III

2.9K 95 3
                                    

KABANATA III

The Sound of Bells

Bata palang ako, ang tunog ng dalawang nag-uumpugang bell na yun ang kinatatakutan ko. Unang beses kong narinig yun ay namatay ang bunsong kapatid ng mama ko na si Tita Rosie, pangalawang beses ay namatay naman ang matalik na kaibigan namin anak ni Nana Delly na si Roy magmula noon ay kinatakutan ko na ang tunog na yun na ang tanging ibig sabihin lang ay kamatayan.

“Argh!”

“A-ayos ka lang?” hindi alam ni Lanzer kung ano ang gagawin habang ako ay namimilipit sa sakit ang tenga.

Di gaya noon ay malakas at masakit sa tenga ang tunog nito ngayon. Bakit kaya? Ibig ba nitong sabihin ba ay maraming mamamatay?

Hindi ako normal dahil ipinanganak akong may kakaibang kakayahan na itinuturing ko ding sumpa. Bukod sa nakakadinig ako ng tunog ng nag-uumpugang mga bells tuwing mamamatay ay masyadong malakas ang pandinig ko na naririnig ko ang lahat ng ingay gaano man ito kahina at kalayo. At higit sa lahat, naririnig ko din ang mga boses nila. Ang mga kaluluwang namayapa na.

Isang minuto na ang nakakalipas ay hindi parin nawawala ang tunog sa magkabilang tenga ko. Naramdaman ko nalang na binuhat ako ni Lanzer at pinasok sa loob. Nang kumalma ay napansin ko nalang na inihiga niya ako sa isang sofa na nasa hallway.
Hawak niya parin ako sa mga bisig niya. Malakas din ang isang ‘to, nagawa niya akong buhatin at dalhin dito ng ganun kabilis, not to mention na malaki ang built ng katawan ko.

“Okay nako!” agad kong tinabig ang kamay niya ng mapansin kong hahawakan niya ang noo ko.

“May sakit ka ba?” tanong niya.

“Sorry to inform you, malakas ako at walang sakit.” sarkastiko kong sabi.

“Anong tawag mo sa nangyari kanina?”

“Nagaalala ka ba o umaasa na malapit na akong mamatay ng sa ganun eh hindi mo na ako kailangang pakasalan?” tanong ko.

“Ano bang problema mo sa’kin? Kakakilala lang natin kanina pero parang ang lalim lalim na kaagad ng galit mo sa’kin?” tanong niya.

‘Sayang naman ang gandang yan kung hindi mapapasa’kin.’

“Sabi mo kanina hindi ako kasing ganda ng mga kapatid ko. Ngayon nagagandahan ka sa’kin at gusto akong pakasalan?” diretsong tanong ko.

“Wala naman akong sinabing pangit ka ah. At paano mo nasabing gusto kitang pakasalan?” nagtatakang tanong niya.

Lagot! Iniisip niya lang pala yun. Hindi ko dapat alam. Baka mahuli ako at ang sikretong kaweirduhan ko.

“Hindi kita gusto okay? Wag kang mag-ambisyon na magpapakasal ako sayo!” pag-iiba ko ng usapan at pilit kumala sa kanya.

Tinalukuran ko na siya para umalis pero hinila niya nanaman ako at sinandal sa pader. Nakakainis! Bakit ba ang hilig ng lalaking ‘tong magsandal sa pader? Anong akala niya sa sarili niya, leading man sa isang palabas?

Kinulong niya ako sa magkabilang braso niya at tiningnan ako na para bang isa akong species na ngayon niya lang nakita. Dahil konti lang ang deperensiya ng height namin ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa ngayon.

“Kahit kailan ay walang nakatakas sa isang Silvana.” banta niya.

Natigilan ako ng klase ng titig niya sa’kin. Puno ng kumpiyansa sa sarili at mapang-angkin.

‘Walang kahit na sinong babae ang hindi nabaliw sa isang Lanzer Silvana.’

Buong lakas ko siyang tinulak palayo sa’kin. “Hindi ako natatakot sayo!”

Nauna na akong naglakad pabalik sa garden at ramdam ko siya sa likod ko.

“Anak, bakit ang tagal niyo?” tanong ni momsie.

“Lanzer, ikaw ha, alam kong gustong-gusto mo ng makilala itong mapapangasawa mo pero wag kang mag-alala, marami pang oras para diyan.” pang aasar sa kanya ni Tito Kryz.

Walang nagsalita ni-isa sa amin at parehong bumalik sa kanya-kanya naming upuan para magpatuloy sa pagkain.

“Matanong ko lang,” singit ni Tita Leticia. “May nadaanan kasi kaming malaking college sa bayan, dun ba nag-aral ang mga anak mo? Since 23years old na ang mga panganay mo so I presume nakatapos na silang lahat ng pag-aaral?”

“Home schooled ang mga anak ko,” sagot ni momsie.

“What?”

‘Walang pinag-aralan? Tsk.’ –Tita Leticia

“Bakit tita? May problema ka ba dun?” diretso kong tanong. Sorry, hindi ako yung tipong nagpapaapi kahit na sa mas nakakatanda.

“Sorry?” ulit niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Mawalang galang na po, may mga batang pumapasok ngayon na puro landi at pagpapaganda lang ang inaatupag, pumapasok nga sa school pero wala namang natututunan. Kaya hindi niyo po pwedeng husgahan ang isang tao base sa antas ng edukasyon lalong lalo na sa kung saan man siya nag-aral.”

“Summer.” saway sakin ni momsie.
Saglit na katahimikan at walang nagsasalita ng biglang humalakhak  ng malakas si Tito Kryz.

“Tama nga naman, intelligent young lady. I like that.” sabi nito sabay nagpropose ng toast.

