XX

2K 81 0
                                    

KABANATA XX

Clairaudience

ILANG segundo na ang lumipas pero wala parin akong naririnig na kahit anong reaksiyon mula sa kanya.
Unti-unti ay dinilat ko ang aking mata at tiningnan ang reaksiyon niya. Parang wala namang nagbago dito, hindi mababakasan ng kahit anong pagkagulat ang kanyang mukha. Narinig niya ba ang sinabi ko ngayon-ngayon lang?

Naririnig ko ang iniisip ng ibang tao, kaya ko ring makipag usap sa mga multo…

“Alam ko, your father told me about that.” plain lang na pagkakasabi nito na parang hindi big deal yun.

“AT HINDI MO MAN LANG SINABI SA’KIN? Alam mo ba na hindi ako mapakali kanina pa kakaisip kung sasabihin ko sayo o hindi dahil baka di mo ako paniwalaan.”

“Gusto ko na ikaw mismo ang magsabi sa’kin.” sabi niya lang. “If we are going to be partners, mahalaga na malaman ko na ipagkakatiwala mo sa’kin ang sikreto mo.”

“Kung hindi ko sinabi?”

Iisipin ko na hindi tayo magkakampi dahil gagamitin mo lang ang kakayahan mo bilang advantage sa’kin kaya hindi mo sinabi ang totoo.”

“Teka lang! Does that mean na naniniwala ka kay popsie? Naniniwala ka sa kaya kong gawin?” yun lang talaga ang gusto kong malaman.

“Nung una, mahirap paniwalaan, pero nagpa-imbestiga ako. Hearing voices in your head could be just a psychotic episode.”

Sinasabi ba ng lalaking ‘to na baliw ako?

“But then psychotic episode differs from psychic episodes. Psychic experience is a focused  event that occurs from time to time and positively guides you in a particular direction. For example, hindi ka nag-iisip most of the time, pero napansin ko na magaling kang maglaro ng tao. Napapaikot mo sila dahil alam mo kung ano ang iniisip nila. I don’t know if you notice but you slipped on many occasions. Nalalaman moa ng mga bagay na nasa isip ko lang.”

Sinadya mo ang mga yun para itest ako?”

“Ang tawag sa kakayahan mo ay clairaudience, in your case its inborn. People with this capability can receive an intuitive vocal message from the world of spirits or higher being. In some cases, you can also have enhanced hearing to the point na pati ang mga boses sa likod ng utak ng isang tao ay nasasagap niyo.”

Parang gusto ko siyang palakpakan ngayon, hindi lang siya naniniwala sa kakayahan ko. Na-debunk niya pa kung paano ito nagwowork na parang sa science.

“Kung ganun pumayag ka na hawakan ko ang buong mansiyon na ‘to para mapatunayan mo ang kakayahan ko?”

What a sly devil…

“Exactly,” proud pa na sabi niya. I’m really speechless.

“Ngayon, pwede mo na ba akong hayaang maki-alam sa imbestigasyon?” bored na tanong ko.

“May isa pa akong tanong,”

“Fire away!”

“Nung araw na yun, bago kami umalis. Hinabol mo ako at sinabihang mag-ingat. What was that all about? Alam mo ba ang mangyayari sa’min?”

Eyrie Series #1: Eros ✅Where stories live. Discover now