss Summer.” 

Hindi nalang ako nag-usisa pa. Siguradong may dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sa’kin at maari niyang ikapahamak kung pipilitin ko pa siya.

“Miss Summer, ito na nga pala yung umagahan mo. Kinuha ko sa kitchen kanina.”

Tinuro niya sa’kin ang tray na nakapatong sa coffe table malapit sa bintana. Medyo nagugutom na ako kaya lumapit ako.

“Isang tasa ng kape at tinapay? Breakfast na ang tawag mo dito?” tanong ko.

“Pasensiya na Miss Summer, ayaw nila akong ipagluto ng kahit anong pagkain. Kahit ano daw ang mangyari ay ‘di ka nila pagsisilbihan. Wag po kayong mag-alala, sa susunod ay mag-aaral na akong magluto.”

“Hindi ba nag-uumagahan dito si Lanzer?”

Maaga po siyang umaalis palagi at sa opisina na nag-uumagahan.” sabi niya.

“Kung ganun ay tuwing hapunan lang siya kumakain dito, paano pag dating ng lunch mamaya?”

“Share ko po sa pagkain ang binibigay ko sa inyo dahil ayaw din nila kayong ipagluto. Wala lang talaga silang choice sa hapunan dahil nandito si emperor.”

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now