Dapat ba akong matuwa? Ibig sabihin ay mas lalo niyang ipipilit itong engagement na ‘to. Bwisit! Hindi yun ang intensiyon ko.

“Nakakatuwang maka-kwentuhan ang pamilya mo Zequil, nakakapanghinayang na hindi na kami makakapag stay dito ng matagal dahil kailangan na naming bumalik sa Maynila. Pero wag kayong mag-alala, padadalasin ko ang pagbisita dito ni Lanzer para mas magkakilala pa sila nitong si Summer.”

Naku! Okay lang po kahit hindi na sya bumalik.

“Nakakalungkot naman, sa susunod ay magkwentuhan pa tayo ng mas matagal ha.”

“Sure,”

Pagkatapos ng pananghalian ay hinatid namin sila sa harapan ng Casa at pinanuod ng umalis. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko mula pa kanina.

“May kasama sila.” nagulat ako ng magsalita si Autumn sa tabi ko.

“Huh?” humarap ako sa kanya. “Marami naman talaga silang kasama.”

“Alam mo kung ano ang tinutukoy ko.” sabi nito.

Hindi kaya… Wala akong ideya kung ano ang pumasok sa utak ko at tumakbo ako at hinawakan ang kamay ni Lanzer bago ito makasakay ng sasakyan. Nang mga oras na yun ay siya nalang ang hindi pa nakakasakay sa loob ng van.

“Mag-iingat kayo.” sabi ko.

“Huh?”

Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na. Ano bang ginagawa mo Summer! Nakakahiya ka! Baka isipin niya ang clingy mo at patay na patay ka sa kanya!

Walang lingon-lingon na naglakad na ako pabalik sa Rose Villa. Nadaanan ko pa si Spring na may mapang-asar na ngisi.

“Awww ang sweet, isang araw palang nagkakilala, ayaw ng mawalay sa isa’t-isa.” hindi nga ako nagkamali, aasarin ako ng bruha! “Ano ngang tawag dun Sunny?”

Nasa sala ako nakaupo at nanunuod ng tv nang dumating yung apat.

“Love at first sight I think?”

Tiningnan ko silang dalawa ng masama. Nag tandem nanaman sila sa pang aasar sa’kin. Gusto ko lang ng tahimik na buhay, utang na loob! Isa pa ay last week lang sinabi sa’kin ni popsie na magpapakasal ako sa edad na 23 sa isang tao na pinagkasundo sa’kin nung baby pa’ko, hindi ko pa lubos na natatanggap ang sitwasyon ko.

“Love at first sight my ass! It’s more like hate at first sight!” sabi ko.

Sina Winter at Autumn ay naupo sa mahabang sofa katabi ko habang sina Sunny at Spring naman ay nasa magkabilang adjacent seat.

“Weh? Ang hot kaya ng future husband mo. Kung hindi ko lang alam na fiancé mo yun ay baka inakit ko na siya kanina.” sabi pa ni Spring.

“Yuck! Kilabutan ko nga diyan sa sinasabi mo.” sabi ko.

“Anong tingin mo sa’kin?”

“Okay lang yan Ate Summer, tough love is healthy.” singit ni Sunny.

“Huh? Alam mo ikaw, ang bata bata mo pa pero ang dami mo ng nalalaman.”

“Bagay naman kayo eh, the rebellious cowgirl and the rude mafia heir. Perfect couple, di na ako makapaghintay kung paanong ma-unfold ng love story ninyo.” –Winter

“Pati ba naman ikaw Winter, makikisali sa kalokohan nitong dalawang ‘to?”

“Masaya ako para sa’yo Summer, magkakaroon ka na din ng ibang buhay maliban sa pangangalaga ng mga farm natin.” natatawang sabi ni Autumn.

“Ayoko na! Pinagtutulungan niyo akong apat!” tumayo na’ko at naglakad patungong elevator paakyat sa kwarto ko.

KINABUKASAN. Pagbaba ko sa unang palapag ay naabutan ko si Sunny na nagluluto sa kusina. Mahilig talagang magluto ang kapatid ko na ito at paboritong hobby nya ay ang ipagluto kami.

“Good morning ate,” bati niya sakin.

“Morning,” naupo ako sa stool sa may kitchen counter.

Katabi ko yung aso niyang si Sixto na pinapanuod lang siyang magluto. Ang weirdo talaga ng asong ‘to, masyadong clingy sa kapatid ko.

“Si Ate Spring pinakiusapan kong pumunta sa penthouse para dalhan ng niluto kong almusal sina popsie at momsie, si Ate Winter maagang umalis papuntang Eyrie U, si Ate Autumn naman, as usual nagkukulong nanaman sa flower room pero maya maya lang ay nandito na yun para mag breakfast.”

“Tsk,” kumuha ako ng tasa para magtimpla ng kape.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsimsim sa kape nang dumating si Spring na hingal na hingal sabay sabi ng, “Big News Guys!”

Anong problema?” kasunod niyang dumating si Autumn na galing sa flower room.

Tumingin siya sakin at sinabing, “Na-ambush daw kahapon yung convoy na sinasakyan ng mga Silvana pabalik sa Maynila, bago mag detour pa express way yung sinasakyan nila ay pinaulanan sila ng bala ng tatlong batalyon na kalalakihan. Nagmamadaling umalis si popsie para alamin ang lagay nila. Binilin nila muna sa’tin itong Casa.”

Nagkatinginan kami ni Autumn, bakas sa mukha niya ang matinding takot. I guess yun ang ibig sabihin ng mga bells na narinig ko kahapon. Nangyari nanaman, I wonder, magiging biyuda na ba ako ng maaga?

 Nangyari nanaman, I wonder, magiging biyuda na ba ako ng maaga?

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।


Eyrie Series #1: Eros ✅जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें